Chapter 37

210K 6.7K 736
                                    


Hindi pa man ina-announce ang winner magkakasabay nang sinisigaw ng mga tao sa audience ang number namin ni Jave. Hindi magkamayaw ang naguumapaw na audience impact na meron kami. Nakakatuwa. Kaya nang i-announced ang winner, ganun na lang ang talon ko.

Panalo kami ng Paniki!

Sa sobrang excitement ko, nayakap ko siya ng sobrang higpit, alam ko performance talaga niya ang nagpanalo. Siya ang humakot ng audience impact unang tuntong pa lang niya sa stage.

“Aray-aray-aray! Hindi ako makahinga!” reklamo ni Jave sa namumulang mukha. Tinawanan ko lang siya. Ako ang kumuha ng pera samantalang nauna na siyang bumaba. Hindi ko inaasahan ang biglang pagiging wild ng mga tao lalong-lalo na ng mga kabataang babae. Pagbaba ni Jave sa stage, sinugod siya ng napakaraming manonood.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaba nang biglang bumuhos sa gawi ni Jave ang mga babaeng kabataan . Hanggang sa hindi ko na siya nakita, natabunan na ng mga taong gustong yumakap at humalik sa kanya. Natakot ako nang magtakbuhan sa gawing iyon ang ilang mga security guards na nagpanic na din dahil hindi na nakikinig sa sigaw nila ang mga tao. Nawalan na ng control ang mga ito.

Jave!

Nasan na siya?. Nilamon na ng mga tao. Ganun na lang ang pagaalala ko, taranta akong bumaba ng stage pero hinila ako ng isang organizer.

“Miss! Wag! Masasaktan ka diyan!” sita nito sa akin.

“Pero si Jave po…” sindak kong turan.





Nasa bahay na kami. Hindi pa rin kumalma ang sistema ko. Hanggang ngayon abot langit ang kaba ko sa kumosyong nangyari sa carnival. Hindi ako makapaniwalang magiging ganoon ka-wild ang mga tao, para akong mamatay nang makita kong kuyugin ng mga tao si Jave.

Nasa loob na siya ng kwarto niya. Gusto ko siyang gamutin kaso alam kong tapos na, nagawa na iyon ng mga doktor sa carnival. Nataranta pa nga ang mga ito nang sabihin ni Jave ang pangalan niya. Wag nalang daw sanang makarating sa media, buti hindi na umalma si Jave kundi kawawa ang carnival na iyon kapag nalaman ni Ms. Ysabel, siguradong magwawala ang kapatid ni Jave. Kahit hindi sila close, alam ko kung gaano nito kamahal si Jave.

Pero nalamog si Jave. Kawawa naman siya.

Bumangon ako mula sa kama. Malalim na ang gabi at kailangan ko nang matulog dahil may pasok bukas pero hindi talaga ako mapakali. Hindi pa ako nakakapag-thank you at hindi pa rin ako nakakapag-sorry sa kanya sa nangyari. Ako kasi ang nagdala sa kanya doon, at ako ang gustong sumali sa contest na yun para sa premyo kaya nakokonsensya ako. Natatakot naman akong istorbohin siya dahil baka masama ang mood dahil sa sakit ng katawan na tinamo niya kanina.

Binalingan ko ang cellphone na ibinigay niya sa akin. Nakakuha ako ng maraming pictures sa carnival. Tinitigan ko ang nag iisang selfie naming dalawa kung saan nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya, sa likuran namin ay ang roller coaster. Ang ganda ng kuhang iyon. At ang gwapo ni Paniki doon. Mahal siya ng camera kahit saang anggulo.
Kinapa ko ang puso kong walang tigil ang pagpintig ng kakaiba. Parang may ritmo, parang ang saya-saya ng puso ko. Sa edad kong ito hindi ako mahilig tumingin sa mga lalaki, lumaki akong puro pag aaral at ambisyon sa buhay ang nasa isip, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang tinatawag nilang pagibig.

Pero ngayon parang alam ko na.

May gusto na nga yata talaga ako kay Jave. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya, makita ko lang siya naghahabulan na ang pintig ng puso ko. Lagi akong naaasar sa kayabangan niya pero hinahanap-hanap ko siya. Ayokong umalis sa tabi niya. Ayokong mawawala siya sa paningin ko.

Higit sa lahat, nasasaktan ako sa tuwing puro si Rianne ang pinapansin niya.

Gusto ko na si Paniki.




She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now