Chapter 56

198K 7K 336
                                    


Kakalapag palang ng eroplano badtrip na kaagad.Wala pa akong sundo. Anong hindi makakarating agad dahil traffic? Eh kelan pa nawalan ng traffic sa Maynila, dapat inagahan nila ang alis! Peste! Wala akong magawa kundi pumadyak, sipain ang sahig kahit na masakit na sa paa. Para akong tanga dito. Hays!

"Hindi ka aalis dito hangga't hindi ko sinasabi, maliwanag?"

Sa lakas ng boses na iyon napalingon ako sa katabi kong dalawang estudyante tatlong silya ang layo mula sa akin. Kumunot bigla ang noo ko sa paraan ng pagkakahawak ng lalaki sa braso ng katabi nitong babae. Wala naman akong pakialam kahit hawakan niya sa leeg ang babaeng yun pero nakakairita lang dahil ang ingay. Tumatagos sa bungo ko ang nakakarindi nilang away. Badtrip na nga ako mas lalo pa akong inaasar. Bwesit.

"Kailangan ko nang umalis, hindi mo ako mapipigilan! Bakit ba nakikialam ka sa buhay ko? Boyfriend lang kita pwedeng-pwede kitang hiwalayan kung kelan ko gusto!" sagot ng babae.

Napakuyom ako dahil mas matinis ang boses nito. May gana pang sumagot, hindi nalang manahimik? Ano 'to teleserye sa airport?Peste, hindi ako naupo dito para manood ng live na drama. Magugustuhan ko pa kung pagpapatayan tong dalawang 'to sa harap ko. Hindi man lang marunong magbaba ng boses, lagyan ko kaya ng silencer ang vocal chords ng mga baliw na 'to? Tsk. Ganitong hindi ko pa nakikita si Sofia, nagdidilim ang paningin ko.

"Sige, gawin mo. Makipaghiwalay ka sakin, tingnan lang natin kung saan pupulutin ang pamilya mo kapag ginawa mo yun!"

"Yan lang ang ipapanakot mo sa akin? Sige gawin mo! Hindi na ako natatakot sayo o sa pamilya mo!"

Tch. Napahawak ako sa noo. Bago pa ako makapatay dito, tumayo na ako at inangat ang maletang dala ko. Hindi na ako makakapaghintay kina Jiro dahil sumasabog na ang pasensya ko dito. Pero bago pa man ako makalayo nagumpisa nang maghilahan ang dalawa sa tabi ko. Pinipilit ng lalaki na sumama sa kanya ang babae, habang naghuhulagpos naman ang babae.

"Shit!" napamura ako nang mabitawan ko ang maleta ko dahil sumampa doon ang babae nang itulak ito ng lalaki. Napatingin ako sa mukha ng babae. Namumula ang mga mata nito dahil sa kakaiyak at namumutla dahil sa takot.

"Get.Your.Hands.Off.My freakin bag!" mahina ngunit madiin kong sabi sa babaeng nakakapit pa rin sa maleta ko. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Ang pasensya ko limited edition lang, walang extension at sagad na ako. Hinawakan ko ang kamay ng babae at sapilitan siyang itinayo para mabitiwan ang bag ko. Sinugod siya ng lalaki, hindi ko inaasahang magtatago ang babae sa likod ko.

"Tabi!" sigaw ng lalaki sa mukha ko, sabay tulak sa akin. Ang nakakadiri niyang kamay dumikit sa manggas ng damit ko, itinulak pa ako. Sinabi nang sabog na pasensya ko eh. Self defense to, kapag napatay ko tong lalaking ito, kaya akong ilabas ni Ysabel sa kulungan sa loob ng isang oras. Hinarap ko ang lalaki, lintik lang ang walang ganti. Lumipad sa pisngi niya ang nangangalit kong kamao, kasunod ng isang malakas na tadyak sa sikmura. Gumulong ang hayop. Ha! Hindi pa ako tapos, sinipa ko siya ng sinipa hanggang sa magpagulong-gulong siya sa sahig.

"Sino ka ba?"

"Wala kang pakialam kung sino ako!" Wala akong panahong makinig kaya tinapakan ko ang bibig niya. Kahit na nakakadiri dahil baka malawayan niya ang bago kong sapatos. Tingnan ko lang kung makahinga ka pang gago ka.

"Alam mo bang maganda ang mood ko nang sumakay ako sa eroplano kanina? Pero dahil sa lintik na traffic at dahil sa ingay niyong dalawa, dumilim ang paningin ko. Dahil mabait ako, bibigyan kita ng isang segundo para tumayo at tumakbo mo." Inalis ko ang paa ko sa bibig niya.

"Hindi mo kilala kung sino binabangga mo, magbabayad ka--"

"Isa!"

Inaangat ko palang ang paa ko kumaripas na ang loko. Ang lakas ng loob magbanta tatakbo lang pala. Tch. Napahalukipkip nalang ako sa bilis ng takbo nito palayo. Paalis na ako nang hawakan ng babaeng kasama nito ang kamay ko. Masama ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin kaya bumitiw siya.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now