C U T : )

103 6 2
                                    

Third Person

Y not? Namiss ko magnarrate haha! Anyways. Walang may pake dun. Charing!

Maririnig ang malakas na ingay sa loob ng bahay. Sa kada segundong lumilipas ay lalong lumalakas ang iyak ng mga bata. Oo, mga.

Sa nagdaang taon sa buhay nila, ay kinalimutan na nila na may mga lalakeng isang beses ay naging parte ng buhay nila. Mas itinuon nila ang atensyon sa mga batang binubuhay ni Seohyun.

Lumaban si Seohyun para sa dalawang batang umaasa noon sa katawan niya, noong mga araw at oras na nasa sinapupunan niya pa ang mga anak niya. Binuhay sila ng makina noong nakaraang dalawang taon.

Mahirap.

Sobrang hirap para sa posisyon ni Seohyun ang buhayin ang dalawang bata. Ang isang taon ay ginugol niya sa loob ng ospital. Wow, one year siyang hospitalized, amazing. Hindi naman naging problema ang pera, lahat ng kayamanan ng mga magulang nila ay napunta na sa mga kamay nila.

Ang unang dalawang buwan ng bunso nila ay para hintaying makalabas ang baby boy nila, si Sean. Sean Stanley Oh. Dala ng panganay niya ang apelyido ng hindi niya kilalang ama, ang apelyido ng lalaking nakabuntis sakanya. Ang sabihing nakakatakot ay hindi pa sapat para ilarawan kung anong nangyari sa emegency room ng araw na ipanganak si Sean, maaaring masagi ng mga doktor ang pusod na nasa ikalawang batang patubo palang sa bahay-bata ng dalaga.

Sa awa ng Diyos ay naging tagumpay ang paglalabas kay Sean sa kanyang tiyan. Dahil hindi kaya ni Seohyun ang alagaan ang anak niya, kagaya ng unang desisyon ng mga doktor, kahit nakumpleto ni Sean ang siyam na bwan, ipinasok pa rin siya sa incubator para matustusan ang init na kaylangan nya. Siguro ay dahil na rin sa pinaghahatian nila ng kapatid niya ang init ng kanilang ina.

Matapos ang araw na maipanganak ang baby boy nila, ay naospital si Yoona. Nagulat ang lahat ng mahimatay siya pagdating niya sa ospital upang pumalit sa magbabantay pero bago iyon ay nasabing sinuntok si Yoona ng tatay niya sya tyan at saka siya dinugo. Doon lang nila nalaman na buntis siya, pinagpilitan pala nila ni Luhan ang relasyon nila kahit ipinagbabawal na at tinuloy ang mga gawain nila. Huli na ang lahat, dahil ng araw na iyon, ay hindi kinaya ng anak niya at bumitaw na.. nakunan siya..

Sa loob ng dalawang taon ay maraming nangyari. Masaya, malungkot, nakakagalit, hindi inaasahan, at mga alaalang hindi na mabubura. At sa loob ng dalawang taon, nabuhay ang mga dalaga gamit ang sarili nilang mga paa. Hindi umaasa ang iba, nakakalungkot rin ngunit ng mamatay ang mga ina nila, ang ama ng iba ay sumunod na.

Tunay na pag-ibig nga ba? Char.

Aligaga ang lahat sa pag-alo sa bata. Isang taon na si Sean, habang si Samantha--ooh, talk about Sam.

Si Samantha ay ang sumunod kay Sean. Samantha Stacey Seo. Bitbit ng bunso niya ang apelyido ng kanyang ina. Maituturing na kambal ang dalawa dahil sa sitwasyon noon. Halos magkasabay na sila iniluwal. Isang taon rin ang pagitan nilang dalawa.

"Shh, tulog lang baby" malumanay na isinasayaw ni Yoona ang sanggol na baby. Nagkandatapon-tapon na ang gatas na itinitimpla ni Seohyun dahil sa pagpapanic niya nang lumakas ang iyak ng panganay niya.

Bumalik na sa kama ang mga nakatatanda at pinaubaya na ang mga gawain sa mga nakababata.

Dumating ang kinabukasan, ang araw na nasa itaas ay nakatirik at sinisilaban ang lahat ng nangangailangan ng liwanag niya. Ang mga halaman na tinamaan ay unti-unting nanuyo sapagkat hindi kinaya ang mga sobrang ibinigay ng araw sakanila.

Ito rin pala ang araw na tutulo ang mga luha nila. Araw na kailanman ay hindi nila naisip na darating pala, na kung ano pa ang hindi sumagi sa isip nila, yun ang mangyayari sakanila.

"Unnie, sigurado ka na bang aalis ka?" hindi maipaliwanag ni Yoona ang nararamdaman niya. Tumutulo ang luha niya habang pinagmamasdan ang mga itinuturing niyang kapatid sa labas ng kanilang sinasabing 'tahanan'.

Nagulat na lang sila na magpapaalam na ang isa sa pinakamatanda sakanila, si Jessica. Si Jessica na kahit ang lamig lamig niya ay napakainit ng bisig tuwing yayakapin sila, si Jessica na akala mo bitch mode lang ang meron siya pero sakanila ay napakalambot niya. Ang Jessica nila na ang tatag kung titingnan sa labas niyang anyo ngunit kung sisisirin ang kalaliman niya ay makakakita ka ng babasaging pagkatao.

"Jessie...don't.." Malamang sa malamang, at walang pagdadalawang-isip, sinubukan nilang pigilan siya. But that didn't change a thing. Desidido na daw talaga sya. Walang umepekto sa lahat ng ginawa nila upang panatilihin siya sakanila.

"Hanggang dito na lang ako.." iginalaw niya ang mga kamay niya at sinakop ang hawakan ng mga bagahe niya. Ang nasabing dalaga at humakbang na paisa-isa.

Kaliwang paa, sunod ang kanan niya. Bitbit ang maleta at malalaking bag niya, ay tumalikod na siya.

Walang lingon-likod, ay tinahak niya na ang landas kung saan ang mga ala-ala niya sa iba pang dalaga ay isinantabi niya.

"Ito na ba? Ito na ba....yung desisyon na sinasabi ko....na lahat tayo masasaktan, at maaapektuhan...?" ang huling nasambit ni Taeyeon bago maglaho ang pigura na sinusundan ng kanyang mga mata..

T h e E. N. D

--

NOTE: I'M SO LAME IN WRITING ENDINGS T.T

SO SALAMAT, OMG. ANG TAGAL NA NG STORY NA TO. SALAMAT SA 5K READS. GOSH I DON'T DESERVE THIS😭😭 SALAMAT TALAGA SAINYO.

NAGNONOTIF SAKIN YUNG MGA NAGLALAGAY SA READING LIST NILA TAPOS MAY NAGPAPALOW SAKIN. I DONT DESERVE YOU READING THIS TRASH😭😭😭 SAYING THANK YOU IS NOT ENOUGH...

BUT STILL THANK YOU....

AND I LOVE YOU GUYS. THIS IS SUCH AN HONOR HUHU💗

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now