PART ELEVEN: NATE (Section 4)

35 1 0
  • Dedicated to JamShed A. FahMi
                                    

PART ELEVEN - Section 4

Nate

Nawalan siya ng lakas ng loob na basahin ang journal ni Shawn. Kahit ano pang panghihikayat niya sa sariling tapusin iyon ay hindi niya magawa. Natatakot siya sa maaari pa niyang malaman--kahit hindi niya magawang aminin iyon. 

Nakalabas rin sina Claire at Shawn matapos ang ilang linggo ng ospital. Kahit nakikita niyang malakas at malusog si Claire ay palagi pa rin niya itong binabantayan. Natatakot siya na sandaling mawala ito sa paningin niya'y may mangyayari na rito. 

Tuluyang nalimutan ni Claire ang ukol sa journal dahil na rin sa anak nila. Minsan naisip niya, sinadya kaya na ipinanganak sina Shawn Guro at Shawn Fahmi sa iisang araw? Gaya na rin pagkakatulad sa araw ng pagkamatay nina Stella, Drew at Shawn?

Ilang buwan na rin ang nakalipas at gabi-gabi ay bumabagabag sa isip niya ang mga tinatagong sikreto sa loob journal ni Shawn. Minsan naisip niyang ilagay ang sarili sa sitwasyon nito… iyong makasaksi ng krimen, iyon walang mapagsasabihan… parang hindi niya kaya. 

 

Shawn, paano mo naaatim na itago ang mga nalalaman mo?

 

 

Ika-13 ng Setyembre 2008

Reunion.

NAKAKASAKAL. Napakaraming tao. Nandito sila… silang lahat. Hindi ko naman gustong pumunta rito pero pinilit ako ni Claire at gusto ring pumunta ni Andrea. Maaari naman silang pumunta na wala ako ngunit nag-aalala ako kay Claire.

 

Hindi ko alam kung anong iniisip nila. Mas mabuting nandoon ako para bantayan siya.

 

Nalaman ko mula kay Claire Faye ang buong pangyayari sa mga nakalipas na mga taon. Crap, gusto ko silang patayin. Hinangad kong makaganti ngunit hindi maaari… hindi ko maaaring dudungisan ang kamay ko gamit ang marumi nilang dugo.

 

Sa gitna ng kasihaya’y umalis ako sa lugar kung saan nagtitipon ang karamihan ng alumni mula sa University of St. Benilde. Alam ko namang kaya ni Claire Faye ang sarili at sa dami ng tao roon, paniguradong hindi sila magtatangka.

 

Pumunta ako sa liblib na lugar malapit sa sirang banyo dahil hindi masyadong maririnig ang makabasag-tenga na mga awiting hindi ko naiintindihan at isa pa’y walang tao roon. Nakahanap ako ng katahimikan sa kadilimang iyon... hanggang sa naramdaman ko siya.

 

"Leave me alone, Stella!" sigaw ni... Mitzi Louise Roy.

 

Napapitlag ako. Stella. Nararamdaman ko si Stella! Nakikita ko sila! Sinusundan niya si Mitzi.

 

'Kasalanan niyo 'to... Kasalanan niyong lahat ng 'to.'

BalamWhere stories live. Discover now