Chapter 2

21K 587 84
                                    

"Bobo talaga maglaro to si Cloud eh! Palitan mo nga bruh!" Sabi sakin ni Sam. Nandito kami sa SJ gym ngayon nanonood ng laro nila Gab.

Gusto ko rin talaga palitan eh. Wala yata sa tamang pag-iisip to si Cloud. Bawal naman mag sub ang team nila dahil parehas lang naman silang lima lang ang players. Atsaka duh? Babae kaya ako. Baka masuntok ko lang sila pag nadikitan ako ng pawis nila. Oo na maarte na talaga ko hahaha!

Di ko nalang pinansin yung mga rant ni Sam instead, bumaling nalang ako sa ubod ng ganda kong bestfriend. Busy siya sa phone nya

"Mon.."

"Yep?" Mon.

"Ayos ka ng upo please? Lot of guys staring at you." panay sulyap nung mga lalaking nasa bleachers eh. Marami rin kasing nanonood.

"Wala namang nakatingin. Tsaka look, maayos naman upo ko oh." well oo nga maayos pero basta! Kinuha ko bigla yung towel ni Sam, di nya naman pansin kasi nakatutok sya sa laro. Nilagay ko agad yung towel sa legs ni Mon.

"Sabi na kasing wag magsusuot ng ganyang kaikli eh!"

"Nagsalita ang hindi naka maikling shorts" She giggles.

"Mon, volleyball shorts naman to. Kesa jan sayo, damn damn shorts." Tawang tawa naman sya sa sinabi ko

"Damn damn shorts?" She said while still laughing. Hmp!

"Eh ayoko nung word eh. Wag kang ano jan." Napatawa narin ako hahaha

Sam tapped my arm kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin naman siya sa entrance

"J! Matutuwa ka sa paparating!" Tas tumayo sya at kumaway kila Lance.

Wtf? Kila Lance? Mga kaibigan ni baby yon ah! Nakita kami nila Lance kaya pumunta sila dito sa side namin.

Shit. Nanjan si baby! Mygahd! Pano ko matutuwa Sam? Eh nakakahiya lang naman yung ginawa ko last night! After nya kasing ma-seen yon nag reply siya ng "y?" ang ikli pero yung kilig ko grabe lang men! Atsaka kaba pala! So nag reply naman ako ng "sorry po. Napindot lang. Nagloko kasi yung fb ko tas na click ko po yung name nyo sa chat list." ang defensive na pa-cute ko lang hahahaha!

Sabi nya okay lang daw kasi nangyayare daw talaga yon. Nag sorry lang ulit ako tas nag send lang sya nung okay na sign.

I kissed Jess, Eris and Denise's cheek tas fist bump kila Mark, Lance and Adam. Nginitian ko lang si baby. Baby talaga eh? Haha! Sa ibabang bleachers namin sila umupo.

Kingina nasa tapat ko sya!

"Lj?" Eris. Napatingin naman ako sakanya.

"Yup? Wala kong pera." I giggles. Medyo kabado na din. Lol.

"Leche ka! Just wanna ask kung buo na ba araw mo?" she said then nagtawanan na sila. Leche pag talaga ko nahalata dito. Susumpa ko talaga silang lahat hays!

"Sus di na tinatanong yan! Nakita na si bab--crush eh diba, J?" Si Lance na muntikan pang madulas sa sasabihin. Makakakonyat yata ako ng tropa ng wala sa oras. Mga walanghiya! Mga walang konsiderasyon!

"Nasan ba si crush?" Taragis na si Mark sumali pa!

"Nasan nga kaya 'no guys?" Sam freaking Cruz na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Now, I'm curious. Who's your crush?" OMG! SHE'S THE ONE WHO ASKED! MY GORGEOUS BABY ASKED!! Shit kayong lahat huhuhu! Kinikilig ako huhuhu!

AT ANG MGA WALANGHIYA NAGHAGALPAKAN SA TAWA! Mahiya-hiya na ko dito!

"Uh wag kang magpapaniwala diyan sa mga yan. Trip lang ako nyan." Sobrang nahihiya kong sabi. Nakatingin sya sakin eh kaya di ko maiwasang kiligin! Shit yan!

Ngumiti lang siya sakin tas nag focus na ulit sa phone niya.

NGINITIAN NIYA KO?!!! SHIT NGINITIAN NIYA KO!!!! THANK YOU PAPA GOD!

Badtrip! Ang bading ko naman hahaha! Pero kinikilig talaga ko. Grabe nginitian nya ko. Feels like heaven, sheeeet!

Oh well let me introduce her. She's My one and only Hope Athena Reyes. She's not really tall. I think ka-height nya si Mon. Maputi siya at makinis ang balat nya. She has a chocolate colored pair of eyes, her cute nose that I'm fantasizing to pinch (hindi siya pango. Maliit pero matangos ang ilong niya), her pinkish lips na mas gusto ko kapag walang lipstick (pag naglalagay sya nang lipstick mas lalong nah-highlight yung ganda nya. At ayoko non. Dapat ako lang makakakita non), at all in all I really love the moles on her face. Pinapaligiran nito ang bridge ng nose nya papunta sa mga labi niya. Ewan ko ba pero gustong-gusto ko talaga yung mga moles nya. Hindi naman kasi malaki yon, yun yung parang tuldok lang.

Mon leaned closer to me. Her face on my right shoulder tsaka bumulong,

"Matunaw..."

"Pagbigyan mo na ko... Namiss ko lang..." Two weeks ko kasing di nakita. Alam ko naman kung saan siya nakatira at di naman kalayuan samin pero ayoko parin siyang puntahan. Di naman kami close eh kaya magtataka yan.

Narinig ko naman si Mon na natawa lang. Sila Sam naguusap lang. Ang daya daw nung kalaban kaya hinayaan ko nalang sila. Nag online nalang ako.

Halos malaglag na yung mata ko nung nakita kong chinat ako ni baby! Gahd! Pero sabi ko sa sarili ko chill lang. Kalma, self, kalma!

Athena Reyes
Sweet. Nilalanggam na ko sa unahan nyo oh. Hahahaha

Damn,baby! Mas sweet pag naging tayo!
Napangiti nalang ako sa iniisip ko. Sinilip ko si Mon. Nasa leeg ko na yung mukha nya. Medjo antok kasi yan eh pinilit ko lang sumama.

Louise Go
Luh issue po oh hahaha

I just can't believe it! Is it mean na friends na kami? Or what? Basta! Bahala na nga!

Baka jowa ko na? Charot hahahaha!

Athena Reyes
Okay po hindi na. Pero.. baka siya talaga yung crush mo? Ayiiiie haha

Louise Go
Ay hindi po. Clingy lang talaga kami sa isa't-isa :)

Athena Reyes
Ayaw mo ba sakanya? You look cute together.

Baby pinamimigay mo ko... Charr hahaha!

Louise Go
Sa tingin ko mas cute tayo eh.. Tingin mo ba?

Pucha! Medjo maharot ako sa reply ko haha.
Napatingin tuloy sya sakin tas nagpipigil ng ngiting nagtaas ng kilay. Tumalikod din siya agad.

Damn! Ang cute!

Athena Reyes
Ilan na nasabihan mo ng ganyang line? Hmm..

Tingin pa yata sakin maharot. Hmp.

Louise Go
Ikaw lang. Grabe ka naman parang sinasabi mo na.. Ouch.

Nang biglang nagtalunan sila Sam. Nanalo na pala sila Alec kaya dali-daling nagpunta sila sa court. Championship ba? Hahaha.

Hindi ako umalis sa upuan ko kasi natutulog si Mon eh. Ayoko muna syang istorbohin. Pinatay ko muna yung data ng phone ko.

Iistorbohin ko na pala si Mon. Sumenyas si Alec na labas na raw kami. Yung mga babae sa harap ko tumayo na rin. Pinalibot ko yung kanang braso ko sa bewang ni Mon

"Mon... Tara na muna. Uuwi na tayo..." umayos siya agad ng upo. Inayos ko yung buhok nya tas hinawakan yung kamay para makaalis na kami

"You hungry? You want me to buy something for you?" Tanong ko kay Mon habang pababa kami. Umiling lang sya. Inakbayan ko nalang sya.

Napatingin ako sa nasa unahan ko. Di naman sila ganon kalapit. My baby is looking at us...forehead creased.

Damn.
Bakit parang kinabahan ako?

Nah, assuming ko talaga.

Think TwiceWhere stories live. Discover now