Chapter 30

14.4K 326 48
                                    

Damn, I'm so excited! Finally, after a month natapos ko na rin yung hours ko sa OJT. Puro overtime talaga 'ko kasi gusto ko na talagang makita yung girlfriend ko kahit makasama ko siya ng maximum of three days lang. Sobrang miss na miss ko lang talaga siya.

Papunta na nga ko sa condo nila ni Hers dito sa NY. Feeling ko nga hindi ako napagod sa byahe dahil sa excitement at gusto ko rin naman na i-surprise siya.

Pero ewan ko ba.. Bigla akong kinabahan nang sumakay na ko sa elevator.. Pero baka sobrang excited lang talaga ko kasi miss na miss ko na siya.

Masaya ko naglakad sa hallway ng floor nila. Malapit na ko sa unit nila Athena ng nakita ko siya don.. May kasama siya. The guy's cornering her in front of the door then Athena's hand on his shoulder.. Smiling.

"Babe, its been a month.. Di pa'rin ba tayo?" Pa-cute na sabi nung guy.

Putangina.. Its been a month? Kaya pala. Kaya pala medjo hindi na kami nakakapagusap. Kaya pala parang ang busy-busy niya.

"Malapit na nga diba? You know babe I need to tell Den first then kay Lj pa diba?" Sweet na sabi nya dun sa guy.

Ah so ito pala yung matagal ng hinihintay ni Den? Tanginang yan.

"Can you just dump her? I want you to be mine alone this time. We both waited for this right?" The guy again said.

Ang sakit sakit..

Tangina pa'no niya nagawa sa'kin 'to? All I think about is her!

Every fucking time its her.

"Malapit na okay? Konting tiis nalang please?" Sabi pa ni Athena tas hinaplos niya yung pisngi nung guy.

Akala ko sa'kin niya lang ginagawa yan. Tanginang akala talaga.

Lumakad ako papalapit sa kanila. Nakangiti ako. I don't wanna look weak kaya sige. Let's end it here now.

Napatingin sa'kin si Athena, fucking shocked. Dali-daling umayos siya ng pwesto. Ngumisi ako sa kanya. Mukhang kilala na naman ako nung guy kaya ngumisi rin ako sa kanya.

"L-Lj.." She said. Bakit parang maiiyak siya? Tss. Sa saya siguro.

Nang nasa tapat na nila 'ko, nakipagkamay ako dun sa guy.

"Louise Jayle Go." Nakangiting nagpakilala ko dun sa guy.

"Adriel Valles." Sabi naman niya.

"Uh I just wanna say something to her. Can I?" Nakangiting tanong ko parin.

Tumingin si Adriel kay Athena. Tinanguan siya ni Athena tsaka tumingin siya sa'kin.

"Anyway, later magiging kayo na. Just wait for a bit okay?" Tinap ko pa yung balikat niya tas seryosong umalis na siya.

Humarap naman ako kay Athena.

"Inexpect ko pa naman na sa sobrang miss mo sa'kin, sasalubungin mo ko ng halik. Hays." Mali pala expectation ko. "Expect the unexpected nga naman."

Umiiyak lang siya. Gusto niya 'kong hawakan pero umatras ako. Alam kong nasaktan siya don. Eh mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.

"Anyway, mabilis lang talaga 'ko. Sige na sabihin mo na.. break na tayo. Kasi sa'ting dalawa, ikaw ang may karapatang magsabi niyan. Alam kong kahit kelan hindi ko naisip na sabihin yan sayo.. Kasi tangina.." Tumingala ako. Naiiyak ako puta! "Ang tagal kitang pinangarap. Ang tagal kitang hinintay. Pero wag mo nalang palang isipin yon. Just break up with me already."

Kahit alam kong marami akong isusumbat sa kanya, hindi ako manunumbat. Alam ko namang naging masaya ako sa panahon na akin siya kaya yung mga efforts ko wala nalang yun. Mahal ko siya kaya ko ginawa yung mga yon. Masaya 'ko non kaya wala dapat isumbat.

Think TwiceWhere stories live. Discover now