Vienté y Dos

106 9 1
                                    

[ still jeno's ]


















Naimulat ko ng bahagya ang mata ko at nalamang nasa isang di-pamilyar na espasyo ako. White walls, white door, white table, at ilang diko kilalang gamit ang nasa loob. Napansin kong bahagyang bukas ang pinto kaya naupo ako sa kama saka ko naramdaman ang biglang pagkirot ng likod at ulo ko.






Kaasar naman. Pero nasaan ako?





Napatingin ako sa kumot na nagtatakip sa katawan ko. Tiningnan ko ang mga damit ko at nakita ko ang puting damit at black above the knee denim shorts na suot ko na mukhang bago.









Ewan. Feeling ko eh bago.











Narinig kong bumukas na ng tuluyan ang pinto. "Hi, okay ka na?"







Si Miss Hani ang bumungad at may dala siyang food tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas.





Teka, bakit nandito siya?









Inilapag niya iyong tray sa mesa sa tabi ko at may bahagyang kinuha mula sa unan ko kanina. Nakita ko ang face towel na puti at itinabi niya iyon.




"Siguro naman wala na yung lagnat mo dahil dito." She said at dun ko lang nalaman na yun siguro yung nakalagay sa noo ko kanina.



"Okay lang ako. Pero nasaan ako?" I asked.


"Sa bahay ko. Nagcollapse ka kasi kanina at di ko alam kung saan kita dadalhin. Nakita ako ng kaibigan ko ng dadalhin sana kita ng hospital kaya iniuwi nalang kita. Wala din kasi akong pera pambayad ng panghospital mo kaya ako nalang gumamot sayo. Halika, kumain ka muna." She said at ibinigay ang tray ng pagkain sakin.



"S-salamat." Nahihiya kong sabi at bahagyang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom kaya kumain nalang ako.







Then, naalala ko na naman iyong nangyari kanina.



Kaya napatigil ako sa pagkain.





"Oh bakit?" Napansin pala niyang napatigil ako kahit na may inaayos siya sa may lamesa.



"Naaalala ko lang." I started. "Yung nangyari kanina." I smiled.




"Iyong kung bakit umiiyak ka kanina?" She asked.




Napilitan na akong tumango.






Nakita ko siyang ngumiti ng mapakla.






"Masama bang sabihin sayo ang totoo ng mga taong tinuturing mong mahalaga sa buhay mo?" I asked.





Napatitig muna siya sakin. "Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo. Pero siguro dahil nangyari yan dahil may rason sila."



"Rason?" I asked.




"Minsan kasi tayong mga tao, naiisip nalang natin na magtago ng katotohanan sa mga taong mahal natin kasi kailangan at ayaw natin silang saktan. At siguro hindi pa oras pa malaman nila iyong ganung katotohanan. Ganun siguro yung nangyari sa kanila kung yan ang problema mo." She said.




Huminga ako ng malalim.





"Pero naiintindihan ko kung nasasaktan ka. Ganun talaga yun, hindi natin maiiwasan na masaktan." She continued.






Overplay S4 : Who Are YouWhere stories live. Discover now