Vienté y Tres

101 7 7
                                    

Jaemin's

















"Bye!"









Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat. Iyong pagkakadisgrasya ni Koeun, iyong pagkatuklas ni Jeno ng katotohanan, at pati na ng pagkakatuklas ni Dad ng kung anong meron kami ni Jeno. Hindi ko aakalaing mababago nun ang lahat sa buhay ko.




Isang linggo na nga ang lumipas pero nananatiling masakit sa parte ko ang nangyari. Hindi kami tanggap ng Dad ko. Simula ng malaman niya yun, di na niya ako kinikibo. Lagi siyang naglalagay ng pera sa desk ko, pero di niya ako kinikibo. Kahit na magkakasabay kaming kumain sa gabi, di niya ako kinikibo at doon palang alam ko na di niya yun tanggap.





Masakit man pero anong magagawa ko? Hindi naman talaga katanggap tanggap sa lipunan ang relasyon namin ni Jeno.








At siya din, di siya namamansin sa school. Pati din sila Mark, di niya pinapansin. Si Jeno, laging kay Barbara nakasunod. Ang sabi naman ni Barbara, ayaw lang daw muna niyang maalala yung nangyari kaya nanahimik nalang din kami.









At ngayon, pauwi na ako sa bahay.







Sa bahay kung saan, hindi naman ako pinapansin ng tatay ko.






Masakit yun kasi feeling ko napakalaki kong pabigat ngayon sa kanya.









Pagdating ko dun, diretso ako ng kuwarto at nahiga lang sa kama.











Naiisip ko, hanggang kailan matatapos to?






Lagi kaming nag aaway ni Jeno. Siya lang naman inaalala ko lagi at nagiging kaligayahan ko. Pero anong nangyayari?











Nasisisira na ang lahat sakin.






Napatitig ako sa phone ko. Nandun yung picture ni Jeno nung asul na asul palang ang buhok niya, kasama ko siya, pati si Nana at sila Hansol at Ningning na nasa likod na bahagi ng larawan.








Ngumiti ako saglit habang nakatitig dito lalo kay Jeno.












Wala na yatang sasakit pa sa pangyayaring ito sa buhay ko. Yung tatay ko at mahal ko, di ako kinakausap. Paano ako mabubuhay?








Mabubuhay naman pala ako pero wala ng saysay lahat nun dahil galit sila sakin.












I sighed at inilagay sa table iyong phone ko saka napatitig sa kisame ng kuwarto ko.







Then, a sudden knock came up.







Napaupo ako sa kama saka bumukas iyon. It was Nanay. May dalang food tray.









Inilapag niya yun sa mesa at naupo sa table ko.










"Okay ka lang?" She sadly smiled at me.



"Okay lang po." I fake a smile.







Hinaplos niya lang yung buhok saka ako hinalikan sa noo. Hinayaan ko lang siya.





"Lagi mong tatandaan ha? Your Dad loves you. It just that rinerealize niya palang lahat ng nalaman niya tungkol sainyo ni Jeno." She said.




Overplay S4 : Who Are YouWhere stories live. Discover now