Chapter 6

18.6K 462 48
                                    

Aish pano na 'to? Di ako makawala sa mga 'to! Kasama ko kasi sila ngayon lahat. Pare-parehas kasi kami ng sched tuwing wed. Hindi yung mga subjects pero yung mga time namin pare-parehas. Kami lang naman ni Sam yung parehas ng subject.

Sa ngayon kanina pa kami nakatambay sa isang vacant na room.

"Where we gonna eat?" Tanong ni Gab habang nag ta-type sa phone niya. Ka text yata si Lau.

May ka-text din ako huh! Isip-isip ko pa haha! My phone vibrated.

Hope Athena
I'm so bored:( where are you?

Well, madalas na kaming magkatext. Wala eh kapalan na ng fez to!  Kung 'di lang madalas hinihiram yung phone ko, papangalanan ko talaga ng My Baby si Athena sa contacts ko haha! Hilig kasing pakialaman 'tong phone ko ng mga yan eh.

Habang nagta-type ako ng reply, nagsalita si Cloud.

"I don't wanna go outside the campus. Too lazy for that." Cloud. Isang class nalang kasi kami after lunch.

Louise
Room 212 with the chakas haha. Vacant nyo ba?

"Same heeere. Damn, I'm so sleepy!" Tumungo na si Alec sa table sa harap niya.

Nag vibrate ulit yung phone ko.

"Sa baba nalang. I'm not in the mood to eat heavy meals." Inaantok na rin na sagot ni Sam.

Hope Athena
Chakas hahaha! Sumbong kita haha. Yup. They are planning where to grab lunch. I'm not interferring though. I have a lunch date *wink emoji*

I can't help but smile. Damn it.

Louise
Hala walang sumbungan:( The chakas planned to eat at the caf nalang daw. Too lazy to go out na daw and yeah I did the same. Sino po yung date nyo?

Of course konting charot-charot din hahahaha.
Nagulat naman ako nang may biglang humampas sakin. Si Mon pala.

"What's with the wide smile? Atsaka kanina ka pa namin tinatawag, baba na daw tayo." Nagtatakang tanong sakin ni Mon.

Masyado ba 'kong kinilig para hindi sila mapansin? Napakamot nalang ako sa kilay.

"Oh tara na!" Tumayo na agad ako para maiwasan yung tanong niya.

Nauna na 'kong lumabas sakanila. Nakita ko namang may reply na si Baby.

Hope Athena
Sige na nga hindi na. They decided na sa caf nalang din daw kumain ng lunch. Secret po kung sino yung ka-date ko.

Nagpipigil ako ng ngiting nag-type.

Louise
Thanky! Malapit na kami sa caf eh. Hala damot:( kahit hint lang?

Lumiko na kami sa caf. Mon clung her right arm on my left arm. Nagk-kwentuhan sila Alec na nasa harap na namin.

Hope Athena
Ayoko nga bleh! Where exactly are you?

Louise
Damot huhuhu. Uhm sa area ng milkshake and burger stand.

Umupo na kami sa napiling pwesto nila Gab tas sila bumili agad ng food. Nagpabili lang ako ng milo milkshake kay Cloud. Di ko kasi alam kung dito ba ako kakain or hihintayin ko nalang si Athena sa garden. Si Mon nagpabili nalang ng food nya kay Sam.

Panay tingin ako sa phone ko pero wala na talaga siyang reply. Bumaling nalang ako kay Mon.

Inayos ko yung mga buhok na humarang sa mukha niya. Ganda talaga nito. Kahit tigyawatin 'to 'di mo mahahalata. Nahihiya yung tigyawat eh.

Think TwiceWhere stories live. Discover now