Ch. 4: Log-in [Revised]

4.4K 172 8
                                    

Chapter 4: Log-in

Nagising ang binata dahil sa ingay ng kaniyang pusa. Hindi na ito nag-atubiling matulog ulit dahil nakasanayan na ni Ralph ang magising ng maaga. Kung tutuusin, isa siyang early bird with worms (Shout out sa mga nakagets sa joke ko.)

Pagkatapos niyang pakainin si Demi ay nagluto ito ng makakain at nagbihis na papunta na sa school. Mag-isa kasi si Ralph sa kanilang bahay dahil ang kanyang nanay ay isang CEO sa isang medium sized company. Although medium size lang iyon, sa paningin ng normal na tayo ay malaki at malawak na business ito.

Normal naman ang lahat. Bukod sa pinagtitinginan siya ay wala ng nagbago sa school. Maingay parin sila Zed. At tinatamad parin magdiscuss ang mga teachers. Nobody said anything dahil baka magbago ang isip ng mga ito at biglang magklase, sayang naman kapag ganun.

"Ralph recess na, 'la kang balak kumain?" agad na tanong ni Zed nang makita niyang naka-upo parin si Ralph kahit tumunog na ang bell.

Umiling lang ng ulo si Ralph bilang pagtugon.

"Oh well, if anything ever happens, call me." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na sumibat si Zed na parang naiihi.

Napailing nalang ng ulo si Ralph. Hindi sa ayaw niyang kumain, kundi hindi lang siya masiyadong komportable sa mga kasama niya. Aaminin niyang masaya kasama ang magbabarkada, makulit, at maingay. Pero hindi niya maiwasang mailang dahil hindi siya sanay rito. Imagine a loner tapos biglang may barkadang darating para mag-ingay? How uncomfortable would that be.

Ralph took out his phone para tignan ang oras. By the way pwede magphone sa school except for class hours. It's 9:00, mayroon pang 1 hour before the next period.

Napadako ang tingin ni Ralph sa phonebook niya. Hindi parin siya makapaniwala na may laman na ito bukod sa number ng mama niya at ng kaniyang driver. Pwersahan kasi nilang kinuha ang phone ni Ralph at inilagay nila ang number nila isa-isa including Franchelle, albeit unwillingly.

Tumayo na si Ralph at nagtungo sa rooftop. Being a loner, siyempre kailangan mo ng tahimik na tatambayan. And rooftop is the best spot. Bukod sa mangilan-ilan lang ang pumupunta rito (Except sa mga mahilig sa outdoor at school play. You know what I mean.) ay wala ng magkakainteresadong pupunta rito.

Ralph found a good spot at agad kinuha ang libro sa bag at agad na nagbasa. He's a bookworm by the way. Any books binabasa niya. Be it educational books, magazine, novels, and even doujinshi (Nyahahaha. Alam niyo to.)

Still, there are two reasons why Ralph loves to read. The first is to learn something new. And the second is it helps to make him fall asleep.

And just like that, Ralph went into slumber just after he read the first two parts of the book.

Ang hindi niya alam ay may isang babaeng nakatingin sa kanya sa isang sulok mula pa kanina.

Ralph woke up after sleeping for 8 hours. Tulog mantika siya kung alam niyo lang. Alam niyang hindi na siya nakapasok sa next periods niya pero hindi na siya nag-atubili pang mag-explain sa mga teachers dahil ilang beses na niya itong nagawa. Bukod sa kaunting sermon at paalala ay wala ng ibang gagawin ang mga teachers. Wala naman magawa ang mga teachers dahil matalino naman talaga si Ralph kaya kahit hindi na siya pumasok ay makakasabay siya sa mga lesson na maibibigay.

Pagka-uwi ni Ralph ay isinet-up niya ang head gear na dumating sa kanya kahapon. Ipinadala ito ni Zed via Robot Courier. After niyang iset-up ay may kaunting calibration siyang ginawa habang suot ang head gear katulad ng pagtapik sa balikat, ulo, baywang, tuhod, paa, dibdib, at kamay. Ito ang paraan upang madetect ng gear ang kasarian ng player. May sensor kasi ito na siyang nagmamatch sa hugis ng katawan ng tao at nagprepredict kung anong kasarian ang gumagamit nito.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon