Chapter 4 Song Title

134 1 0
                                    

Sky's Pov

6:00 na hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay Ralph at kung masasabi ko pa ba

"Sky kalbo na ako hindi mo pa rin nasasabi yung sasabihin mo" tinatamad na sabi ni Ralph

'eh kinakabahan nga kasi ako, ikaw kaya dito sa sitwasyon ko'

"Ok eto na nga, eh kasi... ano... ahm...ano kasi" OMG bat di ko masabi, napakamot na lang ako sa ulo ko

"Grabe ang dami kong naintindihan eh, wag ka mag alala Sky safe yang secret mo sa'kin" sarcastic na sabi niya

"Hayyy!, eto na nga eh, itong lihim na ito hindi lang basta lihim, kasi dito mo malalaman kung si--" hindi ko nanaman naituloy yung sasabihin ko kasi naman si tita Rose mommy ni Ralph bigla bigla na lang binuksan yung pinto

"Kain na muna mga anak" hindi na kami nagreklama ni Ralph, eh hinila na kami ni tita papalag pa ba kami

pag katapos namin kumain nag pahinga lang kami at nagpaalam na rin agad ako

"Tita, tito mauna na po ako"paalam ko

"Oh sige anak mag ingat ka sa pag d-drive" tumango naman ako, saka bumaling si tita kay Ralph

"Ralph ihatid mo na si Sky sa labas" utos ni tita kaya, lumabas na din kami ni Ralph... hanggang sa makarating kami sa gate nila tahimik lang siya, kaya nagulat naman ako nang biglang mag salita si Ralph

"Mag ingat ka sa pag d-drive" sabi niya

"Sige una na ako" bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse ko pero biglang nagsalita si Ralph

"Hihintayin ko yung time na kaya mo nang sabihin yung secret mo" seryoso niyang sabi at saka ako tinalikuran

Nag drive lang ako hanggang sa makarating sa bahay, dumiretso ako agad sa kwarto ko

"Grabe ang tagal kong nag-stay kila Ralph pero kahit isang clue man lang sa secret ko wala akong nasabi"

Iniisip ko kung malalaman kaya nilang isa akong mafia princess, matatanggap parin kaya nila ako ng buo

Napa balikwas naman ako ng tayo ng biglang may kumatok

"princess pwede ba akong pumasok"

"Sige lang po"

pumasok si daddy at umupo sa tabi ko

"parang may problema ang princess namin"

Bumuntong hininga ako, ganito kasi lagi tuwing mapapansin ni daddy na malungkot ako,pupunta agad siya sa tabi ko saka niya ako kakausapin ng maayos

"Dad kasi parang gusto ko nang sabihin sa barkada ko kung sino ako"

"Anak alam mo naman delikado pa, baka kung anong gawin ng mga kalaban natin"

Nginitian ko lang siya, naiintindihan ko naman na ginagawa niya to para sa kaligtasan ko, pero kasi na gi-guilty na ako sa pagtatago ko ng katotohanan sa mga kaibigan ko

"Don't worry, malapit naman na natin silang matalo, dadating yung time na pwede kong isigaw sa buong mundo, that i have a beutiful daughter and thats you" sabi ni daddy

"sana nga dad soon na, very very soon na" sabi ko with a true smile

natapos ang usapan namin ni dad, at dahil sa sobrang pag iisip nakatulog na ako

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
pagka gising ko kinapa ko agad yung phone ko sa ulunan ko, 5:00 na pala ang tagal ko namang natulog...8:00 kasi ako nakatulog kagabi kasi nakasanayan ko na 11:00 or 12:00 ako natutulog

Fall In Love With My BESTFRIENDWhere stories live. Discover now