Seventh Song

127 50 0
                                    

Now Playing: Out of My League by Stephen Speaks

May mga tao na hindi mo magawang abutin. Ang iba ay dahil fictional characters lamang sa libro at walang pag-asa na mabuhay sa reyalidad. Ang iba naman ay nasa ibang bansa gaya ng mga Korean actor na sina Lee Min Ho, Lee Jong Suk, at Song Joong Ki. Ang iba ay nasa Pilipinas nga, nasa kaparehong bansa, pero hindi mo rin mahawakan dahil mga artista sila.

May mga tao ring hindi mo maabot dahil nahihiya kang lapitan. Parang 'yong crush mo na schoolmate mo lang pero hindi mo mahawakan dahil nahihiya ka. Maaari din namang hindi mo siya malapitan dahil ayaw ka niyang pansinin. In short, ayaw niya sa 'yo.

Kung hindi mo man magawang abutin ang taong mahal mo, 'yong tipong ginawa mo na ang lahat pero hindi mo pa rin siya makuha, isa lang ang sagot d'yan.

Hindi siya ang taong inilaan sa 'yo ng Diyos.

The Broken PlaylistWhere stories live. Discover now