PART TWO: SHAWN

109 4 6
                                    

Thank you so much for reading this story. As you all know, I based this story from a movie project. The first part, Stella was played by a dear friend, Sarah. I cannot pose the casting because my friends are not artists, they are just simple people.

We're college students now and some of the personalities of the characters are based on the personalities of my classmates. But note, this story is purely fiction and I made up most of the story.

Part two is Shawn's point of view which was portrayed by Farhan. He's the one on the video actually. Okay here it is, enjoy.

-- CONAN E || TheNextOne

PART TWO

Shawn

 

“Stella!” sigaw ni Drew mula sa kalagitnaan ng court. Naparaan si Stella dala ang sangkatutak na libro at tumigil sa tawag nito. Naiangat niya ang paningin mula sa binabasang libro at napatingin sa paligid. Napansin niyang tumigil rin ang lahat sa kanya-kanyang gawain upang pagmasdan ang mga ito.

“Salamat,” sabi ni Stella sa maliit na boses.

“Woah. Narinig ko na rin sa wakas ang pasasalamat mo.” Nahimigan niya ang kayabangan sa tinig ni Drew at naningkit ang mga mata niyang pinagmasdan ito. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha ni Stella.

Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa mga libro. Yumuko ito’t tumalikod gaya ng inaasahan niya. Pero nakaisang hakbang palang ito ay hinatak ni Drew ang braso nito.

Marahas na tinanggal nito ang kamay ni Drew sa braso kaya nahulog ang mga dalang libro. Niyakap nito ang sarili at yumuko. Narinig niya ang tawa sa buong paligid ngunit awa ang naramdaman niya para rito.

Nais niya itong tulungan pero ‘di niya magawa. Wala siyang kuwenta.

Isinara niya ang hawak na libro at ipinasok iyon sa bag. Nakita niyang tinulungan ni Drew ang pagpulot ng libro. Siya dapat ang gumagawa niyan. Ipinatong niya sa isang balikat ang dalang bag at umalis.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Yna sa kanya. Isang ngiwi ang naging sagot niya. “Sasamahan kita.”

“Hindi. Nais kong mapag-isa.” Humakbang siya palayo ngunit mabilis na kinalawit ni Yna ang kamay sa braso niya.

“Eh? Wala akong pakialam. Gusto kong sumama!” patalon-talong bulalas nito. “Saan tayo pupunta? Anong gagawin natin?”

“Walang ‘natin’. Ako lang.” Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit dahil nakakabit ito sa braso niya ay bahagya itong nakaladkad.

“Eh? Miss na kaya kita. Gusto kitang makasama. Period. Walang bawian.” pinal na sabi nito. Spoiled ito sa luho ng mga magulang. Kung anong nais ay masusunod.

Nagpakawala siya ng hininga, nag-iisip ng dahilan para itaboy ito. “Sila Sophie?”

BalamWhere stories live. Discover now