Chapter 5 He know

118 3 0
                                    

Sky's pov

Natapos ang klase namin ng inaasar ako ng buong klase namin, pati yung history teacher namin nakiki sale din

"Sky, si jacob oh" pang aasar ni Ralph sabay turo sa likod ko, na siya namang naging dahilan ng pag lingon ko... pero wala naman pala

"Awiiee, sky gumaganyan ka na ha, may di ba kami alam ha" isa naman tong si Daph kanina lang naka poker face ngayon kung maka asar eh sagad

Naglakad na lang ako papunta sa canteen

"Kayo na ba, sky?" Tanong ni Ralph na may halong pang aasar

"Kami agad di ba pwedeng nakita ko lang siyang napadaan sa tapat ng room kanina at tumatakbo na para bang may hinahabol" pag katapos ko sinabi yan, ang mga mukha nilang nakangiti kanina napalitan ng pagtataka at kaba

"Ano na naman kaya nangyari dun?" Nag tatakang tanong ni Daph

"Kaya nga imbes na asarin niyo ako, bilisan niyo na lang maglakad para malaman natin kung ano nangyari" hindi na sila nag salita pa at naglakad na lang

Pagkarating namin sa canteen nakita agad namin yung ibang black tigers sa pwesto namin

Kaya tumakbo naman kami agad papunta doon,pero di pa kami nakakaupo pinaulanan na nila Daph at Ralph ng tanong si Jacob

"Ano nangyari sayo?, may umaway ba sayo, nasaan sila pupuntahan ko/ Anong nangyari, napa away ka ba, may nangyari bang masama, ano sagot!!" Sunod sunod na tanong nila ralph at daph

Hindi naman nakasagot si Jacob... eh paano naman kasi sasagot, eh maski ako walang naintindihan sa mga pinagsasabi nila

"Ano bang sinasabi niyo?, isa isa lang kasi" natatawang sabi ni Jacob

"Ano nangyari sayo?, may umaway ba sayo, nasaan sila pupuntahan ko/ Anong nangyari, napa away ka ba, may nangyari bang masama, ano sagot!!" Wahahaha ako na nga lang mag sasabi

"Ano?"- Jacob

""Ano nang-/Anon-" hindi ko na sila pinatapos ang sakit kaya sa tenga

"Ako na magsasabi ganito kasi yon, pinatayo ako nung prof. namin kanina, tapos nung sasagot na sana ako, bigla ka na lang dumaan sa tapat ng room namin, tapos para kang may hinahabol, pero di ko alam bigla akong kinabahan kaya yun, tapos na" paliwanag

"Ah yun ba, wala yun,may practice kasi sila Lhoraine kanina ng sayaw, kaso hindi ako nakapunta agad, kaya nagmadali na akong humabol sa practice nila, baka kasi magtampo na naman" paliwanag din ni Jacob

'Ah yun pala, akala ko napatay na si Lhoraine'
Hahaha

Hmmmp, pero bakit naiinis ako, buti pa si Lhoraine pinapanood niya kahit pa mapagod siya kakatakbo, samantalang ako kahit mag katabi kami kapag nag p-practice di man lang makatingin sa'kin

'Teka ano bang pake ko

Jacob's pov

Pagkatapos naming kumain sa canteen, nag sipunta na rin kami sa mga rooms namin.

Hindi din kami nag tagal sa canteen, kasi nang matapos kong sabihin kung bakit ako tumatakbo kanina eh bigla na lang umalis si sky at padabog pa siya

.
.
.
.
.
.
Natapos ang mga class namin in a boring way, kaya dumiretso na lang ako sa practice room, sabi ko kasi kanina hindi ako makakapunta, naiilang kasi ako kay Sky dahil sa nangyari kanina sa practice room

Pagkarating ko ng practice room nandun na silang lahat

"Ako na lang pala ang kulang"

"Akala ko ba di ka makakapunta"- Jj

"Ayaw mo bang nandito ako?" palusot ko na lang, kasi wala akong maisip na palusot

"hindi naman"-Jj

"Ok, so let's start"- pag iiba ko ng usapan

"Ok so ip-play ko yung phone kung ano yung tutugtog yun ang kakantahin niyo

ng mag play na, halos mabilaukan ako sa sarili kong laway, paano ba naman kasi yung song, I fell in love with my best friend, yung kinakanta ko kanina

Sky's pov

'Anak ka ni doraemon, oo'

Anong klaseng tadhana to, pati ba naman kanta hindi makisama

Kumanta na lang kami wala naman kaming magagawa eh

Verse 1 Jacob, Verse 2 naman ako tapos page chorus sabay kami lagi

Natapos yung kanta ng hindi man lang lumiligon si Jacob sa gawi ko

Tss eh bakit ba kung hindi siya titingin mas maganda nga yun kasi baka mamaya nakaka ilang na tingin nanaman ang ibabato niya sa akin

Jacob's pov

Natapos ang practice namin ng iisa lang ang kinanta namin ng paulit ulit... hindi nga ako makating kay sky eh

nagd-drive na ako ngayon pauwi

'Di ko alam, bakit simula ng sigawan at awayin ko si Sky sa canteen because of Lhoraine, parang naguilty ako, tapos tuwing makikita, masasalubong at maiisip ko siya bumibilis ang tibok ng puso... di ko ba alam... may sakit na yata ako sa puso'

Nakarating agad sa bahay, umakyat ako, pero napatigil ako sa tapat ng kwarto nila mom and dad... naalala ko na naman nung araw na may kumuhang mga armado sa akin,

flashback

dumiretso kaming lahat nila sky sa bahay, matapos nila akong makuha sa kamay ng mga Orgalino

Pero ng umalis na sila, pupunta sana ako sa baba kaso may narinig ako sa loob ng kwarto nila mom

"Royce kailangan na nating sabihin kay Jacob at Jasper kung anong klaseng tao tayo... lalo na kay Jacob, para na rin maturuan siyang lumaban at iligtas ang sarili niya, lalo na ngayon at alam na ng mga Orgalino na kaibigan niya si Sky"
Sabi ni mom

"Alex, alam kong kailangan nilang malaman, pero paano, paano kung magiba ang tingin nila sa atin, sa mga Esguerra at lalong lalo na kay Sky"

End of Flashback

Pero bago ko pa marinig yang mga bagay na yan, bago pa ako mapunta sa mga Orgalino

Alam ko na lahat lahat... kung anong klaseng tao si Sky at kung anong klaseng mga magulang meron ako

Pero hihintayin ko pa rin si Sky na magsabi ng katotohanan at para na rin alam nang buong black tigers

At alam ko na lahat yan simula ng makilala ko si Sky

Dahil hindi ako tanga para hindi malamang anak ng isang mafia boss at isang mafia princess ang matalik kong kaibigan

and...

yes i know everything

———————————————————————
Thank you readers, hope you'll like it

Sorry medyo maiksi po yung update

Saranghae

>kyung kyung

Fall In Love With My BESTFRIENDWhere stories live. Discover now