CHAPTER FIFTEEN

235 14 10
                                    

D-6 before #TheElyXioninManila

I'm beyond the word excited to see EXO again. Who else are excited?

***

🎶 Follow me we'll disappear, I can't believe that you are just a friend of a friend. Feels like 11:11, and now you're  more than a friend. I'll never let you go, let you go

Napasimangot ako nung biglang may humila ng earphone ko dahil para masira yung feels ko sa kanta ng New Hope Club.

Humarap ako sa istorbo.

"What?!" Masungit na tanong ko sa katabi ko na kanina pa nagpapapansin. Wala kaming prof at wala din akong matambayan kaya dito na lang ako sa loob ng classroom. Nags-soundtrip lang ako dahil ayaw kong makisali sa kwentuhan ng iba kong classmates, Boring dahil for kundi tsismis eh puro kaartehan lang naman ang alam nila. I don't have close friends on my classmates dahil madalas si Fate lang naman ang kasama, but not anymore. I bitterly smile when I remember the reason why I'm not talking to her anymore. Muntik ko ng makalimutan na ipinagpalit niya nga pala ako sa mga new friends niya.

"Wala ka bang ibang pupuntahan? Lumabas na tayo please, mamamatay na ako sa sobrang boring dito." Pakiusap nung katabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay, Why is he talking to me? And as far as I remember I never asked him to stay, so bakit niya ako pinipilit lumabas? Nagulat na lang ako dahil tumabi siya saakin tapos pinipilit akong kausapin kahit hindi ko na siya pinapansin kinakausap pa din niya ako.

"Excuse me, I don't even know you so stop talking to me. Umalis ka nga sa tabi ko. Shoo!" I shooed him away. Frustrated niya akong tiningnan.

"Tangina, Napakakulit naman ng babaeng 'to." Mahina at pabulong niyang sabi pero sapat lang para marinig ko yun.

"Minumura mo ba ako?"

Nanlaki ang mata niya dahil akala niya yata hindi ko narinig ang sinabi niya. Depensive siya umiling ng paulit-ulit.

"N-no. Sabi ko tara na libre kita." Napakamot siya sa ulo niya. Frustrated, Hindi na alam kung anong gagawin para lang mapapayag ako. I secretly smile because I remember the first time he talked to me, kinukulit niya din ako noon na makipagdate sakanya pero dahil hindi naman siya yung mga tipo kong lalake we end up being friends but sadly it has to end so easily. Kung hindi nila ako pinagmukhang tanga baka hanggang ngayon siya ang palagi kong kasama dahil sa subjects na magkasama kame pero sabi nga ng prof ko sa Psych. There are things nakailangan mong i-let go dahil hindi talaga sila nakatadhana para magstay sa buhay mo. So I let them go dahil baka katulad ng sinasabi ng professor ko hindi din sila nakatadhana para magstay sa buhay ko.

Kung ano man yung mga pinagsamahan namin hanggang doon na lang. Ayoko nang dugtungan dahil ayoko nang magmukhang tanga. Once is enough, Twice is too much. Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano nabigyan ako ng chance na maranasan kung anong pakiramdam na makasama sa mundo nila kahit sa madaling panahon. Hindi ako martyr.

"No thanks. My mom told me not to go with a stranger." I saw a glint of pain in his eyes when I said those words.

"Fine. I will not ask you anymore but Angela I want you to know that we're sorry. Kung pakiramdam mo pinaglaruan at pinagkaisahan ka namin, I'm sorry. Hindi naman namin intention yun in the first place. Naoffend si Winter sa sinabi mo pero hindi ibig sabihin nun na kinampihan namin siya dahil kaibigan namin siya." Natigilan ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya, "When you asked me if I did see him, I really have no idea where he was. I didn't see him for days at nung araw na nakita mo kame sa Private room doon ko lang din nalaman na he was out of the country for days. Sana maniwala kang hindi ka namin niloloko."

Winter's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon