Part 25 "KaiYul"

215 9 0
                                    

Yuri

Piyesta na sa susunod na araw. Imbis na makapagsaya ako, eh kasama ko tong negrong to sa pag-iigib ng tubig. Paano nangyari?

Flashback

Nagising ang diwa ko na may bumasa sa akin. Yung wisik wisik lang sa mukha ko.

"Aish!" Bwisit na to, inaantok pa ako eh.

"Yuri! Gumising ka na!"

"Eeesh! Ano ba! Inaantok pa ako!" Sigaw ko na nakapikit. Lecheng 'to!

"Ala una na!" Ano?! Dumilat na ako agad pagkarinig ko. May gagawin pa kami ngayon! Langya.

Literal na napanganga ako sa nakita ko. Syet! Nakakahiya. Ang ganda pa ng upo ko dito sa inidoro tapos natutulog ako.

Tumayo ako sa inis ko. Bwisit! Rinig ko pa ang maliliit na tawa ng negrong to. "Tumawa ka na nga! Bwisit ka!" At tumawa nga talaga siya. Yung halakhak na talaga.

"Maistuck sana yang panga mo at mawalan ka ng hininga!" Binasa ko siya ng tubig. Yung isang balde. Para swak na!

"What the....." gumanti rin siya sa akin. Kaya ayun, nagbasaan kami dito. Ilang balde na rin ang nasayang. Eh gumaganti siya eh! Gaganti rin ako syempre, kung ano ibibigay niya, ibabalik ko sakanya!

"Kai ano na nagising mo na---- HOY?! BAKIT KAYO NAGSASAYANG NG TUBIG?!" that's Yoona with her so big mouth. Alligator mouth.

Nagsipuntahan naman sila dito. Shems! Mapaparusahan ako nito kay Taeng unnie.

"Bakit ka sumigaw ate--- ANG TUBIG!" Yumi. Oh no!

"Takte! Wala na tayong panligo" EXOSHIDAE. Nanlumo sila. Ako rin. Baka anong ipagawa nila sa'kin.

"Bakit wala na tayong tubig, Kai at Yuri?" Tanong ni Taeng unnie. Uh oh! 

"Kasi si Kai, unnie/ Si Yuri po, noona" sabay naming sabi at nagturuan pa. "Ano nga?" Tanong niya ulit. Walang nagsalita.

"Dahil diyan, Ate Yuri at Kuya Kai, mag-igib kayo ng tubig sa may baba. May poso dun. Lahat ng malalagyan ng tubig dapat mapuno at pag wala ng tubig sa poso, kaylangan niyo maghanap. Sorry, alam niyo namang mahirap na dito yung tubig eh. Nagsayang pa kayo." Tumigil muna siya saglit. 

"Maligo na lang kayo pagkatapos. At kami, aalis muna kami at maliligo sa busay. Mga alas sais na kami uuwi. Kasi halos tatlong bundok pa lalakarin namin. Dadalhan na lang namin kayo ng mga buko pagdating namin" at umalis na sila.

End of Flashback

Kainis! Hanggang ngayon nag-iigib pa rin kami. Alas siyete na kaya! Arrrgh! Gustong-gusto ko na nga lantakan yung buko na inuwi nila eh. Gutom na gutom na ako!

"Kai, amuyin mo nga ako kung mabaho na ako" sabi ko at lumapit sakanya. Bawal ako mag-amoy putok 'no! Kadiri yun. Inamoy niya naman ako sa leeg kaya medyo natawa ako. Nakiliti kasi ako eh. "Hindi ah. Mabango ka pa." Good to hear. Medyo lumayo na ako. Awkward kaya yun pag nasa leeg ko pa siya. To think na hindi pa kami naliligo simula kaninang ala una.

"Matatapos na ba tayo? Ilan na lang ba?"tanong ko.

"Limang timba pa." Jusmiyo! Ang lalaki pa man din ng mga yun.

"Jusmiyo! Gabi na oh! Ni hindi na nga kita makita! Bilisan mo na diyan at nagugutom na ako!" nakita ko ang pagngisi ni Kai kasabay ang pagbitaw niya sa hawakan ng poso at paglapit ng mabilis sakin. "May suggestion ako!" masaya niyang sabi.

"Oh ano naman yun?" pagsusungit ko. Aba! Ang lakas ng loob niyang iwanan yung ginagawa niya ha. "Ba't kaylangan mo pang iwanan yung poso ha? Bumalik ka nga dun at tapusin mo na yung ginagawa mo"

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Место, где живут истории. Откройте их для себя