part 20

165 10 0
                                    

April 29,

Sooyoung

So happy na nauna akong nagising, of course! Joke lang yun, walang makakatalo sa Hyo eomma namin, mahuli na lahat lahat wag lang siya.

"Good morning ate Soo!" bati ni Yumi? Yumi?!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at kumurap kurap pa. "Oo, good morning talaga ate Soo" sarcastic niyang sabi. Nakita ko yung exo na ang sarap sarap ng tulog. Mga nakanganga pa. Hahaha, sarap naman lagyan ng cotton yung mga bunganga tapos picturan.

"Ah yeah, good morning" sabi ko na lang. "Kung nagugutom ka, may bilihan ng pagkain sa may pier. Maraming tinda doon. Hile-hilera yung pagka--" hindi ko na siya pinatapos kasi lumabas na ako dala dala yung wallet ko. Bahala si Yoona diyan, yehet! Papakasaya ako sa maraming pagkaing aking matatamasa! Wahahaha.

Nilibot ko ang tingin ko at nakakita ako ng sari-saring pagkain. Grabe, tumutunog na tiyan ko. Hmm, ano ba masarap kainin? Sopas, yung parang daliri na kakanin, puto, bibingka, turon? Turon sa umaga? waaaaah! Hindi ko na alam yung kakainin ko! Nilibot ko ang tingin ko sa buong pier, lalo na dun sa mga stalls ng food, this is so complicated! Aha! para madali, bumili ako ng dalawa kada isang tinda. Para hindi ko na pahirapan yung sarili ko. Lahat ng stalls, pinagbilhan ko. Swak na to pang-agahan ko! Blessings from God. Hart hart.

Umuwi ako at nadatnan kong gising na silang lahat. Hindi ko lang alam kung bakit parang ang sama ng gising nung mga lalaki. Mukha namang hindi nila ako napansin kaya peaceful na yung---

"Hoy Soo! Hindi mo man lang ba ako yayayain kumain? Bastusan na?" ano ba yan! Nahuli ako ni Taeyeon unnie. Nagsilapitan sila sakin at kinuha yung mga plastic KO. Oo akin lahat yun eh!

"Wow, Soo. Salamat sa pagshower ng blessings ha?" sabi ni Chen. "Kung alam niyo lang, labag na labag sa loob ko yun." banas na sabi ko.

"Soo noona, sorry ha?" Bumunot si Suho sa wallet niya ng MONEY~ Yehet! "Bili ka na lang dun ulit." Di basta basta yung money na binigay niya!

"Very good ka today Suho. Dahil diyan, may isa kang good morning kiss sa pisngi" kiniss ko siya sa pisngi at lumabas na kung saan napakaraming pagkain. Yes. Thank you po Lord sa maraming pagkain ngayon. Kung nung una dala-dalawa lang, ngayon, apat apat na kada tinda. Para masaya ako diba. Hindi pa ako nakuntento at pumunta pa ako sa pier, gosh! Ang daming masarap na seafood.

Heaven! Lobsters, small fishes, squids, crabs, may maliit na shark pa! I can't explain what I feel. Jusme ang sarap mabuhay sa probinsiya! Mura na yung foods, malapit pa bilihan. Pwede ring magsarili ka na lang ng huli para masaya, libre pa.

Bumalik ako ng bahay na masaya ang mukha. Ito ang mukha ni Choi Sooyoung pag napakaraming foods! Masaya, nakangiti, mapupunit na yung mukha sa kakangiti, sabog, at medyo lutang.

Kaso pagpasok ko nakita kong nakabusangot si Chanyeol. Blema nito? Habang si Fany naman, nakairap sakin, problema din nito?

"Naano ka?" Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso ako sa lamesa namin at nilatag sa harap ko yung mga binili ko sa labas. Gosh, ang sarap talaga mabuhay basta may pagkain. Hinanda ko yung mga gagamitin ko. Ngayon, for two na! Sabay na kami kakain ni Yeol. Para sweet.

Inuna namin yung sopas. Sumubo ako pero hinila niya yung kutsara ko tas sinubo niya sakanya. "Pag sa iba pahalik-halik ka, sakin subo lang ayaw mo pa?" Muntik na ako mabulunan sa sinabi niya. Jusme hahahahahaha.

"Hayuf, hahahaha. Sana sinabi mo. Oh eto na" kumuha ako ng sopas at isusubo na sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang baboy mo. Nakita mong kinamay mo yan tapos isusubo mo sa bibig ko?" sungit nito.

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now