Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong niya. Awtomatiko akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "Anong klaseng tanong yan?"

"Base sa reaksyon mo ngayon. Bakit may pakiramdam akong totoong naglilive-in nga kayo? That's just a random question. Bigla lang pumasok sa isip ko. Yun ba ang dahilan kung bakit gustong-gusto ka ni Jave? Dahil may ganun kayong klaseng relasyon?"

"Ha!" halos hindi ako makahinga sa mga tanong niya pero hindi ko na pinayagan ang sarili ko na magpakita ng kahina-hinalang reaksyon. "Hindi ko alam ang sinasabi mo.."

"Talaga? Kasi napapansin kong lagi kayong sabay na dumating at umalis ng school. Hmm..sabagay, bakit nga ba hindi ko naisip na baka sinusundo at hinahatid kalang talaga ni Jave?"Nilapit nya ang mukha niya sa akin na tila nakatawa. "Malaking gulo nga naman kapag totoo ang hinala ko. Kung tutuusin dalawa kayong minors, mga teenager. Pareho kayong makikick out sa school kapag ginawa niyo yun. Masyadong matalino si Jave, tingin ko hindi niya gagawin."

Nakahinga ako ng maluwag ngunit naroon pa rin ang malaking pag aalala sa puso ko. Tama ang sinabi niya, kapag nalaman ng school na nakatira kami sa iisang bubong at kaming dalawa lang doon, hindi malayong magdesisyon silang palayasin kami sa paaralang ito.

"Sino ang parents mo Sofia? Saka anong business niyo?"

Hindi ako sumagot.

"Sorry I'm being a bit nosy. Anyway, It's lunchtime! Sasabay ka ba sa akin?" biglang tanong niya na parang walang tensyong naganap sa amin. Nakatawa na naman siya na parang walang nangyari. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Ang totoo inaantay ko ang tawag ni Jave. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinitxt.

Tiningnan ko si Bella na nakatitig sa wallpaper ng cellphone ko. "It's so cute. Can you send me that?"

Hindi ko siya sinagot.

"Lowbat pala ako. Next time nalang. Search ko nalang sa net yan." sabi niya bago tumalikod.

"I'll appreciate it if you won't copy my wallpaper."

Napalingon siya sa akin. "Masama bang magandahan din ako dyan?"

"Pero ako ang nauna."

Tumawa siya. "Sige. Hindi ko kokopyahin yang wallpaper mo. Pero bored ako, gusto kong maglaro ng tennis." sumeryoso ang mukha niya. "Makipaglaro ka sa akin."

Napawang ang mga labi ko. Tennis? Talo na agad. Tsk.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag akong makipaglaro sa kanya. Nung high school ako naturuan akong magtennis. I played well then, pero alam kong average lang ang kaalaman ko kumpara kay Bella na sinasabing sikat na tennis player at nanalo na sa mga competitions. Sadyang naasar nalang talaga ako sa mga pangda-down niya sa akin. Wala pa siyang isang linggo sa school na ito parang ang bigat na ng buhay ko dahil sa kanya.

I didn't know she can gather these kind of crowd. Tumingin ako sa paligid, napakaraming estudyante na ang nagpunta para manood. Ganun na ba talaga siya kasikat para dayuhin pati ng mga estudyante sa iba't ibang departments? Napapailing ako.

Nasa kabilang court na si Bella. Nakaputing tennis uniform siya. Mas maiksi kaysa sa usual ang palda niya. At halatang halata sa sleeveless niyang damit na pinagpala nga talaga siya sa ... sa dibdib. Kagaya ng sabi ni Jave. Hinihiyaw ng mga tao ang pangalan niya, lalo na ng mga lalaki.

Nang lumapit sa net si Bella. Nipalitan ko siya. "Sinadya mo bang hakutin ang napakaraming estudyanteng 'to?"

Tinawanan niya ang tanong ko. "Bakit, natatakot ka bang mapahiya? Wag kang mag alala, alam naman nilang lahat na magaling akong maglaro kaya iniexpect na nila ang pagkatalo mo."

Impaktita. Tch.

"Ganun ba? Kailangan mo pala talagang galingan. Dahil nakakahiya naman kung ikaw pa ang matatalo." lakas loob kong sagot.

Hindi naman niya seneryoso iyon dahil malawak pa rin ang pagkakatawa niya. "Sabi ko nga bored lang ako. Hindi kita seseryosohin. Mag eenjoy lang ako. Pero ikaw, galingan mo. Malay mo baka gusto ni Jave ang mga babaeng magaling sa sports..baka magbago ang isip niya sayo."

Akala mo lang yun! Hindi naman importante kay Jave kung magaling sa sports o hindi. Walang siyang pakialam---teka. Napaisip ako. Wala nga ba? Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang mga gusto at ayaw ni Jave sa isang babae. Hayyss! Nakakainis.

"Let's start!" pukaw sa akin ni Bella.

Pinakiramdaman ko ang balikat ko. Hindi naman na masyadong masakit, tingin ko kakayanin kong itawid ito.










Jave POV

Nasa classroom na ako. Katabi si Jiro at may hawak na test paper. Hayop. Panu ako napunta dito? Napahawak ako sa noo. Ang huling naalala ko nasa track and field ako tumatakbo. Pinilig-pilig ko ang ulo ko, nawawala ako sa sarili ko hindi ko maalalang naglakad ako papunta dito at pumasok. Haiist!! Sa asar ko aksidente kong napunit ang test paper. Sheyt.

Umiiling na tumingin sa akin si Jiro. Tapos ay sa napunit kong test paper. Tinawag niya ang atensyon ng Professor na nagbabantay. "Sir, may kailangan si Santillan.....screw driver."

"Bakit?" tanong ng Professor na salubong ang kilay.

"Maluwag po ang turnilyo." si Ark ang sumagot. Mabilis kong sinipa ang upuan niya para maalog ang utak.

Pagkatapos ng klase, walang humpay ang halakhak ni Ark hanggang sa makarating kami sa usual spot na kinakainan namin ng lunch.

"Tumahimik ka ngang hayop ka. Kanina ka pa eh!" sigaw ko sa kanya.

"Jave, hindi mo ba susunduin si Sofia?" tanong ni Jiro.

Naubo ako ng walang dahilan. Tapos ay naulinigan ko ang ilang estudyante na tila may sasabihin, gustong lumapit pero natatakot.

"Ano yun?" tanong ni Jiro sa mga iyon.

"Ah. .Ba-baka gustong malaman ni Jave.. may tennis match si Bella ngayon."

Nanlilisik ang paningin ko nang dumapo sa kanila. "Gusto mong mamatay? Kung ayaw mo alis na!"

"...with Sofia." dagdag ng isa.

Napatayo ako. "Ano??" Yung baliw na babaeng may sampung likod. Pinapasakit na naman ang ulo ko. Hayop.

"Di ba masakit pa ang sugat nun?" tanong ni Jiro.

"Tch. Bahala siya sa buhay niya."

Inabot ko ang kutsara at tinidor para kumain. "Tch. Sheyt!" binitiwan ko din ang mga yun tapos at tumakbo patungo sa department nila Alien. Pinapagod niya na naman ako! Kanina pa ako pagod na pagod at puyat na puyat. Ang sakit na ng ulo ko. Hayoop!

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now