Chapter 38

14.2K 264 10
                                    

It's sunday.

After we attend a 9am mass, kumain kami ng breakfast sa Mcdo. Gusto niya don eh shempre dahil isa kong mapagmahal na girlfriend, siya ang masusunod. Lagi naman siya.

Ihahatid ko na siya sa bahay nila ngayon kasi may lakad pa siya with Den and the other girls. Ako naman mamaya pang gabi sa isang bar sa BGC. Ang alam ko kami-kami lang nila Sam pero ewan ko lang talaga. Pare-parehas kaming under eh hahahaha!

"Baby! I want Choco butternut!!" Bigla niyang sabi tas nakatingin siya sa stall ng Dunkin Donut. "Baby! Lumagpas na tayo! Go back!" Kasi naman eh! Magsasabi kung kelan nakalagpas na!

"I can't. We need to u-turn pa--"

"I don't care! Aysh! I want choco butternut now!" Jusko! Tinotopak nanaman ang girlfriend ko. Its the time of the month pa yata.

"Listen okay? Sa iba nalang tayo bibili--"

"No. Wag na." She said then look straight on the road. With her arms cross.

Kingina hindi na ko pinapansin!

Hahawakan ko sana yung kamay niya pero pinalis niya agad palayo yung kamay ko. Yung hita niya nalang yung hinawakan ko pero naiinis niyang inalis din yung kamay ko. Binalik ko ng paulit-ulit kasi paulit-ulit din niyang inaalis. Kapag mga ganitong times na tinotopak siya, kailangan may back up na 20k drum na pasensya.

"Shit! Ano ba?!" Ayan oh GG na. Yung tipong kaoag nangulit pa ko, kaltok na ko ng super lupit.

Hanggang makarating sa kanila wala na 'kong nakitang branch ng Dunkin Donut kaya hindi niya talaga ko pinapansin. Bumaba siya kaagad pagtigil ko tas dire-diretsong pumasok sa bahay nila. Badtrip siya sakin at alam kong di niya ko kakausapin kaya ginawan ko nalang ng paraan tsaka umuwi na sa condo ko.

Yung driver nalang nila yung pinabili ko tas sabi ko ibigay nalang kay Athena. Buti nalang close kami kaya pumayag kaagad! Of course, may tip naman akong binigay.

Nakadalawang oras na kami dito sa bar. Gusto ko na talagang umalis dito tas puntahan nalang si Athena kasi feeling ko hindi ko rin naiisip na nasa maingay na lugar ako ngayon...iniisip ko kasi siya. Hanggang ngayon hindi siya nagt-text sakin kaya nag-aalala na ko.

Lumabas muna ko tas panay check ko sa accounts ko sa phone. Tangina wala talaga!

Shit! Eto na tumatawag na! Pumunta ko sa tahimik na part tas sinagot yung tawag niya.

"Baby..." Malambing niyang sabi. Napangiti ako. "Can you go here now? I just...missed you so much..." Sus! Dapat talagang ganyan yung way niya ng pagsabi sakin. Malambing way hahaha!

"Ayoko. Aawayin mo lang ako..." Pag-iinarte ko hahahha!

"Baby naman eh..." Hala shit ang pa-cute!! "Hindi nga... Ikikiss na nga kita ng marami eh. Sige na...please? Go here na. Aalis na kayo bukas eh...sad nanaman ako."

"Maghihiwalay na nga tayo ng matagal na panahon, inaway mo pa ko..."

"Sorry na, baby... Eh kasi nag crave ako bigla. Please punta ka na dito please? I missed you huhuhu..." Gahd! Bwisit kinikilig ako! "Baby ko...tara na please? Hug me na po please? Please? Huhu baby ko..."

Grabe sobrang sweet! Minsan lang talaga siyang ganyan kaya walang basagan ng trip okay? Kinikilig talaga ko! Para 'kong engot na nakangiti dito oh! Haha! Pero wapakels! Kinikilig ako eh HAHAHA!

"Hindi, wag na. You should sleep, its already late. I'll text you kapag nasa bahay na 'ko." Kahit gusto ko siyang makita, pinigilan ko nalang. Aalis din sila bukas at ayoko namang mapuyat siya.

Think TwiceWhere stories live. Discover now