Oo mahal ko sya, pero sa sobrang pagmamahal ko sakanya nakalimutan ko na yung sarili ko.


Nakalimutan ko ng pahalagahan yung sarili ko. Masyado kong itinuon lahat ng oras at pagmamahal ko sakanya.


"Sinubukan kitang mahalin noon pero I'm really sorry I can't. Pero what you're asking for is too much. Di ko kayang wala ka."


"Too much?? Glenn, what I'm asking for is for you to give me chance to love myself this time. Ngayong nasasaktan ako sa lahat ng sinasabi mo hindi ako humiling na mahalin moko pabalik. Hindi ko lang muna kayang makita at kausapin ka hangga't naaapektuhan parin ako ng presensya mo. Sobra. Sobrang sakit dito." Sabay turo ko sa puso ko habang umiiyak ako sa harapan nya.


"Putangina! Nagmahal akong magisa! Nasaktan akong magisa! At nasasaktan parin akong magisa ngayon, tapos magmomove on ako magisa. Damn lucky!" Tumatawa kong sabi pero bumubuhos parin ang mga luha sa mata ko.


"Elai..." Pagtawag nya sa pangalan ko atsaka ako niyakap.


Tinulak ko sya palayo.


"Sasanayin ko ng malayo sayo. Pahihintuin ko muna yung puso ko na mahalin ka. At kapag okay na ako at tanggap ko ng hanggang magkaibigan lang talaga, babalik at babalik ako. Promise ko yan sayo." Saad ko sabay talikod sakanya kasabay non ang matinding pagkawasak ng puso ko ng libo libong beses.





"MAHAL KITA!!!" Sigaw nya kaya napatigil ako sa paglalakad.


Malungkot ko syang hinarap.


"Kung mamahalin mo lang ako dahil sa naaawa ka sakin o hindi mo kayang malayo sakin, please wag. Hindi ko deserve ang ganong klaseng pagmamahal. Hayaan mo naman akong sumaya. Yung totoong masaya." Halos pagmamakaawa ko na sakanya.


"Ngayon ka lang magkakaganyan, pero kapag may nakilala ka nanamang pwede mong matipuhan makakalimutan mo rin naman ako kaagad. Grow up Glenn." Sa huling pagkakataon ngumiti ako sakanya atsaka na naglakad palayo.








Gustuhin ko man na ienjoy yung out of town trip namin pero hindi ko na kaya.


Kaya napagpasyahan kong umuwi nalang at sasabihin nalang sakanila kapag nakaalis na ko. Panigurado kasi hindi nila ako papayagang umalis.





Sinimulan ko ng magimpake kahit hinang hina na ako.





Matapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko tinitigan ko muna yung tent ni Glenn. Napangiti ako ng mapait.


Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon.


Masakit pero kailangan kong gawin.


Para sa ikabubuti ng nararamdaman ko.








I'm on my way home and my tears didn't stop strimming down my face. Lahat ng mga nangyari pilit nagfa-flashback sa utak ko.

Yung reaction nya nung sinabi ko sakanya yung totoong nararamdaman ko.

Yung isinagot nya sakin nung sinabi kong mahal na mahal ko sya.

Yung mga tingin nyang masakit sa mata at tumatagos sa puso.

Nakikita ko yung awa, at naramdaman kong nahihirapan din sya.

Pero ang pinakamasakit sa, lahat yung realidad na hindi nya ako kayang mahalin pabalik.

Haaaaay.

Ganito naman siguro talaga pag nagmamahal, hindi ka magaantay ng kapalit, handa kang tumaya kahit na sa una palang alam mo ng talo ka. Isusugal mo lahat kahit pa sarili mong kaligayahan.

Natigilan ako nang maramdamang kanina pa nagriring yung cellphone ko.

Pagtingin ko puro missed calls at texts galing sa mga kaibigan ko. Napangiti ako ng mapait.

Am I expecting someone that will call and text me then ask if where the fuck I am?

Pain...

Reality slapped me.

Wala talaga syang pakialam sakin.

I turned off my cellphone.

I need to find myself first.

I need to love myself first.




A/N:


Short update!! Sorry guys.


Baka next week pa ko maka update ulit.


Nirerevised ko pa yung mga drafts ko.





SML! :*


VOTE. COMMENT. SHARE. ENJOY.





-Kettlekorn❣️

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon