chapter 1 My Friends, Family and my life

367 6 0
                                    

Sky's Pov

"Ano bang problema mong babae ka ha?, bat ba di mo alam tingnan yang dinadaanan mo, ang lagkit na tuloy ng katawan ko, bwiset!!"- sabi yan ng nabangga ko oa diba nabangga lang akala mo inigawan ng syota.

"Di ko kasalanan yan, umiwas na nga ako binangga mo pa rin ako, kasalan ko bang ikaw pa rin ang natapunan?"

"Sumasagot ka pa ha----"

PAK PAK
Langya to ni left and right ba naman yung maganda kong mukha, what the F

"kingina mo!!" mura ko sa kanya at sinabayan ko na rin ng isang napakalakas na sapak. Dedbol Ha! Wag na wag niyang kakalabanin ang isang Esguerra

Grabe first day of school guidance agad diretso ko...pero ngayon nandito ako sa practice room namin.

Andami ko ng sinabi di pa pala ko nag papakilala... hi i'm Trisha Skyler Esguerra, sky for short. Doctor ang mommy, daddy ko naman ang nag papatakbo ng Esguerra's Company dito sa Pilipinas at may dalawang gwapo at gagong mga kapatid na lalaki... may barkada rin ako apat na lalaki at isang kasing ganda kong babae

"Sky resbakan na ba natin yung babaeng sumampal sayo" si Jj yan parang pangatlong kuya ko na yan kasi sobrang protective bespren yan... guitarist yan ng banda

"uy guys tingnan niyo yung girl pala na yun ay isa sa admirer nung nanliligaw kay sky na si Luke" yan naman si Ralph hacker ng grupo kaya kung ayaw mong may ma hack sa accounts mo huwag mong kakalabanin ang isang montelegre... drummer din yan ng banda

"Kaya naman pala sinadya niyang banggain si Sky, naiingit sa ganda ng besti ko" yan naman si Daphne yan ang napaka gandang bespren ko, pero kagaya ko maganda pero amazona, kaya lang hindi siya kasali sa banda kasi pang ms. universe lang siya hahah

"Turuan na ng leksyon yan!!" -Ralph

"Leksyon? Wag niyo nang palabasin ng buhay sa campus!" Gedon, guitarist din nang banda, siya ang pinaka wild sa grupo pagdating sa mga away... pero pagdating sa loob ng room top1 yan

sabay sabay kaming nag tawanan, sabay sabay din kaming napalingun sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa ang pinakagwapo at pinaka hot sa grupo si Jacob at siya ang crush ko, pero shh lang kayo, kasi mga kapatid ko lang nakakaalam.

at ang pangalan nga pala ng banda nmin ay black tigers , si Jj nagisip niyan kasi lahat daw kami sa grupo puro mahilig sa black at puro wild.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nag ring yung bell 2nd period na pala, magkaklase kami ni Daphne at Ralph tapos si Jj, Gedon at Jacob naman ang magkaklase

First day of school nga naman puro pakilala blah blah blah 4th year high school na kami pero puro pakilala pa rin, eh kilala naman na namin ang lahat ang daming keme keme.

Natapos ang first day of school ng walang ginawa kundi mag pakilala...nakakapagod din magsalita kaya uwi na lang ako tutal umuwi naman na yung barkada.

Parking Lot

Pinuntahan ko yung kotse ko, pinaandar ko agad, bago umuwi dumaan muna ako sa seven eleven bumili ako ng paborito kong mogu mogu, tapos dumiretso na ako umuwi

Nadatnan ko si mama na nagluluto sa bahay bukod kasi sa pagiging doctor magaling din siyang magluto

"Hi Mom" bati ko sabay halik sa pisngi

"Musta ang school balita ko first day of school pangalan mo ang number 1 sa list sa guidance ah" sabi ni mommy ganyan siya wala siyang pakialam kung makipag away ako basta alam niyang hindi ako ang mali, pero pag may nanakit sa akin at wala naman akong kasalanan si mommy mismo ang susugod sa school

"Hehe oo nga po mommy eh, grabe ang oa nung babae, hindi ko naman kasalanang natapunan siya, umiwas na nga 'ko eh, nasampal pa tuloy ako pero---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko pano ba naman kasi ang sama ng tingin ni mommy, nung sinabi kong nasampal ako...

"Ano!! Sinampal ka ng babaeng yun taga saan siya pupuntahan ko siya!!"

"Mom ok na naparusahan na siya pinag push up pa nga siya ng 25 times, kaya chill ka lang mom" palusot ko

"Pero wala siyang karapatang sampalin ang prinsesa ko!!"

"Mom ok na nga po, mag luto ka na lang ng food mayamaya nandiyan na rin sila kuya, ok?"
Nag buntong hininga siya

"Ok, ayaw ko lang na may umaaway sa princess ko" nginitian ko na lang siya at umakyat sa kwarto

"Grabe ang sakit sa tenga nga boses ng nanay ko"

Sa tingin ng lahat isa lang kaming ordinaryong tao na nabubuhay sa mundo, pero dun sila nag kakamali... tinitigan ko yung isang maliit na letrang E na nakatatak sa wrist ko na tinatakpan ng relo ko, at ito ang palatandaan na isa akong anak ng mafia boss na si Fritz Ezekiel Esguerra, at isa akong miyembro ng Python Mafia, at isa ako sa pinaka makamandag na miyembro ng Mafia group.

Kung mamapapansin ninyo walang pasok ang mama ko ngayon dahil hindi siya doctor sa mga hospitals, doctor lang siya para sa mga mafia... at hindi siya isang ordinaryong doctor. siya rin ang pinaka makamandag ng miyembro ng Phyton mafia

Mahirap mag tago kasi pati barkada ko kahit isa walang nakakaalam

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ng may kumakatok sa kwarto ko grabe 7:00 na pala naka tulog pala ako

"Pasok!" Bumukas ang pintuan at iniluwa ang dalawang gwapong nilalang, Sigh!

'Nandito nanaman ang dalawang baliw na kuya ko'

"Kain na daw tayo!!!" Kuya Tristan ang panganay at pinakamadaldal sa aming tatlo mas madaldal pa sa'kin yan

"walang tayo kain lang" Kuya Tyler ang pinaka pilosopo at pinakamakulit sa'min

" magtatawag lang kumain kailangan dalawa pa kayo" hindi na sila nagsalita bumaba na lang kami pero nag piggy back ride ako kuya Tristan

Ang dami ko nanamang nakain paano sarshadong isda ang ulam

Pagtapos kumain nag ayos na kami para matulog

That's my family kahit mga mafia kami pinapatakbo namin ang buhay namin ng parang isang ordinaryong tao

TO BE CONTINUED...

********************************************

THANK YOU PO SA PAGBABASA

Fall In Love With My BESTFRIENDWhere stories live. Discover now