Sixth Song

149 47 0
                                    

Now Playing: Just a Dream by Sam Tsui & Christina Grimmie

Minsan mo na bang nasabi ang mga katagang reality is better than dreams? O mas madalas mong sabihin ang dreams are better than reality?

May mga pagkakataong mas masarap mamuhay sa reyalidad. Pero kung hindi maganda ang nangyayari sa buhay mo, sigurado 'ko na mas gugustuhin mo pang managinip na lang. Hindi ba't kapag napapagod ka ay parang gusto mo na lang matulog? Kapag nasasaktan ka, mas gusto mo pang managinip dahil minsan ay kabaliktaran ng nangyayari sa reyalidad ang nakikita mo sa panaginip.

Pero minsan, may mga pagkakataong kahit ano'ng gawin mo, managinip ka man o hindi, ay may hindi magandang mangyayari sa 'yo. Hindi naman lahat ng panaginip ay maganda.

Kaya hindi mo dapat takbuhan ang reyalidad. Ayos lang na managinip, pero sana'y matuto ka pa ring harapin ang nangyayari sa buhay mo. 'Wag kang magkulong sa kuwarto at matulog nang matulog. Lumaban ka. Harapin mo ang mga pagsubok. Dahil darating ang araw na mas gugustuhin mo na'ng mamuhay sa katotohanan kaysa sa mga kathang-isip lamang.

The Broken PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon