#2 The TukTuk

3.1K 170 352
                                    


Bas' POV

May trabaho na ko!

Pumirma na ako ng contract bilang talent dito sa Janean Group Agency. Si P'Oh ang manager na maghahandle sa akin.

Hindi ganun kalaki yung monthly salary, I mean allowance pero pwede na. Tsaka mabait sila dito, 70-30 ang hatian if ever makakuha ng project unlike sa ibang manager na 50-50.

Ang saya-saya ko! Ang sarap sa feeling na na-secure ko na yung 1st step ko sa pagpasok sa mundo ng showbiz.

Pero bukod diyan, may isa pang nagpapasaya sakin lately.

Naalala nyo pa si P'Kim? Textmate na kami. Oo, minsan callmate pa nga.

Hindi ko alam kung anong trip nya pero masaya ako tuwing kausap ko sya.

Nakasanayan na nga ng sistema ko yung northern accent nya!

"P'Kim meron ka bang IG? Follow kita.."

Text ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit gusto kong makita yung mukha nya ngayon.

Lagi naman kami magka-text pero I'm longing for his face.

Gusto kong magnakaw ng picture nya at gawing wallpaper dito sa phone ko.

Crush ko na ata sya? Or gusto?

Parang kelan lang sinabi ko na ayaw ko sa mga relationship pero dahil dito kay P'Kim babaliin ko na ata yung paniniwala ko.

Alam nyo ba yung feeling? Minsan ka lang makakakilala ng Bangkok people na nagsasalita with northern accent. Pakiramdam ko rare sya at hindi na dapat pakawalan.

Tsaka meron syang cotton, iodine tincture at micropore sa bulsa kaya gusto ko sya. Anong connect?

Basta yun na yun. Sorry Ma at Pa, pero boyfriend ata ang unang ipapakilala ko sa inyo.

*vibrate

Halos mapatalon ako dahil sa bagong notification!

-1 message from P'Kim👬-

"Ano yung tinatawag mong IG? At bakit mo naman ako susundan Nong?"

Napanganga nalang ako sa reply ni P'Kim.

Okay. Okay.

Bukod sa outdated na yung pomada nyang virgin coconut oil sa ulo, mukhang outdated din itong si P'Kim sa mga social media!

"Seryoso P'? Hindi mo talaga alam yun? Uhm, facebook? Twitter? Weibo? Baka meron?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis? Hindi kaya pinagtrtripan lang ako nito?

"Paumanhin Nong ngunit wala talaga akong alam sa ganyan. Bagama't naririnig ko, hindi ako nag atubiling alamin kung ano ang mga iyan sa kadahilanang abala ako sa trabaho."

Sa tingin ko naman nagsisiwalat sya ng katotohanan. Shiya!! Nahawa na ata ako sa northern accent nya!!

Dahil wala, what if kung gawan at turuan ko sya? Oo nga. Magandang idea.

"P' gusto mo magkita tayo bukas at turuan kita mag Instagram?"

Bakit pakiramdam ko, low key na niyaya ko syang mag-date?

Well. Totoo naman. Interesado talaga ako kay P'Kim.

Ang 'di ko alam kung interesado din ba sya sakin?

Wala naman kasi talagang kaso sakin kung pareho kaming lalake, pero sya open ba sya sa ganun?

Lalo na't makaluma pa ata itong si P'Kim. Baka pag sinabi kong gusto ko sya, ma-shookt ang sistema nya.

We Belong TogetherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora