「Death Match: Final」

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumugod silang dalawa sa isa't-isa. Sa bawat taga ni Shadow ay siya namang nablo-block ni Light. Sa bawat taga naman ni Light ay siya namang naiilagan ni Shadow. Halos magkasinggaling lamang silang dalawa. Hindi naman mapigilang mapaisip ang mga manonood. Ano ang mas nangunguna? Lakas o bilis? Kung walang sapat na lakas, hindi mo kayang sanggahin ang mga atake. Kung walang sapat na bilis, hindi mo kayang iwasan ang mga atake.

Patuloy lamang sila sa pagbitaw ng mga normal hits hanggang sa hindi na nga nakapagtimpi si Light at gumamit siya ng simpleng skill.

"Shield Throw."

Isang begginer skill na kung saan itatapon ang shield papunta sa kalaban. Madalas mababa lang ang damage nito.

Agad naman itong nailagan ni Shadow. Tumalon ito pakaliwa ngunit hindi niya inaasahang nabasa pala ni Light kung saan siya pupunta kaya naman inunahan na niya ito at agad siyang pumunta sa kaliwa ng kalaban at nagpakawala ng isang hit. Hindi ito naiwasan ni Shadow kaya't natamaan ito. Napaatras naman ito ng limang hakbang, saka siya dumistansiya sa kalaban.

85%

Sa isang atake lang ay malaki na ang nabawasan sa Hp ni Shadow. Dahil isa siyang ninja, mas focus niya ang speed at evasion kaya naman kaunti lang ang nailagay niya sa kaniyang Str at Vit. Ngunit kung ikukumpara ang damage niya sa ibang manlalaro ay masasabing O.P. ito dahil hindi lang mataas ang damage nito, mataas din ang Critical Chance nito. Sa bawat atake ay may 4/5 chance na magiging critical ang kaniyang atake.

Hindi naman natinag si Shadow ng makitang bumaba ang kaniyang Hp. Lumapit siya kay Light. Hindi siya umatake, ngunit lumapit lang tsaka siya lumayo. Lumapit ulit, ngunit lumayo na naman. Inulit-ulit niya ito. Sa kanan, sa kaliwa, sa taas, sa lahat ng direksiyon. Dahil sa sobrang bilis niya ay maraming afterimage ang naiiwan. Hindi pa nawawala ang isa ay mayroon na namang sumulpot na dalawa. Hindi maiwasang itaas ni Light ang kaniyang depensa. Ito ang disadvantage niya. Malakas nga siya, ngunit mabagal. Kaya naman itinaas niya ang kaniyang pandama at tinitingnan kung saan aatake ang kalaban.

Ngayon na!
Isang hiwa ang pinakawalan ni Shadow sa likuran ni Light. Agad naman itong naramdaman ni Light kaya naman tumalon ito pakaliwa pero inaasahan na ito ni Shadow kaya gamit ang isa pa niyang espada ay hiniwa niya ito. Dahil mabilis ang reaction ni Light ay nagawa niyang pumihit pakanan pero dumaplis parin ang espada sa kaniyang pisngi.

85%

Isang atake lang ngunit napakalaki na ng damage sa kaniya. Hindi pa kasama dun na daplis lang tumama ngunit malaki na ang nabawas sa kaniyang Hp.

"Guardian Dragon Secret Skill: Light Domain."

"Shadow Dragon Secret Skill: Darkness."

Kalahati ng arena ay nabalutan ng kulay puting liwanag samantalang ang kabila naman ay nabalutan ng kadiliman.

Ang Light Domain ay isang AoE skill na nagpapataas ng def at hp regeneration in a limited time. Samantalang ang Darkness ay isang debuff na kung saan nabubulag ang mga kalaban na pinalolooban ng skill.

Habang walang nakikita ang mga manonood ay ginamit na ni Shadow ang pagkakataong ito upang ilabas si Shana.

"Shana. Third Mode."

"Ok papa~"

"Morph."

Unti-unting naglaho ang katawan ni Shana at pumunta sa katawan ni Shadow. Ang kaniyang kulay pulang mga mata ay naging kulay itim. Ang kaniyang katawan ay wala ng kaliskis, ngunit parang naging usok na ito. Ang kaniyang pakpak ay gawa na ito sa usok at ang kaniyang ulo ay tinubuan ng dalawang sungay. Kung titignan sa malayo, masasabi mong isa siyang demonyo dahil sa kaniyang itsura.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon