Napakawala ako ng malakas na hininga bago nag-inat at tumayo. Sayang ang oras, I need to make wine pero ang balik ko sa loob ng kubo ay mukhang nagkukwentuhan at nagtatawanan pa rin sila. Ang hirap naman nilang abalahin dahil kitang-kita sa mga mukha nila ang kasiyahan.

Sana all.

Nakisali na lamang muna ako. For the meantime, hindi muna trabaho ang iisipin ko. I need to loosen up gaya ng sabi ni tayla. Kaya nga ako nagpunta ng plantasyon para madivert ang attention ko pero hindi pa rin kahit dito madadala ko pa rin ang trabaho. But somehow, my work is great. Kailangan ko magpayaman para sa pang college ni timothy.

"Felicity" napalingon ako kay Alex na tumabi sa aking pakakaupo. Kausap ko kasi si Samantha ngayon pero tumayo agad ito ng tinawag ako ni alex. Nagpainom pa kasi si Manong Simon ng lambanog kay Alex kaya eto medyo tipsy siya.

"Why?" I asked. Medyo namumula na ang kanyang pisngi at pamunghay na rin ang mata. He's drunk! Umiling ito at ngumisi sa akin.

"This place is so home!" magalak niyang saad kaya napangiti ako. Ofcourse! I grew up here! This is my home town.

"Ofcourse, Everyone's welcome here" hinawakan niya ang sandalan ng upuan ko at hinayaan na roon ang kanyang braso na siyang napailang sa akin.

"Even your ex" natigilan ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba siya nagpakalasing?

It's not a question. It's a statement.

Hapon na ng makarating kami sa mansion. Samantha won't let me go kaya ang ending wala na naman akong nagawang trabaho, as well as Alex na lasing pa.

"You're drunk" I stated. Nandito kami ngayon sa Bahay Mansion dahil inalalayan ko siya kasama si Edward papunta dito. He said he can manage pero pagewang-gewang ang lakad niya kaya pinaalalayan ko na siya. Mahirap na baka maaksidente siya dito. Sagutin ko pa!

Nakaupo siya ngayon sa sofa at inabot ko ang tasang may kape para mahimasmahasan siya. Agad naman niya itong kinuha at hinigop.

Opps. That's hot.

Napaso yata ang kanyang dila dahil napaawang ang kanyang bibig.

"I think you should get some rest, Alex" umupo ako sa pang isahang sofa sa gilid niya. Napatingin siya sa akin bago muling humigop sa kape niya.

"After I finish this"

Tumango ako sa kanya at tumayo na para umalis.

"I'll go na. Call me when you need anything okay? Papadalhan na lang kita ng hapunan dito" saad ko sa kanya at tinitigan lang niya ako hanggang sa makaalis.

Tutal naman ay hapon na at hindi ko na rin nasundo si timothy kaya sinilip ko na lang muna siya sa study area. Kasama niya ang tutor niya at mukhang may pinapagawa nito dahil tutok na tutok si tim sa pagsusulat habang nakatingin lang sa kanyang ang kanyang tutor.

"City, iha" lumingon ako sa aking likod at nakita ko si Manang Isa na may dalang meryenda para sa dalawa. Kinuha ko agad iyon at sinabihan si Manang na ako na lang.

Hindi na ako kumatok kaya sabay silang lumignon sa aking dalawa. Masigla akong tinawag ni Timothy

"Mommy! I though you left" akmang lumapit siya sa akin pero umiling ako bago ngumiti sa kanila.

"Sit timothy. May pinapagawa ata sayo si Miss Falculan" sinunod naman ako ni timothy at nilapag ko ang tray sa harapan nila.

"Finish that tapos kumain na kayo ha" magaan kong saad at tumingin sa tutor ni tim. Ngumit naman ito sa akin bago yumuko. Ay mahiyain

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now