Nadapa

351 3 0
                                    

Tunog ng nag aaway na espada at hagulgol ni Cecilia lamang ang maririnig sa yaong silid.

"Akin lamang si Cecilia Jose!"

"Batid ko'y ika'y nagkakamali Emilio, ang pag-ibig ni Cecilia ay para sa akin lamang!"

Patuloy ang paglalaban ng dalawang binatilyo habang humahagulgol naman sa iyak si Cecilia

"Walang hiya ka Emilio! Paano mo nagawa sa akin ito?! Pakawalan mo ako! at huwag na huwag mong saktan si Jose!" sigaw ni Cecilia habang nagpupumiglas sa masikip na lubid sa katawan nito.

Pero hindi natinag si Emilio at lalo pa niyang ginalingan ang paglalaban kay Jose hanggang sa nasugatan niya ito.

"Hindi!!" sigaw ni Cecilia nang makitang nasugatan ang paa ni Jose at nahihirapan na itong tumayo

Sinipa ni Emilio ang espada ni Jose palayo sa nagmamay-ari nito at pinuwesto niya ang kanyang espada upang saksakin si Jose, ngunit bago iyon nangyari ay nakita ni Cecilia ang espada ni Jose na sinipa ni Emilio at kinuha niya ito kahit nahihirapan siya at nang makuha niya na iyon ay agad niyang hinawi ang lubid na nakagapos sa kanya gamit ang espada upang siya'y makalaya.

Nakita ni Cecilia na nakapwesto nang sasaksakin ni Emilio ang taong pinakamamahal niya ngunit iyon ay ayaw niyang mangyari kaya't tumakbo si Cecila sa kinaroroonan nila at malapit nang tumama ang espada ni Emilio sa katawan ni Jose nang biglang.....

Nadapa si Cecilia

"CUT!!" sabi ng Director at masamang nakatingin sa artistang gumaganap na Cecilia.



By: Nikki Aumie A. Mosende
Topic: Aksyon ng sinaunang panahon

Comment a topic and I will make a Dagli about it 😘

Lovelots

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon