PART ONE: STELLA

179 7 14
                                    

PART ONE

Stella

 

Naparaan si Stella sa hallway ng College of Business and Marketing building. Suot niya ang makapal na bilugang salamin, kupasing long sleeves at mahabang saya na halos umabot sa talampakan. Sinamahan pa iyon ng rubber shoes, puting medyas at school ID. Isa siyang tipikal na nerd.

Hindi niya pinansin ang mga nandidiring tingin ng nagpapagandahang dilag sa gilid. Pinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa locker. Napangiwi siya sa halakhak ng mga iyon. Pinupuna ng mga ito ang suot niya, ulit.

Nasanay na siya sa mga pambabara ng mga iyon. Kilala ang mga ito sa buong campus dahil sa kapansin-pansin na ‘fashion sense’ at reputasyon.

At kilala siya dahil siya ang target ng mga ito.

“Hello bitch,” puna sa kanya ni Sophie. Nakaharang ang kamay nito sa pinto ng locker niya.

Yumuko siya upang itago ang ekspresyon ng mukha. “Please, nagmamadali ako,” pakiusap niya sa maliit na tinig.

Humalakhak si Sophie. “I don’t care bitch. You irritate me.” Tinulak siya nito’t nagpatuloy sa paglalakad. Umiling siya para kalimutan ang nangyari. Nilapitan ulit ang locker at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang napakaraming basura at ang mga salitang bitch, whore, slut at iba pa na sinulat gamit ang pulang spray paint.

Sanay na siya sa ginagawa ni Sophie sa kanya. Simula noong freshman siya ay pinupuna na nito ang bawat galaw niya. Pero nakaya niya. Tatlong taon na niya nagawang tiisin iyon.

May reputasyon itong ilipat ang mga target nito sa ibang paaralan--partikular na ang mga mga estudyanteng nagsusuot ng makakapal na salamin gaya niya. Siguradong lampas na sa darili sa kamay’t paa ang bilang na napalipat nito.

Kilala pa ito bilang ‘ultimate queen’ ng unibersidad. Dahil anak ito ng isa sa mga major stockholders ng unibersidad, walang nagtatangkang sumuway sa mga ginagawa nito.

At isa lang siyang ordinaryong iskolar na pinapaaral ng mga ito.

Mag-isa siya sa buhay, mahirap at walang tigil sa pagkayod upang buhayin ang sarili. Simula nang namatay ang kanyang ina mula sa pagkakabundol ng dyip noong sampung taong gulang ay kinupkop siya ng kapatid ng ina.

Pero hindi maganda ang trato sa kanya ng tiyahin at ng mga anak nito. Ang konsolasyon niya lang ay pinapaaral siya ng mga ito na kung tutuusin ay mula sa inipong pera ng ina sa bangko.

Hanggang sa pinagtangkaan siya ng asawa nito isang gabi matapos ang graduation niya sa sekondarya. Lasing ito at wala sa matinong pag-iisip. Nang makita nito ang disgusto sa mukha niya ay may kinuha itong swiss knife sa bulsa at itunutok sa kanya.

Naalala pa niya ang paglapit nito sa kanya. Paatras siya ng paatras noon. Takot na takot sa maaaring gawin nito. Tumingin pa siya sa paligid, umaasang makapulot ng isang bagay na maaaring gamitin bilang depensa.

BalamWhere stories live. Discover now