Napaka-lakas ng tilian at kinailangan pa naming magtakip ng tenga ni Autumn dahil sa lakas ng tilian ng mga tao dito.

Umiling na lang ako at pinanonood ko ang galaw ng grupo nila Art. Kasing galing din nila sila Kuya.

Para silang mga professional basketball players na naglalaro ngayon sa Pilipinas at nandito ang milyon-milyong fans nila na nanonood.

Ngayon ay ang three points shot nila at nag try isa-isa ang grupo nila Art at kada tira ng mga lalaking iyon ay katumbas ng walang humpay na tilian ng buong arena, I mean court.

Ang galing ni Art.

Nang natapos na ang trial, inannounce na ng coach kung sino ang top 10 players na pasok sa league.

Panalo sila Kuya at Art silang sampu ang pasok. Sila na ang bubuo sa B.U varsity players.

"Aaaahhhhhh! Panalo silang sampu!"

"ANG GA-GWAPO NG MGA PLAYERS NATIN SH*TTTT!"

"PANALO SILA ART!"

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko sa buong court at agad naman akong hinila ni Autumn patungo kela Kuya at nagulat ang mga tao. 'Di nila alam na kapatid ko ang mga ito.

Yinakap ako nila Kuya na lalong nagpasinghap sa mga tao. Inayos ko ang salamin ko at humiwalay sa yakap nila then nakipag-apir ako isa-isa sa kanila. 

"Kuyas, congrats!" bati ko sa kanila at napansin kong hingal na hingal si Kuya Ice dahil tumakbo ito.

Binigyan ko sila ng gatorade na dala ni Autumn at towel. Pinunasan ko na rin si Kuya Ice at nag thank you siya.

"Trip punasan kita." anyaya ni Autumn kay Kuya Trip at sumulyap sa akin si Kuya Trip at linakihan ko lang siya na mata na nagpapahiwatig na tanggapin niya ang alok ni Autumn.

"Sure Autumn! Thanks." at kinilig ang gaga.

Pinunasan ni Autumn ang mukha ni trip na tila siya ang girlfriend ng Kuya ko.

"Ano let's celebrate guys? Sa bahay? Tutal next week na din start ng trabaho natin." anunsyo ni Kuya Axel at sumangayon ang lahat.

"Kuya, bish. Cr lang ako." Paalam ko sa kanila at tumango lang sila.

Nagtungo ako sa girl's comfort room sa court. Pumasok ako doon sa isang cubicle.

Tumingin ako sa salamin at inayos kong muli ang glasses ko at naghugas ng kamay.

Pagkalabas ko ay nagulat ako ng may lalaking pawis na pawis na tumambad sa akin. "A-art?"

"Ako naman punasan mo Sheliah Santibanez." seryoso niyang sambit. I felt my cheeks burning. Bwisit ka talaga, nakakahiya.

"B-bakit kaya mo naman sarili mo... Alis na ako." sagot ko pero laking gulat ko nang hinila niya ako at inabot niya sa akin ang towel.

Tinitigan ko ang towel at bigla siyang nagsalita. "Sige na, my hand hurts." pag-papaawa niya pa.

Kinuha ko ang towel para matapos na 'to. Ramdam ko ang pangiginig ng kamay ko habang pinupunasan ko ang noo ni Art. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ito sa pagpunas. I tried my best to stop myself from shaking and luckily, naging stable naman na ang kamay ko.

Nakita ko ang bahagyang pagkagat ni Art ng kaniyang labi. What the hell? You think I am flirting with you?

Natapos ko na siyang punasan at tumingin siya sa akin. "You're sweating, my turn." binawi niya sa kamay ko ang towel. Bago niya pa ilapat sa akin iyon, nagsalita ako.

"Don't. I gotta go." tumalikod na ako at nagpaalam pero hinagip niya ulit ako at pinunasan niya bigla ang mukha ko at leeg na pawis na pawis. Ginamit niya yung towel na may pawis niya.

I don't know what to react.

"Art please..." tinanggal ko ang kamay niya at umalis na ako.

Naaamoy ko ang pabango ni Art na na-nahalo sa pawis ni Art. And now sa akin. Waa! Kadiri. 

I looked at him with disbelief. "Why did you?"

"You liked it, no need to deny it Shels." he smirked. "And no need for you to teach me on Math, I can manage it. Hindi naman ako mapupunta sa section A kung hindi ko kaya."

Hindi ko siya sinagot. I turned my back at him once again at tuloy-tuloy akong naglakad palayo.

"I am not bragging Shels!" pahabol niyang sigaw.

I find myself smiling from what he said, you are bragging Antonio.

Revenge On My Player Ex (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora