part 10

223 11 0
                                    

Hyoyeon

"Ang ingay niyo mga bruha!" Inis na sabi ko. Leshe, ang bababaw ng pinag-aawayan. Hindi ba nila nakitang busy ako sa kakatext kay Lay? Seriously? Isa-isa nila akong tiningnan na parang may ginawa akong masama. Tinaas ko ang maganda kong kilay. "Ano?" Takhang tanong ko.

"Ang korni mo, Hyo!" Sabi ni Sooyoung habang nilalapang ang kakabili ko lang na chips. Teka, yung kakabili kong chips?!!! "Hoy Syoung! Bakit mo kinakain yan?! Alam mo bang maeexpire na yan?!" Praning na pagkakasabi ko. Pero syempre di yan totoo. Kakainin ko yan mamayang gabi eh, pag nag movie marathon kami. Dumila lang ng pang-asar si Syoung. Tss.

"Wala ka man lang pakisama. Tss" malamig na sabi ni Sicachu. "Busy kasi ako diba? Tapos ang iingay niyo." Masungit na sabi ko with matching rolling eyes.

"Tumigil ka nga sa kasungitan mo. Magpaparty tayo! Dapat wag muna bitter. Kalimutan muna ang problema guys! Kalma lang!" Magiliw na sigaw ni Taeng sakin. Ayan na naman kami, alam ko na tong part na to...


"Okay Hyo, ihanda mo na ang videoke natin" sabi nilang walo saka ako pinagtutulak palapit sa amplifier. Wow ha, makatulak lang. Lakas netong mga to.

Binilisan ko na lang ang pag-ayos ng videokehan namin, ng makapagsimula na sila. Ayaw pa naman ng mga yan ang mabagal. Kala mo naman sila ang bibilis. Psh.

Muntik na ako mapamura ng biglang tumunog ang cellphone ko. Walanjo! Nakakagulat ha, hindi man lang ako ininform. Nagtext lang pala si Yixing.

Babe, ang tagal mo magreply, ano ba ginagawa mo? Busy ka ba?

Syempre dahil tapos na ako sa gawain ko, magrereply na ako. Hindi ko naman napansin, medyo nagtagal pala ako sa pagkakalikot ng mga wire dun sa likod ng ampli at tv.

Wala naman, nag-ayos lang ako ng videoke. Mangrarak kami ngayon. Hahaha.

P.S di ako busy, I always have my time for you.

Sent! Ang sweet ko no? Para hindi halatang niloloko ko lang. Kayo naman. Hahahaha.

"Oy Taeyeon! Kakanta na ako! Mamaya ka na! Ako muna!" Sigaw ni Jessica na hawak ang mic. At nag-aagawan sila ni Taeyeon dun. Mga matatandang isip bata.

"Ako nga eh!"

"Huli ang mga gurang!" Hahahaha grabe talaga si Sica. Makagurang eh. "Isang buwan lang naman pagitan niyo eh, parehas lang kayong gurang hahahaha" natatawa kong sabat kaya tiningnan nila ako nang masama. Hands up na lang sagot ko.

Nagsimula ng magplay ang kanta ni Sica.

"Okay guys! Mabuhay ang mga sawi! Hahaha. I dedicate this song to Kim Taeyeon! Ang babaeng sawi kay B--"

"Ayan na! Nagsisimula na ang kanta mo! Daming daldal eh" nakasimangot na tugon nito. Bitter alert! Bitter alert!

Alam niyo ba kanta ni Sicang? Someday ni Nina. Tapos para kay Taeng? Hahaha kala mo si Taeng yung iniwan eh.

"Hoy Baba, ako ba iniwan?! Ako ba nagmomove on?! Tss."

"Unnie, bitter ka na naman" wika ni Seo kaya natawa kaming walo.

"Sunny, ipagtanggol mo naman ako!" Hahahaha.

"Sannehh, may ikukwento ako sayo" ako yan. Sabay hila kay Sunny palayo hahaha "Lintik kang Kim Hyoyeon ka! Iniwan mo kong binubully dito!" Hahaha

Che!

Jessica

Why did they broke up? Alam ko naman ang mga natatanging sikreto ni Kim Taeyeon, I'm not silent for nothing. She trusts me so much at kaylangan kong ingatan yun. We are all fragile things here.

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now