Fourth Song

214 55 0
                                    

Now Playing: Stay by Daryl Ong

May tao na bang dumaan lang sa buhay mo? Naging magkaibigan kayo pero hindi rin nagtagal. Pinakilig ka ng ilang buwan pero hindi nanatili sa buhay mo.

Sabi nila, people come and go. May umaalis at may dumarating. May nawawala at may bumabalik. Hindi talaga mapipigilan ang pag-alis ng isang tao sa buhay mo, lalo na kung ang Diyos na mismo ang kumukuha sa kanya. Pero isa 'yon sa rules ng mundo. Hindi maaaring manatili habambuhay ang isang tao sa mundong ibabaw. Kahit na magmakaawa ka pa, kahit na ano pa'ng gawin mo, kahit na isakripisyo mo na ang lahat, kung ayaw na niya at hindi ka na talaga niya mahal, i-let go mo na.

The Broken PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon