Chapter 51: The Abduction

Start from the beginning
                                    

*tok-tok-tok*

Napalingon ako sa pintuan at nakita si Lolo na nakasandal sa nakabukas ng pinto. May dala siyang food tray na may lamang agahan.

Nginitian niya ako at lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko at inilagay ang food tray sa lamesang katabi ng kama ko.

"Nakauwi ka na pala" sabi ko

"Gusto sana kitang makausap kagabi kaso nakatulog ka na raw" sabi ni Lolo

"Lolo..." hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Lolo hugged me tight.

"Sssh princess, it's alright" bulong ni Lolo

Once again feeling ko para akong bata na nawalan ng laruan. Matagal na ng huli kong niyakap si Lolo. I'm so hurt right now and I think sa lahat ng tao dito sa mansion si Lolo ang pinaka nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon. Gustuhin ko mang sundin ang mga payo ni Prince ngunit hindi ko magawa. I'm still not ready to talk about the past. I just can't. But I can't just be like this weakling forever.

"Lolo, papuntahin mo sila sa Music room. Kakausapin ko sila"

~
-Music Room-

Pagdating ko sa music room nandoon na sila. Just seeing their face gusto ko na suntukin ito. Nakaupo sila at nakatingin sa akin.

"Good morning Snow" bati ni Dante

Hindi ko ito pinansin at nag-lakad papunta sa piano. Mom and I used to play here together.

"Bakit pa kayo bumalik?" Tanong ko habang pinipindot ang mga tiles ng piano.

"For your forgiveness" narinig kong sagot ni Daniel

Napatigil ako sa pagpindot sa mga tiles at galit na nilingon sila.

"Forgiveness?!" Tinitigan ko sila sa mata "Alam niyo ba yang pinag-sasabi niyo?!"

"Snow, I know you're in pain-"

"ALAM NIYO PALA?! THEN BAKIT NIYO AKO INIWAN MAG-ISA?!" sumabog na ako sa harapan nila at hinayaang ipakita ang mahinang sarili ko habang umiiyak.

"Ang selfish niyo! Akala niyo ba kayo lang ang nasasaktan?! I lost my mom, pero iniwan niyo ako. Hindi niyo na isip na may anak at kapatid kayong musmos na sobra ding nasasaktan!"

"Alam namin at nagsisisi kami... we're so sorry"

Lumuhod silang dalawa sa harapan ko. I clenched my fist.

"Sana kasing dali ng pag-iwan niyo sa akin ang pag-bigay ng patawad. Pero sorry din, kasi hindi ko iyon maibibigay. Umalis na kayo dito sa mansion at iniwan niyo na ako ulit"

And by that I walked out the music room. Kinuha ko ang kotse ko at nag-drive palabas. Malayo-layo na ako ng mapansin ko ang isang itim na van na kanina pa nakasunod sa akin. Pag-labas ko kanina napansin ko na ito. Pero ngayon parang nag-hihinala na ako ang sinusundan nito. Binagalan ko ang pag-drive para paunahin yung itim na van at laking tuwa ko ng humarurot na ito pauna sa akin.

Lumiko ako at laking gulat ko ng nakaharang na sa daan ang itim na van. Inapakan ko ang brake para hindi ko sila mabangga.

A-Anong nangyayari?

Bumaba ang tatlong lalaking nakaitim at may dalang mga baril. Kinatok nila ang bintana ko ngunit dahil sa takot ay hindi ako gumalaw.

Pinaputukan nila ang binatana ko sa sobrang gulat ko ay napatalon ako.

"Bubuksan mo ang pinto mo o pauulanan ka namin ng bala?!" Sigaw nung isa.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanginginig akong binuksan ang pinto ng kotse. Hinila ako ng isang lalaki palabas ngunit pag-kalabas ko may matigas na bagay ang inihampas sa ulo ko dahilan para unti-unting dumilim ang paligid ko.

~

Unti-unti kong idinilat ang mata ko. N-Nasaan ako? Gumalaw-galaw ako at naramadaman kong nakatali ako. Nakatali ako sa isang upuan. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa rooftop ako ng isang building. Madilim na ang paligid kaya hindi ko maanalyze kung nasaan ako exactly.

"Oh, the princess finally woke up"

That voice....

Mula sa madilim na bahagi ng rooftop lumabas si Mr. Gomez kasama ang mga alipores niyang naka itim at may dalang malalaking baril. Talk about dramatic entrance.

Mr. Adonis Gomez, may-ari ng Gomez inc na pinabagsak ni Lolo last year. Ngayon may clue na ako kung nasaan na ako. I am probably on his abandoned building.

"Anong kailangan mo?" Nanlilisik ang mata ko habang tinatanong iyon.

"Ipaparansom kita sa Lolo mo at magtatayo ulit ng negosyo" then he laugh like a lunatic

"Akala mo kasi kung sinong magaling ang lolo mo! Mas nauna ang kumpanya ko at ginaya niya lang ako!" Gigil niyang sabi

"It's not Lolo's fault if he is wiser than you!" Sagot ko

Nanlaki ang mga mata niya at ikinuyom ang dalawang palad niya.

"Ang sabi ni Kuya Kim may bagyo daw na paparating kaya ang kulimlim ng langit" sabi niya habang nakangisi

T-Teka plano niya ba akong paulanan dito?!

"Halika na! Bumaba na tayo"

Umalis na si Mr. Gomez at ang mga body guards niya leaving me alone. Nakita kong kumidlat na sinundan ng kulog hanggang sa isa-isa ng pumatak ang mga malalaking butil ng ulan.

"PAKAWALAN NIYO AKOOO!!!!!"

Pinilit kong mag-wala para lumuwang yung tali. Nakaramdam ako ng hapdi dahil sa pagkiskis ng tali sa balat ko na siguradong mag-iiwan ng sugat. Isang oras ang lumipas ngunit ayaw pa ding lumuwag. Patuloy pa din sa pag-luha ang langit. Giniginaw na ako at nangangatog sa lamig. Sinubukan ko ulit gumalaw-galaw.

Please lumuwag ka na!

Biglang kumidlat at tinamaan ang semento na di kalayuan sa kinapupwestuhan ko kaya napapitlag ako sa gulat dahilan para tumumba ang upuan sa semento. Nakaramdam ako ng sakit. Kung hindi ako mag-mamadali mamamatay ako dahil sa kidlat. Alam kong sinadya ni Mr. Gomez na metal ang upuan ko para tamaan ako ng kidlat. Gumalaw-galaw ako ulit at hindi na inintindi ang hapdi dahil sa mga sugat na natatamo ko. Naramdaman kong lumuwag ang tali kaya nabuhayan ako ng loob. Buong pwersa akong gumalaw.

Sa wakas! Nakawala ako!

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa bulsa ng jeans ko. Si Mr. Gomez na yata ang pinaka bobong kidnapper dahil hindi man lang ako kinapkapan.

Sobrang nanghihina na ako dahil sa ginaw. Nanginginig ang nga daliri ko ng binuksan ko ang contacts ko. Una kong nakita ang number ni Prince kaya agad ko itong pinindot.

Please sumagot ka Prince...

Snow White And Her Seven ButlersWhere stories live. Discover now