Sa labas ng kweba sinaksak ni Vespa ang isang lumang kahoy sa lupa at nagsimulang magliyab ng kakaibang pulang ilaw ang kanilang mga mata. "Bigyan mo kami gabay at ipahiram mo ang iyong kapangyarihan upang maprotektahan namin ang aming tahanan" sigaw niya at ilang saglit nagbaga ng apoy ang buong kweba.

Walang tigil yung pagyanig, sa pagitan ng mga katawan nina Agamatea at Conchita may lumabas na katawan na itim na gawa sa usok. "Ayan si Conchita ang aming alay sa iyo" sigaw ni Criselda pero may makintab na karit ang lumapit sa leeg ng dalaga.

Sabay sumigaw ang mga bruha sa buong paligid, nakarinig sila ng malalim na sigaw, nagwala yung katawan na gawa sa usok saka pinalubutan ang katawan ni Conchita. "Yan an gaming alay! Sa iyo na siya ngunit bigyan mo gabay ang aming ina na si Agamatea na lumakbay sa realidad ng mga espiritu" sigaw ni Conchita saka tinaas ang mga kamay niya.

Gumaya yung ibang mga bruha kaya yung katawan na usok tila nahihirapan. Winasiwas niya yung karit niya saka sinaksak ito sa katawan ni Conchita. Nakarinig ang lahat ng malakas na tawa, kumapal yung katawan ng usok at ilang saglit unti unti nalusaw yung katawan ni Conchita at sumanib na ito sa karit.

Pinalubutan ng itim na usok yung katawan ni Agamatea. "Hahayaan mo siyang maglakbay sa realidad ng mga espiritu...tumupad ka sa usapan" sigaw ni Criselda kaya humarap sa kanya yung apoy na nilalang saka tumawa.

Paspas na pinagdikit ni Criselda ang mga kamay niya, gumaya ang lahat ng mga bruha kaya napasigaw yung nilalang na gawa sa usok. Nabitawan niya karit niya, may puti na liwanag ang bumalot sa buong kweba, "Sige mamili ka! Pagbibigyan mo hiling namin o dito ka narin magtatapos!" sigaw ng dalagang bruha kaya nagsisigaw yung nilalang na gawa sa usok.

Sa labas ng kweba, "Magkapit kapit kayo! Wag kayo paghihinaan ng loob" sigaw ni Vespa saka siya lumuhod, nilingon niya mga kasama niya at habang walang nakatingin, binaon niya mga kamay niya sa lupa saka nagpakawala ng malabnaw na asul na apoy.

Gumapang yung apoy at nung nakalayo lumabas siya sa lupa at naging isang asul na ibon na mabilis na lumipad papunta sa langit.

Isang buwan ang lumipas may apat na matandang babae ang pumasok sa isang elevator. Pagdating nila sa top floor agad sila nagtungo sa isang suite. Isang matandang lalake ang bumukas ng pintuan, yung apat na babae napaluhod para magbigay pugay.

'Tumayo nga kayo, pumasok kayo dali" sabi ng matandang lalake. "Lord Ysmael it is good to see you again" sabi nung isang babae na nakasuot ng pula. "It is good to see you all, do not worry this building is safe. The institute cannot detect me pero hindi ako pwede magtagal dito" sabi ng matanda.

"Lord Ysmael, may malaking problema tayo" sabi nung matandang babae na nakasuot ng asul. "Is it true? Is the grand dark witch dead?" tanong ni Ysmael. "Yes and let us warn you, never speak her name" sabi nung naka puti namatanda.

"I understand, speak" sabi ng dragon lord. "May tinalaga tayong espiya, wag kayo mag alala kakampi natin siya. She sent us a messenger bird and it told us the plans of the dark grand witch" sabi ng isa.

"The prophecy of the witches is coming true and the dark witch plans to be reborn inside that child" sabi nung nakapula. "Bakit parang hindi ka gulat?" tanong nung nakaputi. "Mga kalaban natin ganyan narin ginagawa nila"

"They are forcing magic bodies inside human beings. Yang sinasabi niyo hindi na kagulat gulat pero she is risking a lot, she will be reborn as a child?" sabi ni Ysmael. "Matindi yung sumpa na pinataw ng mga bruha sa kanya, kung magtatagumpay siya...her powers will grow with the child"

"Thus she could get even stronger" sabi nung isa. "Bakit hindi pa niya ginawa? Why wait? What is so special about the chosen boy?" tanong ni Ysmael. "That boy will be cursed" sabi nung isa kaya nagulat yung dragon lord.

MASKARAWhere stories live. Discover now