Chapter 36

16.6K 285 6
                                    

Katatapos lang ng orientation for the Kalanggaman Island vacation for the both of us. Nakita kasi namin 'tong island na 'to online and parehas naming nagustuhan kaya yes, we ended up here.

Panay picture ko lang sa kanya. Wala rin kaming pakialaman sa outfit kasi nagpagusapan namin na kung anong gustong isuot, then isuot. Well, tignan natin kung hindi ako aangal. Hahaha!

She's wearing a tank top and short-shorts. Naka bikini na rin siya. Maya-maya pa nakarating na kami sa island. Pinadala ko nalang yung mga gamit sa pagi-stayan namin dito for three days and two nights. Naka book narin kasi kaya alam naman na nila.

Tumakbo na siya agad papunta dun sa pinagmamalaking sand bar ng beach kaya ako nakasunod lang sa kanya.

"Baby! Stop taking pictures muna, come here!" Shempre sunod agad ako. Niyakap ko siya sa likod tas hinalikan ko yung batok niya. "I love it here...it's so calm." Tumango lang ako sa balikat niya.

"You wanna go to Maldives?" Excited siyang lumingon sa'kin tas hinalikan ako.

"Yes! Yes!"

Grabe...namiss ko talaga siya. Yes, I can love Bianca or any other girl but not as much as I love Athena. I don't know pero corny na kung corny at cliché na kung cliché pero words can't explain how much I love her. Sobra sobrang mahal ko siya.

"Hey? Baby? Why are you crying?" Nag-aalalang sabi niya.

Naiyak na pala ko ng hindi ko namamalayan. Pinunasan niya yung luha ko.

"Namiss kita. Sobrang namiss kita. Namiss kong titigan ka ng ganto kalapit..namiss kong pagmasdan yung mga nunal mong mahal na mahal ko..namiss kong patawanin ka. Hindi lang siguro ko makapaniwala na bumalik ka...kasi akala k—" Hindi niya na ko pinatapos, hinalikan niya na ko kaagad.

"Sorry for that mistake. I just did it for Den, I just want her to be happy. Kapalit nga lang na nasaktan tayong dalawa pero I trust you. Alam kong maiintindihan mo yung reason ko for that. I'm happy na you accepted me again. Mahal kita, Louise Jayle. Mahal na mahal kita." Ayan siya na yung umiiyak haha.

I giggles tas pinunasan ko yung luha niya. "Drama natin baby." Natawa nalang din siya.

Pumunta na muna kami sa pagi-stayan namin. Ang cute nga eh kasi parang kasing laki lang siya ng tent tapos gawa siya sa kawayan. Ganun lang kasi talaga yung rooms nila dito. As for the bathroom and the kitchen, may provided naman sila for that. Medjo pagod din kami sa byahe kaya naman natulog na muna kami.

Kumain kami pagkagising namin tas pinahiran ko siya ng sun block habang nasa sun lounger siya. Naka two piece na rin siyang black. Naka two piece na rin ako, may nakapatong lang na see through robe.

I was busy sipping my juice when she held my hand and trying to pull me.

"Let's swim na, baby. The sea is inviting us!" I chuckled.

Nagpahila nalang ako sa kanya. Ang ganda ng Island na 'to grabe. Blue green talaga yung kulay ng tubig tas ang linis linis pa. Wala masyadong sports activity pero sobrang bawi naman sa ganda ng scenery.

Nag video rin ako pero mostly siya lang yung kinukuhanan ko. Di ko naman to iu-upload, memories lang talaga namin together.

Nakasandal ako sa bato tas siya naman nakasandal sa'kin, yakap-yakap ko siya, my head on her shoulder.

"Baby," She said.

"Hmm..."

"Dito nalang tayo tumira?" Tumawa ako sa sinabi niya. Kung pwede lang diba.

"We will build our own paradise, baby. I promise you that." Ngumiti lang siya at humalik sa cheek ko.

Maya-maya pa naisipan naming umahon na. Nagbanlaw kami tas nagbihis. Lumabas muna ko sa tent para maglatag ng tela dun sa labas non. I ordered our dinner tas sabi ko dito nalang kami kakain sa tent. Sila narin yung nag-ayos ng bonfire kasi, well, hindi naman ako marunong non haha!

Think TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon