"Jave!" tawag niya nang talikuran ko siya para hanapin si Ark. Hindi na ako nagabalang huminto, wala naman akong balak na marinig ang sasabihin niya. "Gusto kong maging kaibigan mo."

Napahinto ako. Kaibigan? Nagpapatawa ba siya?





"Girls, girls check this out!!"

Nagkakagulo na naman ang mga kaklase ko. Kung hindi tsismis tungkol sa mga Rexes, ,mga artista at mga branded na items ang pinagkakaguluhan ng mga babae kong kaklase. Napapailing nalang akong tumutok sa notebook ko. Malapit na din kasi ang exam ng mga freshman, atleast man lang doon sana makakuha ako ng magandang score. Binuksan ko ang laptop na nakakabit sa table ko para icheck ang ilang website. Awtomatikong nagload ang page ng school website. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang article at isang picture sa gilid.

May bagong estudyante ang Westside. Teka, si Jave ba 'to? Tinutukan ko ang screen.

"I admire her guts! First day niya palang sa school nakayakap na siya ng ganyan sa demon rex. Pagkakaalam ko hindi tumatanggap ang Westside ng transfer student in the middle of school year. I'm sure high-profiled yan. Ano nga ulit ang background niya search niyo nga!" dinig kong tilian ng mga kaklase ko.

Binalik ko ang atensyon sa picture. Si Jave nga. Kuha iyon na magkayakap ang dalawa sa lupa. Nakapatong ang babae kay Jave. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang kinurot iyon. "Oh, nawala?" Nawala ang picture. May nagdelete nun sa website.

"Hay, bakit nawala? Search mo yung profile ng student, Bella Margaret Margo ang name niya dali!"

Nanginginig ang kamay ko nang itutok ko ang cursor sa search button ng mga profile ng studyante sa Westside. Tinype ko ang narinig kong pangalan.

Bella Margaret Margo. Half Filipino. Half Irish. A teenage successor of one of the biggest conglomerates in Ireland. She's skilled in horseback riding, shooting, fencing and an excellent tennis player having won several international competitions. A perfect modern day princess..

Ayoko nang basahin. Ano namang pakialam ko sa babaeng ito? Kakilala ba niya si Jave? Napaisip ako, base sa picture na nakita ko...siguradong magkakilala sila. Isasara ko na sana ang laptop nang makuha ang atensyon ko ng isang picture. Picture ni Bella sa isa sa mga endorsements nito. Model din siya ng isang sports apparel. Ang ganda ng katawan niya. Manipis ang beywang, malaki ang boobs, at mahahaba ang mga legs. Hays. Hindi ko na kailangang tumingin sa salamin para makitang mas maganda siya sa akin. Napayupyop ako sa table ko, kakasabi lang ni Jave kagabi na gusto niya akong maging girlfriend tapos ngayon makikita kong nakikipagharutan siya sa magandang babaeng ito?? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Pinaglalaruan ako??

"Paniki!!"

Shit. Naisigaw ko yata yun. Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. Kaya napayuko ulit ako. Kagat ko ang labi ko. Nakakainis.

"Si Bella! Guys, guys si Bella!! I think she's heading right here. Oh my God, kaklase natin siya!"

Ano? Napatingin ako sa bintana. Nakita ko siya. Mas maganda siya sa personal, at ang tangkad niya. Ba't naman sa klase pa namin siya napunta? Pwede naman sa iba. Pero wala naman akong magagawa kundi ang sabunutan ang sarili kong buhok.

"Excuse me...?" tinig ng isang babaeng may prominenteng American accent. " Can I sit here?" napaangat ako ng tingin. Napakurap ako ng makita ko ang kulay green niyang mga mata na kumikislap dahil sa liwanag. Ang hahaba ng pilikmata niya, makinis ang balat at may nakakainggit na pares ng mapupulang mga labi.

 Ang hahaba ng pilikmata niya, makinis ang balat at may nakakainggit na pares ng mapupulang mga labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon