She smiled bitterly, "Noong nagising siya, gusto ko siyang yakapin at huwag nang bitawan. Gusto kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman, ngunit pinigilan ko ang sarili ko." Bakas sa boses nito ang lungkot. She looked at me, "Kristin, alam mo namang hindi ako nagmula sa isang mayamang pamilya. Mahirap lamang ako. Ang pamilyang pinanggalingan ni Santiago ay malayong-malayo sa pamilyang pinanggalingan ko. Milya-milya ang layo ng aming mga mundo. Langit siya at lupa ako. Kaya pilit ko siyang iniwasan mula noong bumalik siya galing Inglatera. Pinilit ko ang sarili ko na hindi muli mapalapit sa kanya. Pinilit kong itatak sa isipan na hindi kami pwede sa isa't isa. Na ang nararapat sa kanya ay isang babaeng kapantay niya at hindi isang hampas-lupa."

I was astonished with what she said. Alam kong mula bata ay magkakaibigan na sila. Kahit na malalayo ang agwat ng kanilang edad ay malapit silang apat. But I didn't know that Corazon liked Santiago eversince they were little.

Pero sa kabila nun ay hindi ko mapigilan ang ngumiti. You'll never witness a love story like this in the twentieth century. "Hindi man ako dalubhasa pagdating sa mga bagay na ganyan pero, naisip mo ba kung bakit kay Santiago tumibok ang puso mo?"

She looked at me, confused.

"Dahil ang pag-ibig, walang pinipili. Kapag tumibok na ang puso mo para sa isang tao, wala ka ng magagawa." I raised my hand to my chest. I fell for a guy from the past. Isang taong mula sa nakaraan ang nakapagpatibok ng puso kong binalot na ng yelo. I never asked for this. I never asked for someone. But it came. "Tulad ng gamu-gamong 'yan, kahit na alam niyang pwede siyang masunog kapag lumapit siya sa apoy ay hindi siya nagpapigil."

Muli kong hinawakan ang kamay niya, "Hindi ang estado sa buhay ang magdidikta kung kanino titibok ang puso. Kaya masarap magmahal dahil walang bawal." Corazon helped me a lot. She's my friend. And what I want for my friends is happiness. "Kaya Corazon, sundin mo na ang puso at hindi ang sasabihin ng nakararami."

Nakakatawa dahil nagagawa kong magbigay ng ganitong mga advice when all I know is bitching other people. All I do is hurt people who treats me as their friends. Which reminds me of Jane. At first, I thought she was annoying. Her kindness annoys me. Ang pagiging concern niya sakin ay kinaiinisan ko. I thought she was doing it to gain a higher social status in the university. But in my stay here, I realized... I owe her a lot. She gets me out of trouble everytime and by doing that she gets herself in trouble too. Masyadong makitid ang utak ko noon, akala ko ginagawa niya lahat ng yun because she was a social climber. And I was wrong. Dahil kahit na ilang beses ko siyang itinaboy, she stayed.

Corazon smiled, "Maraming salamat, Kristin."

I raised a brow, "Para san?"

"Maraming salamat dahil naging kaibigan kita. Namin."

I smiled back.

Sabay kaming napalingon sa bintana nang may narinig kaming ingay mula rito.

"Ano 'yun?" I asked. Nagkibit balikat si Corazon saka tumayo at naglakad palapit sa bintana. Pero bago pa man niya buksan ito ay muli naming narinig ang ingay. Para bang may bumabato sa nakasarang bintana.

Napatayo na din ako saka naglakad palapit sa kanya, "Wag mo nalang kayang buksan? 'Di natin alam kung ano ang gumagawa ng ingay baka mapahamak ka pa."

Tumango si Corazon, "Mabuti pa nga."

Pero 'di pa man kami tuluyang nakakalayo sa bintana ay may narinig kaming boses at tunog ng gitara.

"Dungawin mo sana
Bituing marilag
Bigyan mo ng pag-asa
Dapat mong malaman sa oras na ito
Nais ko ay ligaya
Kung tunay mang ang yong puso'y nakasangla na
Pilit kong kukunin
Sa kamay ng iba"

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon