Chapter 6

24 2 6
                                    

Kinabukasan ay wala akong gana kumain kaya naman ay nagpahatid nalang ako kay manong ng maaga sa school para dun nalang kumain. Hanggang ngayon ay hindi parin nagrereply si mark at oo hanggang ngayon ay naghihintay parin ako sa reply nya haysst.
Nagtext pa kase ako ng isa pa hayop badtrip first time kong hindi mareplayan.

"Andito na tayo faye" biglang sabi ni manong nang makarating kame sa Jazz University. Nagpaalam ako kay manong at agad bumaba sa kotse. Sumalubong sakin ang napakalakas na hangin maaga pa kase eh. Unti palang ang mga estudyante na pumapasok dahil nga maaga pa. Karamihan sa mga pumapasok ay yung mga masisipag . Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng sandwich bago ako pumasok sa room namen. Nang makabili nako ng sandwich at juice ay pumunta nako sa room.

Nagulat ako dahil wala pang tao sa loob ng room namen pero pumasok paren ako dun dahil paniguradong wala pa si Gwen dahil nga maaga pa. Kumain lang ako ng kumain hanggang naubos na ang limang sandwich na binili ko. Napahawak ako sa tyan ko dahil sa pagkabusog haayyy. Ako paren ang tao dito wala pang iba dahil maaga pa kaya napagdesisyonan kong maglibot libot dito sa floor nato. Tinignan ko ang bawat room dito sa floor nato lahat may tao na mga dalawa bawat room. At nang nasa huling room nako ay natigil ako dahil nakapatay ang ilaw pero ay tumutugtug ng gitara. Dahan dahan akong sumilip sa pinto na nakabukas ng unti. Nagulat ako nang may lalaking na nakaupo sa sahig magisa lang sya at tumutugtug ng gitara. Nakakatakot sa una dahil madilim tapos magisa pa sya tas nasa isang sulok pa sya errrrr. Ngunit mawawala lahat ng takot mo pag narinig mo ang tugtug nya ng gitara sobrang ganda sabayan mopa ng boses nya na napakalamig.

Hindi ko sya nakikita dahil nakatalikod sya sakin pero ang sarap pakinggan ng mga tugtug nya at ng boses nyang napakalamig na may pagka husky ng unti.

"Kung sino ka mang nakasilip sa pinto, magtago kana dahil ihahampas kotong gitara ko sayo. Sino ka para pakinggan ako?" nagulat ako dahil bigla syang nagsalita pero mas nagulat ako nang makilala ko ang boses nya. Errr hindi sya yan faye imposible---

Natigil ako sa pagiisip dahil bigla syang humarap. Dali dali naman akong napahawak sa bibig ko nang makita ko ang  mukha nya kahit na madilim.

"Ikaw nanaman?!" Gulat na gulat kong sigaw nang makita si sine/bookstore/cr guy. Aishhh nang makilala nya ko ay bigla syang ngumiti. Binuksan nya ang ilaw kaya mas nainis ako nang makita ko ang mukha nya ng mas malinaw aishhh.

Lalabas na sana ako nang bigla nyang hilahin ang mga kamay ko dahilan upang mapigilan ako at mapaharap sakanya. Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha namin. Mukhang nagulat rin sya pero hanggang ngayon ay nagtititigan parin kame at hanggang ngayon ay hawak parin nya ang kamay ko. Narinig ko ang tibok ng puso ko aishh kay mark kalang dapat titibok baby heart. Dali dali kong inalis ang kamay kong hawak nya kaya naman napayuko sya. Nahiya siguro.

"Ano bayun? Hahampasin mo naba ako ng gitara mo?" Pigil ang inis na tanong ko nang maalala ang sinabi nya kanina. Bahagya naman syang napaangat ang tingin at ngumiti sakin. Dali dali naman syang umiling kaya nman nakahinga ako ng maluwag aishh kala ko naman.

"Kala ko kase lalaki yung nakasilip kanina sa pinto kaya nasabi ko yun, tara pasok ka." Sabi nya tsaka bahagyang binuksan ang pinto. Wow kung makapagpapasok kala mo naman bahay nya toh HA HA HA. Pumasok naman ako dahil maaga parin naman. Weyt parang ang bagal ng oras. Aishh. Umupo ako sa isang upuan sya naman ay nakaupo lang sa sahig.

"Miss ano bang pangalan mo?" tanong sakin ni S/BS/CR guy. Pero habang tinatanong nya yun ay pinapatugtug lang nya ang gitara nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Story Of Us.Where stories live. Discover now