Chapter 3:Black Tigers to the Rescue!

180 4 0
                                    

Jj's Pov

Tanghali na kaya nagplano na kami kung paano kami susugod sa Red Dragons, una naming ginawa inalam namin kung nasaan dinala si Jacob gamit ang tracker at nalaman ng naming sa lumang bahay ng mga orgalino napunta si Jacob

After 15 minutes nakarating kami sa lumang bahay ng mga Orgalino

sa likod ng lumang bahay kami dumaan,
pumwesto si Sky at Gedon sa gilid ng pinto, samantalang ako naman nakatago dito si likod ng puno si Daphne naman nag tago dun sa likod ng isang drum malapit sa pinto

Nang may papalabas na lalaki humanda kaming lahat, nang tuluyang makalabas yung lalaki sinapak agad siya ni Sky ng napakalas kaya nakatulog, minsan nakakagulat din tong babaeng to eh ang lakas grabe woah!

Nag mailigpit na namin yung lalaki pumasok na kami agad, patalikod akong pumasok si Daph nakaharap sa kaliwa, si Gedon naman sa kanan, at si Sky ang nangunguna

Bali ganito yung pwesto
  
                                          Sky
                             Gedon        Daphne
                                          Jjay

Nang makapunta kami sa may sala ang daming mga armadong lalaking nagpaulan ng bala galing sa taas kaya nag kahiwahiwalay kami para makapagtago at maka ilag na rin sa mga bala, sinabayan naman namin sila ng pagpapaulan ng bala, nang maubos sila nagsilabasan kami sa mga pinagtataguan at pumunta sa taas, dalawa kasi ang akyatan dito, kaya sa kaliwa sila Gedon at Daph, tapos kami ni Sky sa kanan, merong limang kwarto dito sa kanan, dun naman sa kaliwa apat na kwarto

Sky's Pov
Nakasuot na kami ngayon ng face mask, pinilit ko silang mag face mask kasi mahirap na baka makilala ako ng mga Orgalino, mabuking pa ako ng mga kabarkada ko... hindi pa ako handang magpakilala

Pagkaakyat namin ni Jjay pumasok kami agad sa unang kwarto, isa itong study room madaming mga libro tapos may tatlong computer sa gilid

"Sky tama na muna yang pagmamasid, time is gold-" sabi ni Jjay pero pabulong

'Tss lagi naman ganyan sinasabi niya time is gold daw para sa kaniya, pero minsan may katuloy yan... time is gold... when your watching b*ld, ganun siya kag*go'

Lumabas kami ng kwarto, bubuksan ko na sana pero biglang may nagpaputok ng baril, buti na nga lang di ako natamaan kasi nahila ako kaagad ni Jjay, pagkatapos niyang paputukan yung lalaki pumasok kami agad sa pangalawang kwarto, nagulat ako kasi pagpasok namin grabe ang daming armas, may mga ibat ibang klase ng baril, may mga katana, ibat ibang uri ng mga kutsilyo, mga dagger at marami pang mga armas, di na kami nagpatumpik tumpik pa kumuha na kami ng mga gamit, pagkatapos naming kumuha ng gamit lumabas na kami agad. Bubuksan ko na sana ang pangatlong pinto kaso medyo nahirapan kami kasi na ka-lock yung pinto, kinuha ko yung isang hair pin na nakaipit sa buhok at sinimulang kalikutin ang door knob,

Nang nararamdaman ko nang mabubuksan ko na yung pinto biglang may narinig kaming sigaw sa left side

"Aaaaahhhh"sigaw ng isang babae

"Si Daph yun ah" kinakabahang sabi ni Jjay

Dun ko lang napagtanto na si Daph nga yung sumigaw, hinugot ko yung hair pin at ibinulsa, tapos nauna na akong tumakbo papunta sa left side

'Subukan lang nilang saktan ang isa sa mga barkada ko, makikilala nila kung sino talaga si Trisha Skyler Esguerra'

Daphne's Pov

pumasok kami ni Gedon sa unang kwarto, sa unang tingin para lang siyang ordinaryong kwarto pero pag pumasok ka na may makikita kang isang kabinet na kulay pula at ang laman nito ay iba't ibang uri ng baril, kumuha kami ng mga gamit na pwede naming magamit at yung pwedeng maitago sa damit ng hindi halata

Fall In Love With My BESTFRIENDWhere stories live. Discover now