"Sorry. And thank you! By the way I'm Bella and you are?"

Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang siya ng masama. Wala akong balak makipagusap. Nakakapagod magbukas ng bibig. Tinalikuran ko siya pero humabol pa rin at hinawakan na naman ako sa kamay.

"Please,just you're name.."

"Bitawan mo ako."

"Gusto ko lang naman magpasalamat sa pagtulong mo.."

"Hindi kita tinulungan. Badtrip lang talaga ako, gusto kong mambogbog ng tao. OK na? Bitawan mo 'ko."

Napilitan siyang bumitaw. Pairap akong umalis ng lugar. Narinig ko pa siyang sumigaw na magkikita pa raw kami. Tch. Hindi ko na matatandaan ang mukha niya kapag nangyari man yun. Nasaan na ba kasi sina Jiro?? Hindi sinasagot ni Sofia ang tawag ko. Wala ba siyang balak na sunduin ako? Hindi niya ba alam na ngayon ako darating? Ang sakit sa dibdib ng Alien na yun!




Halos mabiyak ang ulo ko sa exam na tinake ko para sa University ranking. Puro general knowledge ang tanong. Madaming situational at madaming tricky questions. Feeling ko kahit gumradweyt ako hindi ko masasagot ang mga tanong na iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko, kinakabahan talaga ako. Nabanggit kasi ni Jiro na kapag mataas ang ranking ko, maaring tigilan na ng mga kaklase ko at ng halos lahat ng estudyante dito ang pangmamata sa akin. Lahat sila iniisip na hindi ako deserving na maging kaibigan ng demon rex, hindi ako karapat dapat na makipagusap sa kahit na kaninong rex, kahit na kina Jiro at Ark. Kaya halos magliyab ang mga mata ng mga tao sa paligid sa tuwing nakikita nilang kausap ko isa man sa mga elite students ng school. I need to prove myself worthy of getting along with the top students.

Tiningnan ko ang malaking relo na nakasabit sa wall ng sports gym. PE ang last subject ko ngayong araw. Lumapag na ang eroplano ni Jave at sinundo na siya nina Jiro. Pinagpaalam ako ni Jiro sa teacher ko pero ako nalang ang nagdecide na wag sumama. Tama na ang special treatment nilang lahat sa akin dahil parami nang parami ang kaaway ko sa paaralang ito

Sa locker palang hindi ko na sigurado kung tutuloy ako. Volleyball kami ngayon, dahil nga sa may sugat pa ako sa balikat hindi pa ako pwedeng maglaro kaya pinapanood ko nalang ang mga kateam ko. Taga abot ng mineral water at panyo para sa kanila ang role ko. Mas maigi na yun kesa mag-skip na naman ako.


JIRO: Maleta lang ang inabutan namin sa airport. At report na nambogbog siya ng estudyante sa waiting lounge.


Txt yun ni Jiro sa akin. Nambogbog? Na naman? Napahawak ako sa sentido. Wala pa siyang isang oras nakakababa sa eroplano niyan ha. Asar kong isinuksok ang cellphone sa bulsa ng uniform ko. Kinabahan ako nang magtilian ang mga katabi ko, lahat sila lumayo sa akin. Nang iangat ko ang tingin ko, doon ko nakita ang rumaragasang bola na patungo sa direksyon ko. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat! Nanlaki na ang mga mata ko. Pakiramdam ko nagliliyab ang bola sa sobrang bilis.

Ang pumikit. Yun nalang ang kaya kong gawin. Pero bago ko ipinid ang mga mata ko, nakita ko ang paglipad at pagtama ng isang itim na sapatos mula sa gilid ng bola na siyang nagpahinto dito at nagbapagsak bago pa man marating ang mukha ko.

Nganga akong napakurap. Habang nagsitayuan naman lahat ng nanonood. Awang ang mga labi, kagaya ko. Tinitigan ko pa ang paggulong ng bola sa sahig na muntik nang magdulot ng black eye sakin. Nakita ko ang isang kamay na kumuha sa sapatos.

"Alam mo bang limited edition tong sapatos na 'to? Kakabili ko lang nito sa Korea..haaayy." hinipan pa niya bago isuot sa paa. Napatingin ako sa mukha niya.

Jave.

Nilapitan niya ako. "Kumurap ka naman. Wag mong ipahalatang gwapong gwapo ka sakin." bulong niya na nagpabalik sa akin sa katinuan. His face was a few inches away from mine. Walang akong choice kundi ang tumitig sa mukha niya. I can't also bring myself to look away. Jave's face has a different aura. Ang magulong buhok niya, ang mga mata niya ang ngiti niya lahat ng iyon parang isang kapanga-pangarap na panaginip. Ayoko nang magising. Lalo na nang pasadahan niya ng kamay niya ang gilid ng pisngi ko at alisin ng ilang hibla ng buhok na tumatabing doon. Nanahimik ang kapaligiran ko. Literal.

Ilang saglit pa, lumingon si Jave sa direksyong pinanggalingan ng bola. Nawala na bigla ang ngiti sa mga labi niya. Napalitan ng seryosong mukha na hindi ko mawari kung ano ang binabalak gawin. Tumayo si Jave upang kunin ang bola. Tapos ay humarap sa babaeng spiker na nasa kabilang net. Ang babaeng iyon ang pumalo ng bolang napunta sa direksyon ko. Mula sa kinatatayuan niya malapit sa bench, tinutok ni Jave ang mga mata sa babaeng iyon, tapos ay ubod lakas na pinalo ang bola patungo sa direksyon ng spiker. Pigil-hininga ang lahat ng tao sa paligid, kasama na ako. Akala ko talaga tatamaan sa mukha ang babae, kundi lang sinalo ng net na nasa harap nito ang bola. Nabinat ng husto ang net hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo sa mukha ng babae.

Namutla ang babaeng spiker na mula sa kabilang kupunan. Napahawak ito sa dibdib at nanlalambot ang tuhod na napaluhod sa sahig kasabay ng pagbagsak ng bola na umikot pa muna sa net.

"Jave!!" sigaw ko nang makabawi ako.

"What? Binalik ko lang ang bola sa kanila. I didn't do anything wrong." patawa-tawang sagot niya.

Irap ang isinagot ko kay Jave. Napabuntong hininga nalang din ako. He's really a handful to handle, and he can't be tamed. But upon seeing his enchanted smile like that, no doubt, I missed him a lot.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon