Vienté.

119 8 5
                                    

Lunes ng muli. Maaga na naman ang gising, para di mahuli. Di ako sumabay kay Nanay dahil nauna na ako. May sarili ding sasakyan si Nanay eh at ayoko din namang mahuli kami ni Jeno, mabuko kami ng maaga.








Ayoko pang malaman niya ngayon.














At sakto alas otso, nasa school grounds na ako. 8:45 naman ang pasok sa first subject kaya okay lang.









Pagdating ko sa classroom, nakita ko si Renjun na kausap si Mark sa may seat namin nila Chenle habang may binabasa si Chenle. Musical notes niya yata.







Aga aga, nakikipagchismisan si Renjun dito. Next week na Midterm diba? Bakit to nandito.







"Aga ah." Sabi ko paglapit ko sa kanila at nilingon naman ako.



"Ay oy- good morning!" Renjun smiled at nilingon lang ako ng dalawa na nakangiti.






"Wala akong kausap sa room eh. Next sem talaga, papalipat na kami ni Jisung dito. Mag thi-third year college na tayo din nun." He said. Naupo muna ako sa seat ko bago ko siya tiningnan ulit.





"Asan ba si Jisung at di mo kasama?" Chenle asked.










Oy siya oh. Hinahanap si Jisung.











"May practice silang mga candidates ng University Guys and Girls." He explained.






"Ay siomai yan. Magkalaban sila ni Jeno." Reaksiyon ni Mark.




"May the best guy win." Renjun laughed at pati kami tumawa din.






"Jusko saan naman tayo kakampi ngayon diba? Ang dami kayang supporters yung ibang candidates, siguradong kay Jeno kayo lahat dito. Paano si Jisung diba?" Renjun asked.





"Edi lakasan nalang natin cheer natin sa kaniya. Tsaka may mga chicks naman yung batang yun na kagaya niya ding dancers." Chenle said.




"Oo nga naman." Sang ayon ko.





"Ay oo tapos papagawa ako kay Minhyung ng banner nung dalawa para pasabog diba?" Sabi ni Mark kaya natawa kami. Kaloka kasi yung 'pasabog' niya.









Hindi rin nagtagal ay umalis na si Renjun at nagsimula na ang klase.







So di din makakapasok sila Jeno ngayon dahil sa practice nila? Yun ang sabi. Kaya buong morning session ay hindi namin siya nakita. Absent din si Haechan kasi bahagyang sumasakit na daw ang tiyan ni Herin these days. Jusko, bibisita talaga ako sa kanila soon. Baka manganganak na siya. Were so excited for them.
















Lunch break ay nakita namin sila Jeno at Jisung na sabay na naglalakad papunta sa cafeteria. Tinawag namin sila at lumapit naman na ang dalawa.







"Akala namin kumain na kayo. Mabuti at naabutan namin kayo dito." Masayang sabi ni Jisung at umusod ako para makaupo sila. Pati din sila Mark. Paupo na sana si Jisung sa tabi ko ng biglang hinila siya ni Jeno at siya ang naupo sa tabi ko sabay sabing "Doon ka kay Mark."









At ayun, iyong mga tinginan na nila Renjun sakin, nakakaasar na.












Sabay sabay na kaming kumain at matapos nun ay ihinatid namin sila sa practice room nila.





Overplay S4 : Who Are YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz