Chapter 5

21 2 9
                                    

"Aishh ang baho mong kausap" sabi ni gwen pero nginitian ko sya dahil ayaw kong makisabay sa inis nya ngayon alam ko kase na napagalitan sya ng daddy nya dahil sa ginawa nyang pagsampal sa teacher kanina. Pero nung nalaman ni tito kanina na lumaban din ang teacher ay agad nyang tinanggal sa trabaho ang teacher.

Kumain nalang ako nang kumain ng bigla akong may naalala...

"S-si mark? Nasan sya?" nakangiting tanong ko kay gwen na ngayon ay nagulat.

"Huh kala ko alam mokung nasan sya. Nagtext kase ako kanina sa kanya tinanong ko kung sasabay sya kumain satin. Pero sabi nya aalis daw sya saglit kaya hindi sya makakasabay. Sinabihan nya rin ako na wag magalala kase itetext karin daw nya." pagpapaliwanag ni gwen. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko para tignan kung nagtext nga ba si mark. Kinapa ko iyon sa bulsa ng palda ko pero shit! Wala dito. Wala naman akong dalang bag ngayon dahil nasa room ang bag ko. Sigurado rin akong nadala ko yun kanina bago kami bumaba ni gwen papuntang canteen. Sinilip ko din sa ilalim ng upuan nagbabakasakaling baka nandon pero wala padin.

"H-hinahanap mo ba ang cellphone mo?" mahinang tanong ni gwen dahil magkasalubong na ngayon ang kilay ko.

"Ay hinde tumitingin lang ako dun sa ilalim nagbabakasakaling makita ko si mark dun" mataray kong sabi sakanya dahilan para mapairap din sya hahahhaha.

"Diba sa cr ka naggaling kanina tignan mo kaya dun" masaya nyang sabi dahil siguro nagkaideya sya. Napangiti din ako at tumayo nako para tumakbo pero nung patakbo nako papunta sa cr ay pinigilan ako ni gwen"bat dyan ka tatakbo magkaiba kasi cr nang babae tsaka ng lalaki dito dun sa boys" tinuro nya ung pinanggalingan ko kaninang cr "at dun naman sa girls. Aishh galing ka na dun kanina eh bat namamali ka pa ng daan-" di ko na pinatuloy pa  ang sasabihin nya dahil kumaripas nako ng takbo papunta dun sa cr ng boys.

Nang makarating ako sa cr ay may naabutan akong nagwi-wee wee. Nagulat ung guy kaya agad nyang inayos ung pantalon nya tska sya tumakbo. Dali dali naman akong pumasok sa cubicle na ginamit ko kanina para hanapin ang cellphone ko dun pero wala. Nanlulumo akong lumabas sa cr pero nagulat ako ng biglang may humarang. Nanlisik ang mga mata ko ng makita ko si cr/sine/bookstore guy. Nakangiti sya sa harapan ko correction sobrang nakangiti as in sobrang lapad ng ngiti nya ang cute nya-- weyt what?! No mukha syang gago hindi sya cute.

"Alis dadaan ako eh" sabi ko sinubukan ko naman dumaan sa gilid nya pero muli syang humarang dun. Nainis ako sa ginagawa nya hindi sya nagsasalita pero nakangiti sya. Kung san ako dadaan dun din sya. Inuubos nya ung pasensya ko eh.

"Ano ba alis nga"reklamo ko sakanya. Pero ganon parin sya. Nakangiti. Paharang harang. Nangiinis. Nanggagago.

"HINDI KABA AALIS?!" sigaw ko sakanya. Nanlaki naman ang mata nya. At mukhang natatawa. At talagang natatawa pa sya. Aishh nakakagago.

Umalis naman sya sa daanan kaya naman napangiwi ako at akmang aalis na pero may kumalabit sakin. At pagharap ko sya nanaman. Napatingin ako ng masama sakanya pero ngumiti lang sya. May kinuha sya sa bulsa nya at.........

"Omooo that's my cellphone" tuwang tuwang sabi ko habang inaabot ang cellphone ko na nasa kamay nya at dahil matangkad sya hindi ko maabot dahil tinataas nya ang kamay nya kaya nainis ako.

"Hey give it to me" i said.

Tumawa sya at binagsak ang cellphone ko sa lupa. At dahil sa ginawa nya ay nandilim ang panigin ko . Inangat ko ang paningin ko sakanya at agad ko syang sinapak sa mukha nya. Bwahahah he deserves it. Gulat naman syang napatingin sakin habang hawak hawak ang kanyang panga. Kinuha ko ang cellphone ko sa lapag at tsaka ko pinunas sa damit nya ang mga dumi na nakuha ng cellphone ko dahil sa paghulog nya nito. Puti ang uniforme na suot nya kaya halata ang mga dumi dito.

Naglakad ako palayo pero bago ako tuluyang lumayo ay humarap ako sakanya at pinakyu sya.

************

Nandito kami ngayon ni gwen sa labas ng gate pauwi na kame  hinihintay lang namin dumating si manong tupe. Sasabay daw si gwen sakin dahil wala yung driver nya.
Asan kaya si mark? Tinignan ko ang cellphone ko kanina pero wala naman syang text. Hindi rin naman alam ni gwen kung nasan si mark. First day na first day ambigat bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ko nakita si mark at dahil dun sa gagong lalake na yun.

"Ayan na pala si manong" rinig kong sabi ni gwen nang tumigil ang sasakyan sa harap namin. Agad akong sumakay sa likod at si gwen naman ay sa harap katabi ni manong. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit narin ako.

"Oh mukhang badtrip si faye ah anong nanyare?" rinig kong tanong ni manong.
"Eh hindi nakita si mark eh hahaaha hayaan nyo nayan babaeng yan" sagot naman ni gwen.

Hindi kona narinig na nagusap pa si manong at si gwen kaya naman ang music na mula sa radio ang sadyang nagpapaingay sa loob ng kotse. Nakaramdam ako ng antok dahil sa lamig na nagmumula sa aircon kaya naman nakatulog nako.

"Anak, nandito na tayo umakyat ka na sa kwarto mo't dun ka nalng matulog" rinig kong sabi ni manong tupe na ginigising ako. Minulat ko naman ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nakauwi na kame.

"Asan ho si gwen?" tanong ko.

"Hindi ka na sya nakapagpaalam sayo dahil ayaw na nyang magising ka" sabi ni manong kaya napatango tango naman ako. Bumaba na ng kotse si manong at sumunod naman ako para makapagpahinga na.

Nang pumasok ako sa bahay ay naabutan ko si manang na nagwawalis pero agad nya akong tinarayan ng makita nya ko. Ugali talaga neto. Bwahahahha.

Umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo. Nang matapos akong maligo at magayos ay humiga ako sa kama at tinext si mark.

Hey mark, what's up? Hindi kita nakita kanina ah? I hope you're okay :)
To: markiee

1minute na ang nakalipas pero wala parin syang reply. Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang hinihintay ang reply nya.

4minutes wala parin ugh! Tiwala lang kirsten faye.

Pero 27 minutes na ang nakalipas wala parin huhuhuhu. Ang shaket. Nasend ko ba talaga?! Chineck ko ulit ang text ko pero na send ko naman. Baka naman walang load si mark nagpapaload palang? O kaya naman lowbat? O kaya naman nagta-type parin sya kaso hindi matapos tapos kase sobrang haba ng explanation nya kung bakit hindi sya nagpakita sakin kanina? Kyahhh kinikilig ako. Tama tama baka ganun nga hihihi.

3 hours nakong nakahiga sa kama ko pero wala parin syang reply. Napaupo ako sa kama ko pero hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Pero agad ko itong pinunasan. Hehehe.

"Baka naman nawawala ung cellphone nya faye wag kanang malungkot hehehe importante ka dun kay mark" bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang sarili kong  luha. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Tsaka ako tumayo para kumain sa baba.

Story Of Us.Where stories live. Discover now