#13 The Khong Man and The Sin Sod

Magsimula sa umpisa
                                    

Parang wala syang narinig.

Tuloy tuloy lang sya sa pagsabon ng katawan ko.

Ang hirap magpigil ng tawa! Nakakakiliti kaya.

Tapos yung mga haplos at kuskos pa ni P'Kim para akong kinukuryente.

Torture sakin 'to!

After nya ko sabunin at banlawan nagmamadali syang balutin ako ng towel at palabasin ng bathroom.

Alam nyo kung bakit?

Galit na galit si P'Kim junior!!

Hiyang hiya sya nun nakita ko kaya pinalabas nya ko agad ng CR.

Hay nako P'Kim mahirap yan. Pwede ka naman mag request ng second round pero kinick out mo ko palabas.

I wonder kung paano nya pahuhupain ang dragon mag-isa.

Shiya. Ano nanaman ba 'tong iniisip ko.

Nagpunta na ko sa closet ko at kumuha ng pantulog namin ni P'Kim.

Nauna na kong nagbihis.

"P'Kim andito sa doorknob yung towel pag tapos ka na sa ginagawa mo jan." Sigaw ko sa harap ng pinto ng CR sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit parang may ibang meaning yung sinabi ko.

Ewan. Sinabit ko nalang yun towel sa doorknob gaya ng sinabi ko.

Naglakad nalang ako at umupo sa kama ko at hinintay lumabas si P'Kim.

After 5 minutes lumabas na din sya.

"Nong.. kukunin ko lang ang aking mga damit sa ibaba." Paalam nya.

"P' wag na, ito nalang yun suotin mo." Turo ko sa pantulog na nilabas ko para sa kanya.

Kasya naman 'to siguro sa kanya. Hindi nagkakalayo yung katawan namin bukod sa mas broad yung braso at chest nya. Tsaka 5'10 ako at 6 flat lang naman sya.

Hesitant pa sya kung tatanggapin yung offer ko pero lumapit din sya kinuha yung damit.

"Nong tumalikod ka muna, ako'y magbibihis."

"Wtf?" Napa-mouth ako ng 'di oras.

"Seryoso ka ba P'?"

Tumango sya. Seryoso talaga sya?

"Tumalikod ka na nong nang ako'y makapagbihis na..."

Seryoso nga sya!

"P' anong point? Nakita ko na yan!"

Nagsalubong yung kilay nya.

"Hindi wasto nong. Hindi ako dapat naghuhubad sa iyong harapan."

Gusto kong sabunutan yung sarili ko sa inis! Hindi ko masakyan yung logic ni P'Kim ha!

Tumalikod nalang ako gaya ng utos nya ng matapos na.

"Nong, maari ka ng humarap.."

So sumunod lang ako. Tapos na nga syang magbihis.

"P'humiga na tayo at matulog." Yaya ko sa kanya.

Ayoko ng ma-stress sa mga logic nya.

"Sige nong magpahinga ka na, ako'y uuwi kapag ika'y nakatulog na."

Ano daw?

"Iiwan mo ko P'Kim?"

"Kapag tulog ka na nong.."

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon