"Stop it you guys. Don't cause a scene here." inis kong sabi.

Tumayo yung babae at ako naman ang dinuro nito. "Hoy ikaw na pangit ka! 'Wag kang makialam dito!"

Napa-pikit ako nang mariin sa sinabi niya at sa pagdurong ginawa niya sa akin. Calm down Sheliah, bawal pumatol sa mga ganiyan. Kakasuhan ka ng animal abuse.

"Aba't hayop ka ah! Sinaktan mo pa bestfriend ko!" sigaw ni Autumn at sinampal 'yong babae. Natakot naman yung babae sa ginawa ni Autumn. "Leave here or I'll punch your face?" banta ni Autumn.

Tumayo yung babae at umalis. Umupo na si Autumn at umupo na rin ako.

"Bish, dapat linabanan mo. Edi sana naka dobleng sampal siya."

Umiling ako, "Ano namang mapapala ko kung maghihiganti ako or lalaban?" tanong ko sa kaniya at tinignan niya lang ako ng nakakunot ang noo.

"Hello? Revenge is not wrong unless you're in the right place." I just gave her a smile. You are absolutely wrong Autumn.

"Ang bait mo kasi eh 'yan ang hirap sa'yo. Tsk, bahala ka na nga diyan nood na nga lang tayo." maka-pout niyang sambit kaya napatawa ako nang bahagya at inayos ko na ang salamin ko.

Sila Kuya at Art na pala ang magt-trial.

Tumayo si Autumn at tumili. "AHHHH! GO TRIP! GO SANTIBANEZ BROTHERS!" 

Napalingon sila Kuya Trip at binigyan siya ng ngiti kaya todo kilig naman itong si Autumn.

Naka-pwesto na sila Kuya at isa isang nag-dribble at dunk ng bola na nagpa wow sa mga audience. Nagawa nila ang unang trial ng napaka-swabe at nakita ko ang coach na tatango-tango at next naman ay defend at naagaw nila ang mga bola.

"WAAAA ANG GALING NILA GRABE!"

"GOSH ANG GWAPO NILA!"

Sigaw ng karamihan at napuno ng mga tili ang buong court. Napasulyap ako kela Art na seryosong nakatingin kela Kuya na naglalaro.

Next naman ay three points shot at nagpakitang-gilas na naman ang mga Kuya ko. They made it!

"ANG GALING NIYO IDOL KO NA KAYO WAAAA!"

Kanina ko pa hawak ang camera habang bine-videohan si Autumn na todo support sa mga kuya ko. Pinagtitinginan na nga siya ng iba dahil nangingibabaw ang tili niya.

Natapos ang buong trial nila Kuya at ang grupo naman nila Art. Nakita ko ang sadyang pagbangga ni Art kay Kuya Ice na siyang ikinainis ko. Why did you do that?!

Hindi iyon napansin ng mga tao at ng mga kuya ko habang si Kuya Ice ay seryoso lang na nakatingin kay Art na ngayon ay nakapwesto na kasama ang mga kaibigan nito.

Lumakas ang tilian ng magbigay ng pamatay na ngiti si Art. I don't know but it affected me in some way, no definitely not that thing Sheliah.

"AHHHHHHH!"

"ART PAKASALAN MO AKO OH MY GOD!"

"KAYA MO 'YAN BEBE KOOOO!"

"GO ART!"

Revenge On My Player Ex (Book 1)Where stories live. Discover now