Vienté y Cieté

106 4 0
                                    

"Basta ang ipinapaalala ko lang sayo, Jaemin. I will always be here for you. Magkaibigan tayo diba? Sorry kung di kita kayang magbago. Pero siguro may dahilan kung bakit ganyan ang tibok ng puso mo." Rena said.



Nakatingin lang ako sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya lahat ng problema ko at ayun, naintindihan niya. Yung tungkol samin ni Jeno, at ng pamilya ko.







Ewan ko, ang hirap ng ganito.






Kahit na anong gawin ko pala, si Jeno pa din yung hinahanap ko.






Wala na yatang pag asang magbago pa iyon.






"Salamat." I smiled at her.




"Just call me if you need somebody to talk to you." She smiled at nagpaalam na ito.







Napabuga ako ng hangin pagkaalis niya. Ako naman ay dumiretso na din ng parking lot at hinanap ang kotse.









Ilang araw na din ang nakalipas and guess what? I am now driving my own car. Kahit na di ako kinakausap ni Dad, sinabi niya sa driver niyang turuan ako magdrive para daw maenjoy ko iyong sasakyan.





Pagkasakay ko doon, pinaandar ko iyon agad at diretsong uwi na.








Kamusta na kaya si Jeno? Halos di ko na siya nakikita hindi lang dahil sa ayaw niyang makipag usap sakin kung hindi din ay busy sila sa sinalihan nilang competition for a University's certain event.









Nakarating ako sa bahay ng tahimik at dumiretso ako sa loob ng kuwarto ko as always.









Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang aking ama na nasa loob nito na labis kong ikinabigla. I mean, we're not talking yet right? Nahiya tuloy ako bigla.







Lumingon siya sakin at napayuko nalang ako sa hiya at kaba.






"Pumasok ka muna, anak. Nagdala ako ng meryenda mo." Sabi niya ng nakangiti.





"Salamat po." I said pero di pa din makatingin sa kanya.












"Nabalitaan ko ang di pag uusap niyo ni Jeno." He said that made me looked at him in his face.





"Sorry anak. Hindi ko lang talaga alam na ganito pala ang mangyayari at magiging resulta ng pagbabalik ko." He said.







Tahimik lang ako.








"Hindi ko din agad natanggap na ganun pala. Na may relasyon kayo ni Jeno." He said.







"O-okay lang po." I stuttered.





"What do you mean okay?" He asked.





"Kami naman po ni Jeno ang mali eh. Alam naming mali iyon. Pero sinisikap ko ng magbago." I smiled. But fake one.






Naglakad siya palapit sakin at niyakap ako.







Niyakap ko din siya pabalik at ngumiti ng palihim. Wala pa ding mas gaganda pa sa ganito.












"Wala naman ako sa posisyon para pumagitna sainyo ni Jeno. Hindi ko lang natanggap agad, anak. Suportado ko na kayong dalawa, lalo na ikaw. Kung saan ka masaya, kung saan kayo sasaya." He said.






Overplay S4 : Who Are YouWhere stories live. Discover now