Chapter 46

15.4K 294 12
                                    

Louise Jayle's POV

Shit! I'm so freaking late! Lagot na talaga ako sa mga kaibigan ko nito most especially sa ikakasal or kinakasal na ngayon na si Cloud and Shine. Na delay yung flight ko kanina at hindi ko alam kung bakit kasi hindi ko na pinakinggan. Badtrip na 'ko eh!

Nagmadali agad akong mag taxi pagkalabas na pagkalabas ko sa airport. Nag text sa'kin si Sam na nasa venue ng reception na sila ngayon. Well, di nila alam na pupunta ako ngayon sa kasal ni Cloud pero ina-update ako ni Sam. Iniinggit ako eh hahaha!

Hindi ako nakapunta sa kasal nila ni Trish. The wedding held at LA. Akala ko nga makakapunta 'ko pero hindi pala kasi yung branch sa Palawan, ang dami ko talagang inasikaso don kaya naging busy talaga ako don. Shempre nagtampo sa'kin yung mag-asawa kaya sinuhulan ko nalang na pwede sila sa kahit saang branch ng resort ko for a month. Lugi nanaman. Joke! Hahahaha!

Wala akong dalang bagahe kasi sinasadya ko talagang mag-iwan ng gamit sa bawat branch ko para hindi na ko nahihirapang mag pack and unpack. Wala na rin akong time magpalit ng suot, late na ko eh baka bugbugin na 'ko ni Cloud. Nakaputing sleeveless blouse, fitted pants and flat shoes lang ako then small backpack kung saan nakalagay yung mga basic needs ko.

Nag-ayos narin ako ng mukha sa taxi para naman magmukha parin akong presentable.

Dali-dali akong bumaba pagkatapos kong magbayad. Parents ni Cloud yung nasa entrance kaya humalik muna ako. Natutuwa daw sila at nakahabol daw ako. Nagpaalam naman ako kaagad tas hinanap yung table ng mga kaibigan ko.

Nakita ko na agad yung newly weds sa gitna, kumakain palang. Well, kararating lang yata nila dito kaya mga kumakain pa pati yung mga guests. Busy sa pagk-kwentuhan yung mga kaibigan ko nang nakita ko yung table nila. Lumapit ako, nasa likod ako ni Alec.

"Hi! Is there any available seat?" Sabi ko, trying to get their attention. Mabilis silang naglingunan then...

"LJ!!!!!" Sabi nila.

Shit! Nakakahiya! Nagtitinginan na yung mga tao sa'min kaya nag mouthing nalang ako ng sorry, pati dun sa newly weds na gulat na nakatingin sa'kin ngayon. Tumayo agad si Cloud and Shine tas naglakad papunta sa part namin. Hindi ko sila mabati kasi yakap-yakap na 'ko ng mga kaibigan ko.

"We're glad you came!!"

"Shit ka namiss ka namin!!"

"Oh shocks! Let me hug you more!!"

"I missed you so much, bestfriend!!"

"Louise Jayle Go, buhay ka!!"

Hindi ko na masundan yung mga sinasabi nila kasi naman inipit nila 'ko sa gitna. Pucha! Nakakahiya! Naging scene stealer pa yata kami dito!

"Guys wait!! Ang init na!! Let's talk--araaay," Natawa ko. Panay halik na sa'kin ng girls sa cheeks. Naipit ako eh kaya napaaray ako. "Waiiiit! Let me go first!"

Pinagtatanggal ni Cloud yung mga nakayakap sa'kin tas siya yung yumakap. Niyakap ko din naman siya. My baby boy is now a man. I'm so happy for him.

"Uyyy iiyak na yan si Cloudy boy!!" Asar nila Gab. I just chuckled.

"Hey, umiiyak ka ba?" Mahinang tanong ko kay Cloud. Umiling siya sa leeg ko. "Hala oh umiiyak yung baby boy ko!" Mas lalo siyang inasar ng mga walanghiya hahahaha!

"I'm not a boy na!" Kunwaring inis niyang sabi. Tumawa nalang ako tas ni-rub yung back niya.

"I know you're happy that I'm here but let me hug your wife first. Nauna ka pa talagang yumakap sa'kin kesa sa kanya eh," Biro ko. Nakanguso lang siyang lumayo sa'kin.

Think TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon