Chapter 15

18.5K 418 47
                                    

After our dinner, hindi ako binigyan ng chance ng mga kapatid ko na ma-solo si Athena kaya naman bwisit na bwisit ako the whole time! Nakasimangot tuloy ako ngayon sa tapat ng bahay nila. Hinatid ko kasi siya.

Hinaplos nya yung pisngi ko...shet! "Kanina ka pa nakasimangot." She giggles. I can say na napagkaisahan nila ako nila Kuya kanina. Ikwento ba naman yung mga embarrassing moments ko. Napapatakip nalang talaga ako ng mukha sa hiya. Siya naman laughtrip lang kaya hinayaan ko nalang silang magkwento. I love seeing her happy. Cheesy!

Napalabi ako. Ang pa-cute ko lang hahaha! "Pinagtatawanan mo kasi ako..."

Natawa siya tsaka mahinang pinisil yung mga pisngi ko. "You're so cute kasi! Anyway, saan ka uuwi ngayon?" Inayos nya yung buhok ko. Mahangin kasi kaya nagugulo. Shempre kinikilig ako! At least hindi na sya masyadong naiilang.

"Hmm... sa condo nalang siguro. I have an early class tom eh." Sabi ko naman.

"Okay. Afternoon pa class ko. I'll bring lunch for you." Napangiti agad ako sa sinabi niya.

"Thank you po Miss!" Ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Uhm, sige na pumasok ka na. No social media na please?"

Tumango siya tas sinabihan na ako rin dapat. Hinalikan niya ulit yung index finger niya tas dinikit sa cheek ko. Huhuhu ganon parin! Lol!

--

"Kain mo 'to." Sam said then giggles. Sabi ko kasi bumaba na kami para kumain ng lunch.

"San ba? Gutom na talaga 'ko." Sabi ko naman.

"Gutom mo 'to." Si Sam nanaman na laughtrip sa pinagsasabi niya. Bwisit! Nalaman niya lang na bwisit na bwisit ako sa 'mo 'to' na yan ngayon, ayan di na tinigilan kakasabi non!

"Pucha! Tigilan mo na nga! Majojombag kita!" Lakas mangbwisit ng pangit na 'to!

"Jombag mo 'to." Tas tawa nanaman siya ng tawa kaya sa sobrang inis ko sakanya iniwan ko nga.

Pumipili ako ng stall na kakainan nang biglang may tumawag sakin. I mean sa cp ni Athena. Ah tumatawag siya.

"Where are you?" Sabi niya kaagad.

"Sa Food Kiosk. Gonna grab some lunch. You? already here?"

"I told you I'll bring you lunch right?" Ay oo nga pala!

"Oh oo nga! I forgot, ang dami kasing exams kanina. Anyway, I'm so hungry na po.." Lambing kong sabi. I heard her giggles.

"Obvious nga. I'm here na sa 318, dito ka nalang kumain. Ako palang naman tao dito." Tumayo na agad ako tas pinuntahan siya.

"Why so early?"

"'cause I'm gonna bring your lunch nga."

"Awee, thanks po. Malapit na 'ko." Saktong pagtingin niya sa labas nakita na nya ko. She ended the call then prepared my food on the table. Umupo naman ako sa tabi niya tas kumain na nung naayos nya na yung food. Shanghai rolls and a vegetable dish then mga fruit slices sa isang tupperware tsaka pineapple juice sa pink tumbler niya. Hayy health conscious ang aking baby.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa gulay?" She said then raised a brow. Huhuhuhu may ampalaya kasi

"What? Natakam kasi ako!" Charaught ko talaga!

"Good. Eat."

Kumain na 'ko. Kapag napapatingin siya (she's browsing on my phone) sakin, napapakain ako nung gulay tas inom agad. Pero swear gusto ko na talagang iluwa! Di ko talaga trip 'tong ampalaya huhuhu!

Think TwiceWhere stories live. Discover now