Part 22

147 11 0
                                    

Kaloka, nacut pala yung flashback ko hahaha. Paedit muna ng konti. ^__^ Sorry. ^-^V

Luhan

"Luhan!" Lumingon ako sa kung sinong tumawag sakin. Si Tiffany noona? Eh? 

"Bakit?" 

"Samahan mo muna ako. Pupunta lang ako sa kabilang bundok or sa taas ng bundok. Maghahanap ng signal" ang layo naman. "Niyaya ko si Yoona kanina kaso nandun siya sa may kusina tuwang tuwa sila ni Sooyoung kung paano magluluto yung magtitita eh wala namang stove, makikigulo pa siguro. Tapos yung ibang girls magpapahinga. Ikaw lang naman yung isa sa closest ko sa boys kaya ikaw nalang sana" tumingin si noona sa phone niya. 

"Jusko naman kasi pawala wala yung signal, tatawagan raw ako ng pinsan ko, may nangyari sakanila sa France. Nakakaawa sila" France? Diba doon manggagaling yung mapapangasawa ni Suho? "Tara noona samahan kita" lumabas na kami ng bahay at naglakad lakad na. Hindi pa naman ganoon kadilim. Medyo maaga pa nga eh, mga quarter to 5 palang. 

Habang naglalakad kami ni noona, walang nagsasalita. Siguro di kayo makapaniwala na close kami ni noona no? Hindi naman kami yung tipong kaylangan lagi nag uusap para lang masabing close. 

Flashback (Di pa nila kilala ang snsd ng mga oras na to)

Nandito kami sa Sunlight academy dahil manonood raw si Sehun. Dinamay pa kami sa pagka cutting niya

"Ano ba gagawin natin dito, Sehun? Sinisira mo yung tulog ko eh!" inis na reklamo ni Kris, ang sarap na sana kasi nung tulog namin dun sa klase nung tulog naming teacher eh, nagyaya pa umalis tapos bumyahe pa kami ng halos isang oras dahl sa lintik na traffic. 

"Hyung manonood lang tayo ngayon ng performanth" sinamaan namin siya ng tingin dahil sa sinagot niya. "Gago ka ba Sehun?" tanong ko. 

"Mas importante tulog ko Sehun!" Kapapasok lang namin ng gate at napakabilis ni Sehun maglakad, balak ba kaming iwan nito dito? Tumakbo kami ng biglang tumakbo si Sehun

Siraulo talaga!

"Hintay Sehun!" sigaw namin, mas binilisan pa ni Sehun yung takbo niya kaya tumakbo rin kami lalo. "SISIPAIN KO TALAGA SI SEHUN SA PWET PAG PANGET YANG PERFORMANCE NA SINASABI NIYA!" inis na sigaw ni Baekhyun. Ako rin, sisipain ko si Sehun sa mukha pag panget yung performance na sinasabi niya. Sinasayang niya buhay namin sa kabaliwan niya.

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon