Chapter 1

594K 9.9K 843
                                    

Mahigpit ang kapit ko sa maliit na bag na siyang tanging baon ko sa pagharap sa panibagong buhay na aking tatahakin. Ang laman ng bag ko ay kaunting pirasong damit at iilang personal na kagamitan. Ito lamang ang madadala ko sa Maynila, hindi pa nga ako sigurado kung kakasya ang kakarampot na perang iniwan sa akin ng Lola bago siya pumanaw sa mga pangangailangan ko. Kaya kailangan ay mahagilap ko kaagad sa Maynila ang mga natitira ko pang malalayong kamag anak para kahit papaano ay may matuluyan ako.

Kung tutuusin kahit wala na si Lola ay kaya ko naman ang mabuhay mag-isa dito sa probinsya kundi lamang sa pangako ko sa Lola ko na magtatapos ako ng pag aaral. Hindi ko magagawa iyon kung mananatili ako sa probinsya at aasa sa mumunting kikitain ko na alam kong sapat lang para makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Eighteen years old na ako. Kakatapos ko lang ng senior high school at kailangan kong gumawa ng paraan para makapasok kahit man lang sa isang desenteng kolehiyo. Sa ngayon 'yon muna ang goal ko. Ngayong wala na akong aasahan kundi sarili ko lang, kailangan kong magbanat ng buto at lumaban sa mga hamon ng buhay. Hindi ako magpapaapi! Ako yata si Sofia Althea Perez, alam ko sa sarili ko, I was born to conquer the world!

Kaya paghinto ng bus sa harap ko na magdadala sa akin sa Maynila, huminga ako ng malalim. Umpisa na ng laban. Inangat ko ang paa ko upang makasakay ng bus. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay napasigaw na ako.

"Aray!" ang lakas ng pagkakabangga sa akin sa balikat ng lalaking may suot na itim na jacket. Nagmamadali itong pumasok ng bus, wala itong pakialam kahit na obvious na nasaktan ako, ni hindi ako niligon. "Walang modo!"

Pinabayaan ko nalang. Ayokong magpaapekto sa mga taong kagaya nito. Ako lang ang talo, sasakit pa ang puso ko sa pagkapikon kaya dinaan ko nalang sa ngiti. Lalo pa at hindi naman 'yong pinupuntirya kong upuan ang inupuan niya. Makakaupo pa din ako malapit sa bintana.

"Aray!" daing ko ulit. Asar na kumuyom na ang kamao ko. Paano ba naman, binangga ulit ako ng lalaking naka jacket. Bigla siyang lumipat ng pwesto at inunahan ako sa upuang gusto ko. Aba, inuubos talaga ng bwesit na 'to ang pasensya ko ah! "Excuse me. Pwesto ko 'yan. Ako ang nauna sayo."

Nakasuot siya ng earphones kaya hindi ako narinig. Tinapik ko siya sa balikat. Padabog niyang hiniklas ang nakapasak sa tainga at matalim ang mga matang tumingin sa akin. Napakurap ako. Aba teka, siya pa ang matapang siya na nga itong nang-agaw ng upuan. Hahampasin ko na siya dapat ng bag ko kundi ko lang nalaglag ang hood ng jacket niya at nakita ko ng buo at malapitan ang mukha. Ilang sandali akong napatanga. In fairness kay Mr. No-Manners-At-All, may itsura. Gwapo siya in fact. Kulay brown ang mga mata na napapalibutan ng malalantik na pilik-mata maiinggit sa kanya ang namayapang aktres na si Isabel Granada. Natural na makapal ang kilay niya, may espesyal itong kurba na nagbigay dito ng masungit ngunit lalaking-lalaking awra. Matangos ang ilong niya, mapula ang mga labi, napaka-aristokrato ng dating. Kung Pilipino ang isang ito, malamang hindi puro. He was like a model ripped off from some teenage magazine, ang tipo ng mukhang popular sa mga eskwelahan at tinitilian ng mga kababaehan. Hindi kaya artista siya?

Nabasag ang pantasya at imahinasyon ko nang marinig ko ang pikon niyang tinig. "Excuse me?" Hindi lang 'yon, salubong pa ang mga kilay niya na para bang isa akong malaking istorbo sa mata niya.

Sumiklab ang asar ko, tinaasan ko siya ng kilay nang maalala ko ang kaalatan ng ugali niya. "Ang sabi ko pwesto ko 'yan. Ako ang nauna sayo!"

"Ako ang nakaupo dito, that means the seat is mine. Right?"

"Tinulak mo ako!"

Tumawa siya ng pagak. 'Yong nakakainsulto. 'Yong mayabang na tawa na parang sarili niya ang mundo. Tapos ay binalik niya ang earphones sa tainga na parang wala nang balak makipagdiskusyon sa akin. Mabait akong tao pero kapag inaapi ako lumalaban ako.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now