Chapter 42

228K 8.3K 1.8K
                                    


"Oh mother father! Ang first kiss ni Jave! Anong ginawa mo Sofia? Nilaspastangan mo!"

Boses yun ni Ark na nagpabalik sa akin sa totoong mundo. Nang dumikit ang mga labi ko sa labi ni Sofia para akong nalunod, nalunod sa droga ayoko nang bumitaw. Tuloy na ulit ang music sa paligid, balik sa normal ang lahat maliban sa akin. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Si Rianne ang gusto ko, siya lang ang babaeng hahalikan ko sa mga labi. Pinangako ko yun sa sarili ko kinder palang ako. Sinapian ako kanina. Bakit ko ba kasi naisipang halikan si Sofia? Lasing ba ako? Nahihilo ako pero matino ang utak ko. Alam ko kung ano ang ginawa ko, hindi ko lang kayang ipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko iyon ginawa. Bukod ba sa pagiging wakwak niya marunong din siyang mang-gayuma? Tae, nababaliw na ako.

"Hoy! Buhay pa kayong dalawa? Gumising na kayo!" boses naman iyon ni Jiro. Tumikhim ako. Kumamot sa leeg. Samantalang si Sofia napakurap kurap pero hindi makatingin ng diretso sakin. Inaantay kong sampalin niya ako eh. Wala yata. Di niya naisip? Aba himala. Pumapalya ang pagka-brutal ni Alien kapag nahahalikan. Ayokong mag-isip ng kalokohan, pero puro kagaguhan pumapasok sa bungo ko. Kapag ganito kahyper ang utak ko dalawang bagay lang: either masaya ako o badtrip. Sigurado akong hindi ako badtrip. So masaya ako? Tae.

"I had to do that. This is dare and consequences club. Kapag bumukas ang ilaw na walang humalik sayo hihilahin ka doon sa stage, bibigyan ka ng consequence. Pasok ka kasi ng pasok dito hindi mo muna inaalam kung ano ang pinapasukan mo." kailangan kong samantalahin na nasa shock mode pa siya. Nag-explain na ako para bida. Kundi bogbog sarado ako nito.

"Ganun ba.." halos bulong ni Sofia. Napatitig ako sa nanginginig niyang mga labi. Hindi ko na rin napigilan ang tumitig sa buong mukha niya. Bagay kay Alien ang liwanag ng club, nagmumukha siyang tao.

Ang ganda niya. Lasing na nga talaga ako. Bakit ang ganda ni Alien sa paningin ko ngayon?

May lumapit na mga lalaking kaedaran lang namin kay Sofia.

"Hi Miss... may I dance with you?"

Tatlo itong magkakasama, lahat masama ang tingin kay Sofia. Normal lang naman na gawin 'to ng mga tao dito sa club. Pero pagdating kay Alien, madamot ako, hinila ko kaagad siya sa likod ko bago pa man mahawakan ni dulo ng daliri niya ng mga lalaking ito.

"Kung kaya niyong lumunok ng kamao, bakit hindi?"

"Teka, maayos kaming nagtatanong ah--" hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito. Tumitig lang saglit sa mukha ko, namutla na.

"J-jave? Pare si Jave Santillan to.." narinig kong bulong nito sa kasama. Tumaas ang kilay ko at tumingin ako ng masama sa grupo. Gulpi tong mga to pag hindi lumayas sa harap ko sa loob ng limang segundo. Nagbilang ako sa utak ko habang hinahanda ang kamao ko.

"Tara na! Alis na!" tarantang sagot ng kasamahan nito.

"Sorry Jave.. hindi ka namin kaagad nakilala."

"Alis na!" sigaw ko na nagpatakbo sa mga ito. Natawa nalang ako.

"Napaka-bully mo talaga kahit saan ka dalhin." komento ni Sofia sa likod ko.

"Hindi ako bully. Ayoko lang na pinapakialaman kung ano ang akin. Bakit gusto mo bang makipagsayaw sa mga yun?" tiningnan niya lang ulit ako ng masama. "Subukan mong sumagot ng pabalang, hahalikan kita!"
"Bakit sayo ba ako?"

Natameme ako sa tanong niya. "Bakit ano ba sinabi ko? Nakalimutan ko na. Lasing ako. Tara na umuwi na tayo kung ayaw mong makabasag ako ng mukha dito." Ang ganda mo kasi. Ang hirap mong itago. Gusto kong idagdag. Next time na lalabas kami dapat drawingan ko siya ng aswang sa mukha.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makalaban pa sakin. Si Alien pa naman ang daming alam na sagot. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil matalino siya, o maiinis ako dahil kinakayan-kayanan na niya lang ako.

Napatingin ulit ako sa mukha ni Alien, naglalakad siya sa tabi ko palabas ng club. Ang ganda niya talaga. Ang daming mga matang nakasunod sa bawat galaw niya, hindi ako napakali, hinubad ko ang jacket ko at isuot ko sa kanya.

"Bakit?"

"Wag ka nang magtanong. Bilisan mo nalang!" angil ko. Ang iksi kasi ng manggas ng suot niyang puting damit. Pakiramdam ko tumatagos doon ang tingin ng mga lalaki sa paligid. Umiinit ang ulo ko.





Pagdating sa bahay, kaagad akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto ng kotse. Langya para akong gago, bat ko ba ginagawa to? Dahil lasing ako? O dahil may kasalanan ako sa kanya? Siguro isa sa mga yun ang dahilan.

"Hindi mo suot ang hairpin na binigay ko sayo?" naisipan kong itanong nang hindi ko iyon makita sa ulo niya.

"Ha? Eh nagmamadali na ako kanina, akala ko kasi lasing na lasing ka na--"

"Nag alala ka ba sakin? Yung totoo."

"Oh." pinakita niya sa akin ang medyas niyang hindi magkapares. "Hindi pa ba sapat na sagot to?"

Napangiti ako. Namula si Sofia sa ngiti ko. Gumwapo yata ako lalo. " Sorry sa mga sinabi ko sayo kanina. Marami lang talaga akong nasasabing hindi maganda kapag masama ang mood ko. Galit na galit talaga ako kanina.."

"Bakit? Yun ang hindi ko maintindihan."

"Nasanay na akong nandyan ka. Mahihirapan ako kung mawawala ka. Kaya kung may gusto ka kay Alcantara--"

"Wala."

Natigilan ako. "Ano?"

"Ikaw lang naman ang nag assume na may gusto ako sa kanya. Sinabayan nalang kita kasi nakakarindi ka."

Teka. "Dati sabi mo hindi ka sigurado kung gusto mo nga siya. Sigurado ka na ngayon na hindi mo siya gusto? Bakit? Panu mo nasiguro?"

Nagkibit-balikat si Sofia. Tsk. Gusto kong malaman ang sagot. Ang sarap hugutin ng dila niya.

"Matutulog na ako Jave, gabi na."

"Gusto ko ngang malaman."

Humikab siya. Pekeng hikab. Hinubad niya ang jacket ko inabot sa akin at dumiretso sa kwarto niya. Sumunod ako.

"Saan ka pupunta?" maang niyang tanong.

"Sa kwarto."

"Kwarto ko 'to."

"Bahay ko 'to."

Umangat ang kilay niya. "Gusto mo ba umalis na ako?"

"Hindi naman ako matutulog diyan! Sinasamahan lang kita baka mapatid ka."

"Hindi ako ang lasing. Ikaw."

"Ako ba?"

Inirapan niya ako bago pumasok ng kwarto at ilock ang pinto. Nakakainis ayoko pang matulog. Gusto ko pang makita siya. Hay. Ano ba tong nangyayari sakin. May sakit na yata ako sa puso, ang bilis ng tibok eh. Teka, uubra ba ang paracetamol dito? Tsk! Nakakabadtrip na naman.

Kinatok ko si Sofia. "Natutulog ka na ba?"

"Alis!"

Ang harsh ng Alien na 'to! Tsk. Akala mo ang gan- tsk, ang ganda nga niya. "Nagugutom ako. Masakit ang tiyan ko..." kahit hindi naman.

"Alis nga!"

"Arrraayyyy. Ang sakit na nga talaga. Magpapahospital nalang ako. Wala namang gustong mag alaga sakin dito.."

Bumukas ang pinto.

Bigla akong napilitang ngumiwi. Kunyare masakit.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko kundi lagot ka sakin!"

Para namang malalaman niya yun eh artista ako! Ang lakas ng tawa ko sa utak ko.

"Jave. Di ba nauna kayong mag-exam kaysa samin, may result na ba?" tanong ni Alien habang nagluluto ng mainit na soup.

"Ha?"

"Yung exam niyo. Ano na resulta?"

"Ewan ko."

"Siguradong alam ni Jiro yun, siya nalang ang tatanungin ko. Wala ka talagang pakialam kahit kelan!"

Naloko na. Lilipad na naman ang sapatos sa mukha ko nito. Damn!


She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon