Chapter 47

211K 6.4K 1K
                                    


Hinintay ko si Rianne sa lobby ng condo na tinutuluyan niya. Naiinis na ako kaya halos isandaan na siguro ang txt messages na naipadala ko sa kanya. Ang tagal niyang dumating, kanina pa madilim sa labas. Tinawagan ko siya.

"Kapag hindi ka dumating in 30 minutes. Wag ka nang makipagkita sa 'kin kahit kailan. Magkalimutan na tayo." matigas kong sabi.

"Jave--"

Binaba ko ang cellphone. I don't wanna hear any more excuses. Ang gusto ko magpakita siya sakin dahil kanina pa ako naghihintay ubos na pasensya ko. Pinapunta niya ako sa cafe malapit sa building na kinaroroonan ko. Madilim ang anyo kong humarap sa kanya.

"Ano na naman 'to Rianne? Wala ka talagang kadala-dala??" umpisa ko.

BUmuntong-hininga siya. "Sa maniwala ka o sa hindi. His parents arranged this for us. Ako lang ang makakapagpabangon sa nalulugi nilang business sa abroad kaya wala siyang choice kundi pakasalan ako-"

"God damn it! Tanga ka ba? Bopols? Hindi ka nag iisip? Akala ko matalino ka ba't parang natuyo na yang utak mo?"

"Jave, bata ka pa hindi mo pa naiintindihan ang mga nangyayari. Nakapagcommit na ako sa parents niya. Malaki ang magiging pakinabang ko dito--"

"Shut up! Kung tungkol na naman to sa negosyo at sa pera, hintayin mong mag-21 ako. Pakakasalan kita sa kahit saang simbahan mo gusto. Ibibigay ko sayo ang lahat ng kayang ibigay ng Brendan na yan. Alam mong higit pa ang kaya kong ibigay Rianne. Alam mo yan!"

Bumuntong hininga si Rianne. Kalmado ang boses niya pero nasa mukha niya ang matinding emosyong gustong kumawala.

"Nandito naman ako eh. Ano pa bang kulang sakin Rianne? Matagal na kitang mahal. Ano bang meron ang Brendan na yan na wala ako? Nag aaral naman na ako ah."

"Gusto mong malaman ang totoo Jave? Magaan ang loob natin sa isa't isa dahil lumaki tayong magkaramay sa lahat ng bagay. Ikaw ang tagapagtanggol ko, ako naman ang taga-kalma sayo kapag kinakain ka ng sobrang kalungkutan. Maliban sa Mama ko, ako ang naging unang babaeng nakapasok diyan sa puso mo dahil hinaharangan mo ang iba. Pero hindi mo ako mahal na kagaya ng iniisip mo.."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Jave, mamulat ka na sa katotohanan. Sinasabi mo lang na mahal mo ako dahil yun ang dinidikta ng utak mo. Dahil yun ang nakasanayan mong isipin sa loob ng mahabang panahon."

Gusto kong tumawa sa mga sinasabi niya. "Puso ko to, feelings ko to ako lang ang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ko."

"May tanong ako sayo Jave. Sino ba ang unang taong gusto mong makita paggising mo sa umaga? Sino ba ang taong nami-miss mo ng sobra hindi mo lang makita ng ilang minuto? Sino ba ang taong gusto mong laging kasama at wala kang pakialam sa paligid mo kapag nandiyan siya? Sino ba ang taong kahit paulit-ulit kang saktan emosyonal man o pisikal eh hindi mo kayang kagalitan? Ako ba? Ako ba ang naisip mo sa mga sinabi kong yun Jave?"

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa panghuling tanong niya. Kung tutuusin napakadali, sasabihin ko lang na siya. Siya ang lahat ng iyon. Pero bakit hindi ko magawa? Bakit may ibang taong pumapasok sa utak ko ngayon? Pinilig ko ang ulo ko. Nagagalit lang siguro ako kay Rianne sa mga oras na ito kaya hindi ko masagot kaagad ang tanong niya.

Sino ba ang taong gusto kong laging nakikita?

Excited pa akong pumasok sa school sa umaga dahil sa kanya.

Ang taong kahit saktan ako ng emosyonal at pisikal hindi ko magawang magalit.

Ang taong handa kong protektahan ng aking buhay.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon