Tenth Song

113 44 0
                                    

Now Playing: Friend of Mine by MYMP

Friendzoned. Isang salita pero nakakasakit. Isang salita pero nakakabiyak ng puso.

Sa buhay ng tao, may mga taong biglang susulpot. Kung may pagkakataong bigla na lang nawala ang best friend o ang close friend mo, may mga pagkakataon din namang bigla na lang may darating sa buhay mo. 'Yong tipong hindi mo alam o hindi mo matandaan kung paano kayo naging close. Basta bigla na lang kayong nag-click.

Minsan pa nga, 'yong mga tao na biglang dumarating, sila pa 'yong nakapagpapagaan sa loob mo. Sila 'yong mas nakaiintindi sa nararamdaman mo. Sila pa 'yong nakakaramay mo sa mga pagsubok na kinahaharap mo. Dinaig pa nga nila minsan 'yong close friend o best friend mo. Mas nasasabi mo pa sa kanila ang lahat.

Pero alam mo ba kung ano 'yong masakit sa biglaang pagdating ng isang tao? 'Yong bigla ka na lang ding mahuhulog sa kanya. Darating 'yong araw na hindi na lang crying shoulder ang turing mo sa kanya. Darating sa punto na hindi na lang 'kaibigan' ang tingin mo sa kanya kung hindi . . . siya na ang taong minamahal mo.

Masaya sana kung magiging mutual ang feelings n'yo. Pero paano kung hindi? Paano kung kaibigan lang pala talaga ang turing niya sa 'yo? Sigurado 'ko na mapapahiling ka na lang ng . . . "Sana, hindi na siya dumating sa buhay ko."

Bes, ayos lang naman kung kakalimutan mo 'yong feelings mo para sa kanya. Pero sana, 'wag mong kakalimutang naging sandalan mo siya noong mga panahong wala kang masasandalan. Nasaktan ka man sa biglaang pagdating niya, maging thankful ka pa rin dahil nakilala mo ang isang kagaya niya.

The Broken PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon